FoxNovel

Let’s Read The Word

Open APP
When I Hear, Your Voice

When I Hear, Your Voice

Author:Vella Marcel

Finished

Billionaire

Introduction
Si Hanah Sanchez ay 21 years old at isang aspiring writer noon pa man, kaya ang kinuha niyang kurso sa kolehiyo ay mass communication at ito naman ay hindi hinadlangan ng kanyang mga magulang kahit pa ang gusto sana nila na kunin nitong kurso ay business management para sa kanilang family business. isang aspiring singer naman si Aedrian Smith, ngunit ipinagsantabi na muna niya ito para sa kanyang trabaho bilang Personal Assistant ng sikat na Artista na si Mark David Cuevas. Sa pagtatagpo ng landas ng tatlo may mabubuong relasyon na magkakaroon ng hangganan at mga lihim na mauungkat sa itinakdang oras. sa pagpasok ni Hanah sa pahina ng istorya, maisusulat kaya ang tadhana na sino man hindi mabasa?. "When I Hear, Your Voice" a novel by: Vella Marcel
SHOW ALL▼
Chapter

  Part 1

  SI Hanah Sanchez ay 21 years old at isang aspiring writer noon pa man, kaya ang kinuha niyang kurso sa kolehiyo ay mass communication at ito naman ay hindi hinadlangan ng kanyang mga magulang kahit pa ang gusto sana nila na kunin nitong kurso ay business management para sa kanilang family business.

  Pero naniniwala si hanah na kapag gusto mo ang isang bagay walang makakapigil sayo. Positibo ang pananaw niya sa buhay at isa sa inspirasyon niya kung bakit niya gustong maging writer ay walang iba kundi si Mark David Cuevas, ang pinakasikat na actor ngayon sa Pilipinas at kahit noon pa man na nagsisimula pa lamang ito ay talagang hinahangaan na niya ito.

  Kung ilalarawan mo nga si hanah masasabi mo na talagang die-hard-fan ito ng sikat na actor, mapa-album launching, concert or tv shows, ginagawa niya ang lahat para lang makarating at makita ito, pero palaging hanggang tanaw nalang ang kanyang nagagawa hindi siya makalapit dito dahil marami ring katulad niya ang nagpapaunahan na makalapit sa aktor, hindi kaya ng katawan niya ang makipagsabayan sa dami ng babae na gustong-gusto maka-una sa Mark niya.

  Pero hindi naging hadlang ito, Nang ma-schedule na ang susunod na concert ng actor. Inihanda ni hanah ang kanyang katawan para sa gyera, nag-enroll ito sa isang gym fitness center, na malapit sa kanilang bahay. Halos araw-araw pagkagaling nito sa eskwelahan, magwowork-out na kaagad siya. Naging motibasyon niya ang actor para pagbutihan ang sarili, at para sa kanyang very supportive parents, ayos lang ito basta't nakikita naman nilang ikinabubuti ito ng kanilang unica hija.

  Sumapit ang araw na 'yon at sa kauna-unahang pagkakataon hindi nabaliwala ang halos dalawang buwan niyang pagpapalakas ng katawan, hawak-hawak niya ang isang liham ng paghanga at ini-abot niya ito kay Mark. Ou, nakalapit siya dito at alam niyang nakuha ito ni Mark, ang lalaking pinapantasya niya.

  Ibang kilig ang naramdaman ni hanah ng araw na 'yon, nag-uumapaw ang saya sa kanyang puso, kung kaya't kahit pa gustuhin niyang makatulog ay hindi niya magawa. Namumula ang kanyang pisngi sa kilig at abot tenga na ang ngiti nito, na pilit niyang tinatakluban ng hawak niyang kumot.

  Maging ang buong kwarto niya hindi maitatangging taga-hanga na rin ng aktor, ang pader puro larawan ni mark may edited pictures pa na magkatabi sila nito at maging ang mga unan niya ay customize pa at nakaimprenta dito ang gwapong mukha ng binata.

  Kahit saan mo ituon ang iyong paningin sa loob ng kwarto ni hanah may bakas ito ng paghanga sa nag-iisang, Mark David Cuevas ng buhay niya.

  Minsan nahuli ito ng kanyang ina na hinahalikan ang unan niya na may nakaimprentang mukha ng aktor, halos mapahiya ito sa kanyang ina at madali nyang itinatago ang unan sa kanyang likuran.

  "Ah ma, ano pong kailangan niyo?" pagkukunwaring tanong nito sa ina. Kunwari ay wala siyang ginagawa, mabilis niyang iniba ang emosyon ng mukha pero namumula naman ang kanyang pisngi sa hiya.

  "Hay nako! Ganyan na yata talaga ang kabataan ngayon." maikling sagot ng kanyang ina.

  "Oh siya, bumaba kana at handa na ang Almusal." utos ng kanyang ina.

  Halos nabunutan ng tinik sa lalamunan si hanah ng makita niyang paalis na ang ina.

  Hay, ikaw kasi masyado mong binihag ang puso ko!. Bulong nito sa kanyang sarili sabay turo sa larawan ng kanyang idolo, animo'y kaharap ito at nakatingin sa kanya. Maya-maya pa inayos na nito ang kanyang kama at aamba ng bumaba, muli niyang tinignan ang kanyang idolo bago ito lumapsa ng pintuan at bumulong sa kanyang sarili, mamaya ulit. Sabay takbo nito na akala mo naman ay lumilipad sa hangin.

  "Nababaliw na yata ang anak ko." Sabi ng ina ni hanah habang inilalapag ang isang mangkok ng chicken soup sa lamesa.

  Nang marinig ito ni hanah, halos mapaso ang nguso ito sa hiya, isusubo pa naman sana niya ang sabaw na niluto ng kanyang ina.

  "Nay, naman." Sagot nito na may bakas ng pagkainis at hiya sa harap ng kanyang mga magulang.

  "Nako nahiya ka pa, para naman hindi pa namin alam." Mahinang sagot ng kanyang ama, sabay subo ng soup na ginawa ng asawa.

  Napalunok nalang si hanah sa kanyang mga narinig. Wala na siyang magagawa kundi tanggapin nalang ang mga sinabi ng kanyang mga magulang.

  kahit pa nahihiya ito, humarap ito sa magulang, ngumiti at sumigaw ito, "I Love you more, mama and papa."

  Isang matamis na halik at mainit na yakap ang iginanti ni hanah sa kanila.

  kahit pa gustong-gusto niya si Mark, hindi niya parin syempre kayang ipagpalit ang kanyang mga magulang. Mahal na mahal niya ang mga ito, tapos ang usapan.