FoxNovel

Let’s Read The Word

Open APP
Bad Neighbor

Bad Neighbor

Author:Manofletters

Finished

LGBT+

Introduction
Ang kwento ay para sa mga taong malawak ang kaisipan at pag-uunawa sa buhay ng mga parte ng LGBTQ+. Ito ay hindi para sa mga bata dahil naglalaman ito ng mga maseselan at mahahalay na pangyayari o kaganapan. Ito ay kathang-isip lamang nang gumawa ng storya kaya't ang mga pangyayati na nakapaloob sa storya ay mga hindi sinasadyang matulad sa pangalan lugar at pangyayari.
SHOW ALL▼
Chapter

  Napabalikwas ako sa pagkakahiga dahil sa pagkagulat sa tunog ng alarm clock na nagmumula sa nights stand. Agad ko itong inabot para patayin.

  Tumayo na ako sa pagkakaupo sa kama at naglakad patungo sa bintana at hinawi ko ang kurtina. Bumungad sa 'king muka ang sikat ng araw sabay nang aking pag-inat.

  "Good morning sunday!" masayang sabi ko habang nakataas ang dalawang kamay na nakainat.

  Bumalik ako sa aking kama at inayos ito, pagkatapos naglakad na ako patungong bathroom para maligo. At nang pagkatapos kong maligo ay tumungo naman ako sa dressing room para magpalit.

  Nang makapagpalit na ako agad akong lumabas sa kwarto at bumaba na sa hagdan patungong sala. Walang tao 'nasan kaya sila'tanong ko sa sarili.  "Manang Rusing!" sigaw ko.

  May naramdaman akong lumapit sakin, at bago pa ako makalingaun ay tinapik niya na agad ang aking pwetan at dahil sa gulat ay napasigaw ako na siyang paghalakhak niya "manang naman oh!" Iritang sabi ko sa kaniya na naka nakabusangot ang muka. "HAHAHA!" malakas niyang tawa.

  Ganon talaga si manang, subrang close namin kaya kung biruin ako ni manang Rusing ay grabe. Minsan nga nong nagising ako sa kalagitnaan ng gabi. Bumaba ako para kumuha ng gatas sa ref, ay pinatayan ba naman ako ng ilaw, eh takot pa naman din ako sa dilim na siyang ikinataranta ko, kaya't ang gabing iyon ay nabalot nang malakas na sigaw ko, agad namang binuksan ni manang Rusing ang ilaw sabay halakhak nang malakas, nakahinga ako nang maluwag pero sinungitan ko si manang Rusing.

  Pero kahit na ganiyan si manang Rusing, siya parin ang paborito kong yaya, dahil parang pangalawang nanay ko na din siya, bata palang ako meron na si manang dito sa bahay kaya siya rin nag-aalaga sa 'kin noon pa at hanggang ngayon inaalagaan pa rin niya ako.

  "Nakahanda na ang breakfast mo Jin" sabi ni manang na ikina ngiti at ikinawala ng pagkabusangot ng muka ko dahil alam kong nakahanda na ang paborito kong luto niya.

  Naglakad na ako patungong dining room, 'naaamoy ko na! masarap na naman ang kain ko nito' bulong ko. Kahit na araw-araw na ito lang ang kakainin ko, 'di ako magsasawa, sa subrang sarap ba naman ng luto ni manang.

  Umupo na ako sa dining table at sinimulang kainin ang nakahanda na paborito kong adobong manok na may pineapple. Hininto ko muna ang pagkain at kinuha ko ang cellphone ko mula sa 'king bulsa at binuksan agad ang Facebook messenger.

                                             Group chat

                                       ♧FriendsHub♧

  Zoe: Good morning guys! :

  Jaiden: Good morning people. ;

                                           Good morning din sa inyo.

  Jaiden: Tuloy ba tayo bukas?

  Zoe: Anong ganap?

                                           Hay nako Zoe! Enrollment

                                           na bukas.

  Zoe: Ah! Oo nga pala nakalimutan

  ko, HEHEHE! Sa'n tayo

  magkikita?

  Jaiden: Hmmm.... punta na lang kaya

  kami dyan sa bahay niyo Jin?

  Zoe: Game ako jan! :

                                           Okay cge basta agahan niyo.

  Pinatay ko na ang cellphone ko at ibinaba ko na ito sa table at ipinagpatuloy ang pagkain. Ring......Ring.....Ring, tunog ng cellphone ko kinuha ko ito 'Mommy', sinagot ko ang tawag. "Anak! How are you? Are you eating well there? Inaalagaan kaba ng maayos ng mga maid natin? Binabantayan ka ba nila?" Sunod-sunod na tanong ni mommy sa kabilang linya.

  'Na-miss ko ang boses ni mommy, ilang araw na din nong huli ko siyang nakausap sa telepono'.

  "I'm okay mommy , everything is okay at lagi nga po akong nilulutoan ng paborito kong adobong manok ni manang Rusing, so you have nothing to worry about mommy" masayang sagot ko.

  "kayo kumusta kayo jan mommy? I really miss you mommy kailan kayo babalik dito?" Balik kong tanong kay mommy na may malambing at masayang boses.

  "Ito anak maayos naman, miss na miss ka na rin naming ng daddy mo,sorry my son but  we're not sure yet kung kailan kami makakabalik jan, marami pa kaming inaasikasong negosyo anak, alam mo na" sagot ni mommy na may lungkot sa bawat salita.

  Nasa Toronto,Canada sila mommy at daddy kailangan kasi nilang asikasuhin ang naiwan nilang negosyo doon, kaya't ako lang ang naiiwan dito sa pilipinas. Ako lang ang mag-isang anak kaya ang kasama ko lang dito sa bahay ay ang mga maid at driver namin. Ilang taon na rin akong naiiwan dito sa pinas mag-isa para mag-aral. Ayaw ko din naman na mag-aral ako doon sa Canada kaya nasanay na lang ako at nakasanayan ko na rin na ganito dahil paminsan minsa na lang din sila kung umuwi dito sa pinas.

  Pumasok sa isipan ko na meron pala akong sasabihin kay mommy, na magpapaalam ako na kung pwede ay lumipat ako ng bahay malapit sa papasokan kong university. Nakausap ko na si daddy tungkol dito, pumayag naman na siya. Si daddy mabait siya kung ano ang gusto ko sabihin ko lang sa kaniya ibibigay niya na. At si mommy naman kahit strick siya, maalagain parin yon. Kaya masasabi ko na ang suwerte ko sa parents ko dahil napaparamdam nila sakin na mahal nila ako.

  'Papayag kaya si mommy?' Tanong ko sa sarili. 'Sana pumayag siya' pagpapalakas loob ko sa sarili

  "M-mommy" banggit ko na may paglambing na boses.

  "Hmmmm.... Alam ko na ang boses na 'yan Jin!      I know you, Ano ang sasabihin mo?" Tanong ni mommy na tila alam na niya na meron akong gustong sabihin sa kaniya.

  "Mommy please!... payagan mo na akong mag-boarding house pata malapit lang ako sa papasokan kong university" pagmamakaawa ko kay mommy.

  Malayo kasi ang university mula dito sa bahay, dalawahang sakayan pa papunta roon kung sakaling dito ako titira. Kaya napag-isipan kong mas maganda kung mag-boarding house or apartment na lang ako. At gustong ko na rin kasing maging independent, mag-tu-twenty na ako sa susunod na taon pero ito, parang ten years old parin dahil sa pakiramdan ko bini-baby parin ako, na parang inaalalayan parin ako sa paglakad. Kaya ko naman nang asikasohin ang sarili ko, dito kasi sa bahay kahit wala sila mommy meron parin naman ang mga maid para paglingkoran ako. Gusto ko na rin nang mapag-isa at mapatunayan na kaya ko na.

  "Hindi ba puwede na bumili na lang tayo ng sariling mong kotse, para pang-service mo papuntang school? Para meron paring mag-aasikaso sayo anak" puna ni mommy.

  "Mommy naman eh! Please pumayag kana gusto ko rin na maging independent, yong walang maid, kaya ko naman na ang sarili ko mommy, kaya wala ka nang kailangan pang  ikabahala mommy" tugon ko.

  "Please!...please!...please! mommy, pumayag na si daddy eh sige na mommy pumayag kana rin, promise mas pagbubutihan ko ang pag-aaral ko at hinding hindi ko kayo bibiguin" pagmamakaawa ko.

  "Hmmm....oo na but! as long as you promise to me that you study hard and always be careful okay!" Sagot ni mommy.

  Sa subrang saya ay napa sigaw na lamang ako at tumayo sa pagkakaupo para makatalon sa kinaruruonan sa subrang saya. "Are you sure mommy!?" Tanong ko na may ngiti sa mga labi.

  "Oo na nga! Basta anak ha! May kasundoan tayong magiingat ka sa lilipatan mo, magpapadala na lang ako ng pera para sa mga pangagailangan mo at kung maykailangan kapa sabihin mo lang sakin, okay?" Sagot ni mommy na masaya din.

  "Yes mommy! I will make sure na safe ako sa lilipatan ko and don't worry about me mommy, I love you so much and thank you, muwahh...." magiliw kong sabi kay mommy mula sa kabilang linya at umupo na muli.

  "Sige na anak tatawag na lang ako uli sayo bukas, may gagawin pa ako dito eh" pagpapaalam ni mommy.

  "Sige mommy bye!" Pagpaalan ko din at pinatay na ang tawag.

  Nang maibaba ko na ang cellphone sa table ay agad kong ipinagpatuloy ang pagkain. Habang nginunguya ang pagkain ay iniisip ko kung saan ako makakahanap ng boarding house o apartment na titirahan ko. 'Saka ko na lang  iisipin yon pagkatapos kong makapag-enroll' sabi ko sa sarili.

  Nang matapos akong kumain ay kinuha ko ang platong ginamit ko at binitbit ito patungong dirty kitchen at inilagay ito sa may lababo. At nang makabalik ako sa dining room ay napagpasyahan kong pumunta sa garden pero nang makarating ako sa sala ay nagulat nang- "surprise!" Sigaw ng dalawa kong kaibigan at dahil sa gulat ay napasigaw din ako.

  "HAHAHAH!" Halakhak nilang dalawa na ikina tawa ko na rin.

  "Oh! Bakit kayo nandito? Ang akala ko ba bukas pa kayo pupunta dito?" Tanong ko sa kanila.

  "Eh nakita ko kasi sa facebook page ng university na ngayon pala, ay puwede nang magpa-enroll kaya nag-message ako kay Jaiden na pumunta kami ngayon dito para ngayon na lang tayo pumunta para magpa-enroll at masamahan ka na rin namin sa paghahanap ng boarding house or apartment mo" sagot ni Zoe.

  "Hey! Wala ka bang pa food dyan?" Ngiting sabi ni Jaiden.

  "Pagkain na naman ang nasa utak mo!" Sabi naman ni Zoe.

  "Manang!" Pagtawag ko "pakihandaan naman po sila nang makakainin" utos ko kay manang Rusing nang makalapit siya sa 'kin. Naglakad na siya patungo sa kusina.

  "Hintayin niyo na lang ako magpapalit lang ako" paalam ko sa mga kaibigan ko.

  "Sige" sagot ni Zoe at tumango lamang si Jaiden. Umupo na sila sa sofa at umakyat na rin ako sa aking kwarto para makapagpalit na ng suot.

  Nang pagkatapos kong magpalit ay lumabas na ako sa kwarto at bumaba na rin sa sala, umupo ako sa sofa sa tabi ni Zoe na umiinom ng juice. Kinuha ko ang isang baso ng juice at ininom ito. "Kailan daw ang balik nila tita?" Tanong ni Zoe.

  "Hindi pa nila alam kung kaylan eh!" Sagot ko.

  Ilan pang pag-uusap ang namagitan saming tatlo at ilang saglit lang ay napagpasyahan naming umalis na. "Manang Rusing! Aalis na po kami" pagpapaalam ni Zoe at Jaiden.

  "Jin dito kaba kakain ng dinner?" Tanong ni Manang Rusing sakin.

  "Baka sa labas na po ako kakain manang, baka gabihin na rin po ako sa pag-uwi" sagot ko.