FoxNovel

Let’s Read The Word

Open APP
Destiny Rose Part 2 (Infinite Love)

Destiny Rose Part 2 (Infinite Love)

Author:Avou Grey

Finished

Billionaire

Introduction
"Ang pag ibig ay di mababase sa kulay.edad,at kasarian.." Ang kwentong ito ay hango sa istorya ng isang transwoman na si Destiny Rose na umibig sa isang lalaking nagngangalang Gabriel.. Ang kwento pong ito ay kathhang isip lamang..
SHOW ALL▼
Chapter

  Nakalutang ang isipan ni Destiny Rose dahil sa apaw apaw na kaligayahang nadarama,habang titig na titig sa singsing na bigay sa kanya ni Gabriel bilang "engagement ring".Nakangiti habang pinagmamasdan ito na nakasuot sa kanyang daliri.Di nya lubos maisip na sa kabila ng mga masasakit at hirap na kanyang pinagdaanan ay labis labis na kaligayahan ang kanyang tinatamasa ngayun,Lubos amg pasasalamat nya sa Poong Maykapal dahil dininig ng kanyang panalangin na sana ay matanggap sya ng lubusan ng dalawang lalaking pinakamamahal nya sa buhay.Una ay ang pagkaayos at pagkaroon ng mabuting relasyon nya sa kanyang ama,at ang huli ay ang lubusan syang mahalin ni Gabriel sa kabila ng pagiging ganap na "transwoman"at lahat ng iyon ay ipinasasalamat nya sa Panginoon at kay Sir Armani Vetto na walang sawang sumuporta sa kanya at tumayong ama amahan na tulad nya ay nabibilang din sa "Pink Society".

  Naabutan siya ng kanyang Ate April sa ganung eksena kaya't di nya namalayan ang paglapit neto sa kanya.

  "Hoy Destiny!ang ganda ng ngiti mo dyan ah"nakangiti ito sa kapatid.

  Medyo nabigla man si Destiny sa biglang pagsulpot ng kanyang Ate April ay mababakas parin sa mukha ng babae ang labis na kasiyahan.

  "Kasi naman Ate April,parang di parin nagsisink-in sa utak ko ang mga nangyari,ang akala ko kasi na imposibleng tanggapin ako ng dalawang lalaki na labis kung minahal,si Papa at si Gabriel,kaya abot abot ang pasasalamat ko kay Lord at kay Tito Armani na walang sawang tumulong at suportaham ako sa bawat laban ko sa buhay,"nakangiting naluluha si Destiny.

  "Anu kaba Destiny,diba nga sabi mo sa isang libro mo na.."sa kabila ng unos ay darating din ang pagsikat ng araw at sa dulo neto ay masisilayan naten ang isang magandang bahaghari"at isa ka sa magandang bahaghari na lumabas Destiny,"at niyakap neto amg kapatid.

  "Salamat din sa inyo ni mama ate April,naging inspirasyon at lakas ko kayo para lumaban sa mga naging hamon ko sa buhay,at sana nga wala nang maging balakid samen ni Gabriel"at biglang dumapo sa isipan ni Destiny ang pinsang si Jhasmine.

  "Si Jhasmine kaya?anu na nangyare sa kanya?"

  "Naku Destiny!wag mo ng alalahanin yung demonyetang yun!buti nga sa kanya ang nangyare,mabulok sa kulungan at kung tutuusin ay kulang pa yun sa lahat ng ginawa nyang kademonyuhan sayo!"naiinis na tugon ni April

  "Ate April kahit ganun pa man,kadugo rin naten sila ni Tyang Dhalia,di ko rin sya masisisi kung baket sila nagkaganun,marahil ninais lang nilang makaahon sa buhay ngunit napamahal kay Jhasmine si Gabriel..kaya naging sakim at makasarili sya"

  "Basta ako Destiny ayaw ko na silang intindihin,kumukulo dugo ko pagnaalala ko sila,total naman nakakulong sa si Jhasmine ay nasisiguro ko na wala nang manggugulo sa inyo ni Gabriel,kaya ang isipin mo ngayun ay ang kasal nyo ni Gabriel"may halong kilig ang tono ni April

  "Well,nabanggit nya saken na sa Italy kame magpapakasal,isang simple garden wedding at masasaksihan ng malalapit na kaibigan , kaanak at pamilya namen,at yun din naman talaga ang gusto ko Ate"nagniningning at punong puno ng excitement amgga mata ni Destiny habang inilalarawan nya ang nais neto para sa kasal nila ni Gabriel.

  "Nakakatuwa naman kayo ni Gabriel,at masayang masaya at para sa inyo Destiny"

  "Salamat Ate,at ikaw ang magiging bride's maid ko kasi ikaw ang the best Ate para saken"at mahigpit ang yakap neto sa kapatid.

  "kaylan nyo balak magpakasal?"bahagyang kumawala si April sa pagkayakap sa kapatid.

  "Ang gusto ni Gabriel next month na,pero sabi ko next year na lang,gusto ko din kasi syang tulungan sa mga expenses,although alam ko naman na kayang kaya nan ni Gabriel ang gastos pero gusto ko parin syang tulungan,at isa pa di naman ako nagmamadali eh,sa ngayun enjoy muna namen ang pagiging magfiancee"

  "Oo nga,halatang halata na enjoy na enjoy ka,blooming na blooming ka,sana all"

  "Naku Ate maganda ka din,manang mana tayo kay mama,syanga pala kamusta ma kayo ni Aries?"

  Bago pa man sagutin ni April ang tanung sa kanya ni Destiny ay narinig ng magkapatid ang isang tikhim ng isang lalaki mula sa kanilang likuran mula sa bukas na pintuan ng opisina ni Destiny,

  "Gabriel"masayang bati ni Destiny

  "Actually i just drop by to greet my fiancee a lovely morning"sabay abot ng isang tangkay na rosas na mula sa likuran ng binata.

  "Ehem..excuse me lang po sir Gabriel,ipagtitimpla ko lang ng kape si Miss Destiny at sisiguraduhin ko na walang asukal baka magkadiabetes pa ang boss ko,masobrahan sa sweet"panunukso ni April sa kapatid.

  Natatawa na lang si Destiny habang sinusundan ng tingin ang nakakatandang kapatid na pasimpleng nanunukso parin ang tingin neto at tuluyan nang isinara ang pinto.

  Nang masiguro ni Gabriel na nakalabas na si April at humakbang itong papalapit kay Destiny.

  "Good morning my love"

  "Good morning Gabriel,salamat nga pala sa rosas,"tumayo si Destiny mula sa pagkakaupo sa ahivel chair upang yumakap at humalik sa fiancee at gumanti din ng yakap at halik ang binata.

  "One day di na dito sa office mo kita babatiin sa umaga,it will be definitely in our bed and i can't hardly wait that day happened"bulong neto kay Destiny

  May hatid na kung anung kuryente sa sistema ni Destiny ang mainit na paghinga ni Gabriel sa kanyang punong tenga.Bahagyang kumalas si Gabriel sa pagkayakap at dumako ang tingin ng binata sa mapupulang labi ng babae,Maingat na inangat ni Gabriel ang baba ni Destiny upang kintalan ng halik ang labi neto but the simple kiss went to deep and passionately,at di na namalayan ni Destiny na tumutugon na pala sya sa maiinit na halik ng fiancee,

  Gabriel grab Destiny's nape so he could pushes his lips hard against the soft and sweet lips of his fiancee and Destiny cant resist but drown from the hot and burning kiss from her fiancee when suddenly...

  "Ay susmaryosep!sorry!sorry!akala ko kasi nakaalis..."

  Si April na nabigla sa eksenang kanyang nadatnan kung kaya di nya malaman kung lalabas ba o papasok habang hawak hawak ang isang tasang kape na halos magkanda tapon tapon ang laman.

  Biglang bumitiw si Destiny sa pagkapit nya sa batok ng kanyang fiancee ngunit si Gabriel ay nanatiling nakakapit sa batok ni Destiny.

  Ramdam ni Destiny ang dismaya at kunting irita dahil naudlot ang kanilang mainit na paghahalikan,kaya naaliw sya sa reaksyon ng binata.

  Kinintalan na lang ng halik sa labi ni Gabriel ang fiancee at dismayadong binitawan ang batok ng babae.Inayos ang neck tie at ang nagusot na tuxedo

  "See u later my love"pilyong ngiti nito kay Destiny

  "See you later Gabriel"ningning na tugon ni Destiny

  Tumango na lang si April kay Gabriel nang tumigin ito sa kanya at ngumiti naman ang binata at pinukol nya ng mapanuksong tingin sa kapatid.at nang marinig ni April na naisara na ni Gabriel ang pinto ay pigil na tumili ito sa kapatid.

  "DESTINY ROSE"

  "sorry ate,cant resist hir charm"

  At sabay silang pigil na naghahalakhakan.

  

Page 1