FoxNovel

Let’s Read The Word

Open APP
This is not a love story, or is it?

This is not a love story, or is it?

Author:LesZure

Finished

Billionaire

Introduction
Being forced to go to a deserted island because of a loss bet. Trevor wanders in an island where his bestfriend also rival Anthos bought for fun. The bet is when the other person losses in a basketball match gets to grant the oder of the winner.
SHOW ALL▼
Chapter

  Limang segundo nalang ang natitira sa basketball match ng mag magkaribal na si Trevor at Anthos.

  Lamang si Trevor ng isang puntos, ang scores ay 31-30.

  "Pare, ano ba'ng magandang deal kapag natalo ka dito? baka nakakalimutan mo na pustahan ang larong ito" anya ni Trevor

  Pumito na ang referee, na ibig sabihin ay ipagpapatuloy na ang laro. Si Anthos ang may hawak ng bola, nasa kabilang side ng court ang ring na para rito.

  "Ano ba ang hihingiin ko sa'yo pre? Bago mong limited edition na kotse? or eto nalang kayang stadium na kakapagawa mo lang?" pagyayabang ulit ni Trevor

  Nagsimula na mag dribble si Anthos, nagsimula na rin mabawasan ang oras na nalalabi.

  Naging kalmado si Trevor sa pag aakalang mananalo na ito. Sino nga naman ba ang magiging kampante? Nasa kabilang side ng court ang ring ng kalaban mo at limang segundo nalang ang natitira at lamang kapa.

  5

  .

  .

  .

  .

  4

  .

  .

  .

  .

  3

  .

  .

  .

  .

  "Masyado kang maingay Trevor" sabi nito, sabay tira ng bola sa kabilang side ng court.

  1

  .

  .

  .

  .

  Nanlaki ang mga mata ni Trevor habang sinusundan nito ng tingin ang bola.

  *EEEEEEEEEENG*

  "Match Finished!" sigaw ng referee.

  Napangisi nalamang si Trevor at sabay sumigaw ng

  "PUTANGINA?!"

  Laking gulat ng dalawa nang pumasok ang buzzer beater na tira ni Anthos.

  Ang score ay nagtapos sa 31-33 pabor kay Anthos.

  "HAHAHAHAHA" malakas na halakhak ni Anthos. Nginitian niya si Trevor at sabing "Ready kana ba sa ihihiling ko?"

  Pang ilang beses na nila itong pustahan, masasabi naman natin na walang lugi sa dalawa. Isa lang ang rules nila, kung sino ang manalo dapat ay pagbigyan ng natalo kahit ano pa man iyan.

  Merong isang beses na kakabili palang ni Trevor ang isang limited edition na kotse at bigla itong hinamon ni Anthos ng darts. Natalo si Trevor kaya wala itong magawa kung hindi ibigay ang kotse nito kay Anthos.

  Si Anthos naman yan may isang girlfriend na isang Model, nang makita ito ni Trevor ay napailing ito sa ganda kaya dali dali niyang hinamon sa billiards si Anthos at nanalo ito. Kapalit ng panalo ay hihiwalayan niya ang super model niyang girlfriend at ipapaubaya ito kay Trevor.

  Parehas gwapo at mayaman ang dalawa, nagtapos rin parehas sa presteryosong mga paaralan.

  Kahit na busy sila sa mga kumpanya na hina-handle nila, nabibigyan parin nila ng time itong pustahan nila, hobby narin itong maituturing.

  "Kakabili kolang ng isang private island, gusto ko tumira ka doon ng 2 weeks. Sagot kona food and supplies, basta no cellphone and television allowed." sabi ni Anthos

  "Pre seryoso ka riyan?" gulat na tanong ni Trevor

  "Oo, you know the rules right?" anya ni Anthos at sabay ngisi kay Trevor

  "You are such a do*che" natawa nalamang si Trevor sa hiling na naisip ni Anthos.

  "Okay, I'll be right back wait for me. I'll just pack my things" anya ni Trevor

  "Uh nah ako na bahala sa'yo" pangiting sabi nito.

  Kinuha ni Anthos ang kanyang cellphone at tila ba may tinawagan ito.

  Ilang segundo lamang ay may dumating na chopper.

  Hindi na bago ang mga ganitong bagay sa dalawa. Alam na rin ni Trevor na ito ang sasakyan niya papunta sa islang sinasabi ni Anthos.

  "Here's a chopper, ipapahatid na kita do'n sa island, have fun dude!"

  Sumakay na si Trevor sa chopper, nang makapasok na ito sa loob ng chopper. Sumilip ito sa bintana para i bad finger lamang si Anthos.

  Nang tuluyang makalayo na ang chopper na sinasakyan ni Trevor, napag desisyunan na ring magpahinga ni Anthos. Habang nakahiga ito sa isa sa mga kwarto ng kanyang private stadium, napa hinga ito ng malalim at sabay sabing

  "Muntik na ako dun ah"