FoxNovel

Let’s Read The Word

Open APP
STEPBROTHER TOO

STEPBROTHER TOO

Author:IaxceI

Finished

Billionaire

Introduction
Hyujin Lee and Seira Vargas are secretly in a relationship. They have a big gap when it comes to their family wealth. That's why they are afraid to make their relationship public. But suddenly, Hyujin's Dad wants him to marry Faye Alonzo. Their biggest competitor in business. A love that last for a long time is about to end. Will they fight for their love or they will just give up for the sake of their own family?
SHOW ALL▼
Chapter

  Forgetting my morning routine is the last thing I wanted to forget. Dahil siguradong magwawala ang girlfriend ko.

  ~Boss is calling~

  Speaking of the boss. Siguradong magwawala na naman siya. "Good morning, Boss." Malambing kong sagot.

  "Tigil-tigilan mo ako, Hyujin! Hindi mo ako madadaan sa malambing mong boses! Anong oras na?!" Litanya ni Seira, ang nag-iisang boss ng buhay ko.

  Nilingon ko ang orasan sa tabi ng kama ko, muntik na akong mapamura nang makita ko ang oras. "Eight forty-five," sagot ko at tsaka ako nag-umpisang bumangon.

  Tinignan ko muna ang sarili ko sa human size mirror sa harap ng kama ko. Para akong ni-rape ng sampung kabayo sa itsura ko ngayon. Lagot talaga sa akin ang mga gunggong na 'yun. Ang sabi nila pangpatulog lang ang iinumin, mukhang naka-dalawang kahon yata kami kagabi kakapilit nilang h'wag munang umuwi.

  "Eight forty-five? Naririnig mo ba ang sarili mo, Hyujin?! Six AM ang usapan natin, lalake ka! Balak mo pa atang paputiin ang buhok ko kakahintay dito!" Napangiwi ako dahil sa pagsigaw ni Seira nilayo ko ng konti ang cellphone dahil feeling ko nakalunok ng mega phone ang kausap ko ngayon.

  "Balak? Anong ba--i-yah!" Napapikit na lang ako dahil sa katangahan ko. Ilang malutong na mura na rin ang lumabas sa bibig ko dahil sa pagkalimot sa balak namin ni Seira ngayong araw. "Sorry, sorry. May ginawa pa kasi kami kagabi kaya late na akong nagising. Promise, papunta na ako. Sorry talaga."

  Narinig ko ang malalim niyang paghinga kaya agad akong kinabahan. "Patay." Nabulalas ko na lang bigla.

  "Okay babe, I'll wait for you here." Malambing ang boses niya pero hindi magandang senyales 'yan. Lagot talaga sa akin ang mga gunggong na 'yun pag nakita ko sila.

  Ibinaba niya na ang tawag pero paulit-ulit ko pa ring naririnig ang sinabi niya at kung anong kilabot ang naramdaman ko.

  "Okay babe, I'll wait for you here."

  "Okay babe, I'll wait for you here."

  "Okay babe, I'll wait for you here."

  "Okay babe, I'll wait for you here."

  "Okay babe, I'll wait for you here."

  Parang sirang plaka na paulit-ulit. Nang mahimasmasan ay agad na akong kumilos. Baka makakita na ako ng anghel na may dalang machine gun pag pinaghintay ko pa ng matagal si Seira.

  Mabilis lang akong naligo, nag-toothbrush at nagbihis. Hindi na ako nag-abala pang kumain kahit nagugutom na ako. May hangover pa ako kung tutuusin pero mas malakas ang tama ng girlfriend ko ngayon kaya dapat magpakatatag ako. Oh Lord, please calm her down.

  "Oh, Hijo. May lakad ka? Kumain ka muna." Salubong sa akin ni manang pagkababa ko ng hagdan.

  "Yes po. Hindi na po, manang. Nagmamadali kasi ako eh." Sagot ko saka ko kinuha ang susi ng sasakyan ko sa tabi ng vase sa mesa.

  "Dapat sinabihan mo ako nang nagising kita hindi yung aligaga ka. Hindi ka tuloy makakakain." Malungkot na tugon ni manang.

  "Babawi na lang po ako mamayang hapunan. Bye na po!" Niyakap ko muna si manang bago ako umalis.

  Para ko na ring nanay si Manang. Simula n'ong mamatay si Mommy ay siya na ang itinuring kong ina. Namimiss ko lang magkaroon ng nanay kaya siguro sobrang lapit ko na ngayon kay Manang. Noong buhay pa si Mommy ay hindi ako malapit kay Manang, lagi pa kaming nag-aaway niyan noon dahil si Mommy ang gusto kong mag-alaga sa akin. Pero ngayon daig pa namin ang magkadugo.

  "Bumalik ka bago mag-ala singko ng hapon! Gusto ka raw makausap ng ama mo!" Pahabol na sigaw ni Manang. Medyo napahinto pa ako dahil sa narinig ko.

  Ano naman ang pag-uusapan namin ni Daddy? Wala pa naman akong ginagawang katarantaduhan ngayong linggo ah. Ang advance niya naman masyado mag-isip. Hays, bahala na nga.

  Pinaandar ko na ang engine ng sasakyan ko saka ako nag drive palabas ng village. Plano naming mamili ng mga putahe ngayong araw dahil bukas ang death anniversary ng papa ni Seira. Balak niya rin daw bumili ng mga decoration para sa museleyo ng papa niya. Last week pa namin pinagplanuhan ito kaya rin siguro nakalimutan ko na. Lalo pa't naging busy kami nitong mga nakaraang araw dahil patapos na ang semester.

  Malapit lang ang village nila Seira sa amin. Pero susunduin ko siya sa labas lang ng village nila. Hindi legal ang relasyon namin dahil sa mga katayuan namin sa buhay. Mga tagapagmana kami at ang kumpanya ng mga pamilya namin ay magkaiba.

  Sa loob ng sampung minuto ay narating ko ang tagpuan namin ni Seira. Lukot na naman ang mukha niya habang sexy na nakaupo sa waiting shed. May mga lalake na tumitingin sa kanya pero nag-aalangan lumapit kapag nakita ng nakasimangot siya at mukhang papatay. Pero kahit ganon ay naiinis pa rin ako dahil wala silang karapatan na titigan ang pag-aari ko. What's mine is mine alone.

  Nang makita niya ang sasakyan ko na parating ay nawala ang nakasimangot nitong mukha at napalitan ng pilit na ngiti na tila ba excited sa pagdating ko. Napadasal na lang ako bigla ng Holy Father in heaven dahil sa kaba.

  Pinatay ko muna ang engine ng sasakyan ko tsaka ko muling tinitigan ang girlfriend ko. Walang pinagbago ang mukha. Mukha pa ring kakatay ng tao. Huminga muna ako ng malalim at napalunok sa kaba bago ko buksan ang sasakyan at bumaba dito.

  "W-What a beautiful day we have here but you're the most beautiful at all. Hehehe." Bati ko kahit malayo pa lang pero mukhang walang epekto ang pambobola ko dahil ngiting pilit pa rin ang Reyna. Naglakad pa ako ng dahan-dahan palapit kay Seira. "Boss, we can talk about thi--aw! Aw! Boss!" Napangiwi na ako sa sakit nang hilahin niya ang tenga ko at pingutin ito.

  "H'wag mo akong daanin sa beautiful-beautiful mo! And we CAN'T talk about this! Dahil nangyari na at tapos na! Letse kang lalake ka! Balak mo pa yatang paputiin ang mga buhok sa buong katawan ko! Nanggigigil ako sayo, HYUGINNNN!" Galit na sigaw ni Seira habang pinipingot ako sa tenga at sinasabunutan ang buhok ko.

  Mukhang kailangan ko ipatahi mamaya ang tenga ko dahil feeling ko natanggal ito sa pagkakakabit. Yung buhok sa ulo ko parang iilan na lang dahil sa kakahatak ni Seira.