A/N: First of all maraming salamat sa dalawa kong kaibigan na pinayagan na gamitin ko ang pangalan nila sa kwenton na ito. Again, thank you so much...
This is a work of fiction. Names, business, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Do not copy, reproduce, distribute, publish, modify, create derivative works, transmit, or in any way exploit any part of this story. AGAIN, THIS IS WORK OF FICTION.
Plagirism is crime punishable by Law.
Sorry in advance for the grammatically error and typographical error.
© All Rights Reserved 2021
ENJOY READING!!!
-------
Prologue:
Halos lahat ng tao ay gusto matapos kung ano man ang kanilang suliranin. Halos lahat gusto matapos ang nararamdamang kalungkutan.
Parang ako, gusto ko na matapos ang lahat na nararamdaman ko. Gusto ko ulit maramdamang maging masaya; maging malaya sa lahat.
"Iiwan nakita." Napatingin ako sa aking kaibigan na katabi ko lang.
"So what?" Nakatatawang kong ani sa kaniya.
Tila bigla nainis ito sa sagot ko. "Hindi ka ba nalulungkot dahil iiwan na kita, Chubs?" Naiinis na tanong nito.
Tumingin ako sa kaniya na may ngiti sa aking labi. "Hindi. Dahil alam ko na babalik at babalikan mo ako dito. Na sa saiyo na iyon kung hindi mo na ako babalikan, Chubs." Napatitig ito sa akin.
Ibinaliwala ko ang pagtitig niya sa akin at muli ko ibinalik ang aking mga mata sa mga kumikislap na mga bituin. Ramdam ko pa rin na hanggang ngayon ay natingin pa rin ito sa akin.
Hindi rin naman nagtagal ay tumayo ang aking kaibigan. "Okay." Ipinagpag nito ang kaniyang suot na hospital gown. "Mauuna na ako saiyo at ako'y iinom pa ng gamot. Ikaw ba?"
Umiling ako. "Mamaya-maya pa ako baba."
"Hindi ka naman tatakas diba?" Paniniguradong tanong nito.
Natawa naman ako sa kaniyang tanong. "Hindi. Dito lang ako."
"Okay." Sagot nito bago tumalikod sa akin at naglakad na papunta sa bakal na pintuan ng rooftop.
Pinagmamasdan ko ito palayong papalakad sa akin. Hindi ko makakaya kapag umalis ka sa tabi ko, Chubs. Isa kang dahilan kung bakit nananatili pa rin ako malakas. Hindi ko makakaya mawala ka rin.
Ipinikit ko ang akig mata at muli ko ibinaling ang paningin ko sa mga kumikinang na bituin.
"Kailan kaya ako makakalabas ulit dito?" Tanong ko sa sarili.
Malungkot akong yumuko at tahimik na umiiyak.
Ilang minuto lang ay inanggat ko muli ang aking ulo, muli ko itiningala ang aking ulo at pinagmamasdan ang mga bituin na may luha sa aking mga mata.
"Kailan ulit kaya ako magiging masaya? Kailan ko kaya ulit mararanasan ang maging malaya?"
Simple lamang ang hiling ko. Pero bakit tila pinagkakaitan ako ng tadhana. Ang maging masaya at malaya lamang ang tangi kong hinihiling, pero bakit pinahihirapan ako nito?
Ipinahid ko ang luha sa aking pisngi nang marinig ko ang pagbukas ng bakal na pintuan ng rooftop.
"Nandito ka lang pala. Akala ko na naman tumakas ka ulit." Ani ng babaeng nurse sa akin.
Muli kong itingala ang aking ulo a pinagmamasdan ulit ang mga bituin na may ngiti sa aking labi. "Sa susunod na po ako tatakas, Ate Nicole, medyo nanghihina po kasi ako."
Naramdaman kong tumabi sa akin si Ate Nicole. "Ganoon ba?" Tumango ako bilang sagot.
Simula nanatili ako sa loob ng hospital, ay si Ate Nicole na ang nag-alaga sa akin. Kahit na makulit at pasaway ako, hindi pa rin ako binibitawan ni Ate Nicole.
Ilang beses ko ito tinanong kung bakit pa rin siya nananatili sa tabi ko, ang lagi niha naman sagot ay napamahal raw siya sa akin. At alam ko sa sarili ko hindi lang dahil iyon ang dahilan niya bakit siya nananatili sa piling ko. Nararamdaman ko na naaawa lang siya sa akin dahil wala na ako pamilyang uuwian. Wala nang pamilyang dumadalaw sa akin, dahil lahat sila iniwan na ako.
Hindi ko na nakilala ang aking ama simula nang ipinanganak ako. Samantala, ang aking ina naman ay may sarili nang pamilya, kinalimutan na ako. Ang mga bayarin ko naman dito sa hospital ay sagot ng tita at tito na may ari nito. Kaya kahit anong oras o panahon man ako mananatili rito ay ayos lang sa kanila.
"Ate Nicole." Tawag ko sa kay Ate Nicole, habang nakatingin pa rin sa mga makikinang na bituin.
Naramdaman kong tumingin ito sa gawi ko. "Ummmmm?" Tanong nito.
"I don't wanna be here anymore. I want to run away." Malungkot na ani ko.
-------
Thank You!!! Don't forget to vote and comment.
●´з'
♡