FoxNovel

Let’s Read The Word

Open APP
Destined In Each Other

Destined In Each Other

Author:Chandrios

Finished

LGBT+

Introduction
Lahat ng movie ay may ending kahit ano pang storya ganon di ang pag mamahal ko sa kaniya. Feeling ni Marcus Aiden ay kailangan na niyang tuldukan ang pag mamahal niya sa kaibigan niya. Mahal niya ang kaibigan niya pero wala namang kwenta sa kaibigan niya ang pag-mamahal ni Aiden. Gusto ni Aiden na mag move on dahil isa lang daw itong malas na pag-ibig na inabot daw ng 2 na taon. Mag momove on kaya si Aiden o baka naman hindi, dahil sayang ang 2 na taong pinag samahan nilang dalawa.
SHOW ALL▼
Chapter

Mabagal ang takbo ng aking nasakyang ngayon. Iniiwasan ang mga lubak na daan. Ang pang umagang ihip ng hangin ay bahagyang dumantay saaking balat hindi ko mapigilan ipikit ang aking mga mata dahil sa lungkot na aking nadarama sapagkat iba na ang aking papasokan na eskuelahan nasanay akong nag-lalakad pa tungo sa aking papasokan ngayon ay hindi ko na ulit magagawa iyon dahil narito na kami sa syudad. Dumungaw ako sa nakabukas na bintana ng van na aking sinasakyan ko ngayon. Tinatahak nito ang mahabang kalsada patungong eskwelahan ko.

Sinilip ko ang driver gamit ang rearview mirror. Napansin kong seryoso siya sa pagmamaneho habang nakatingin sa kalsada na aming tinatahak. Ibinalik ko ang aking mata sa labas at ipinagpatuloy ang panonood sa mga gusaling aking nakikita.

Para akong ibinalik sa mga ala alang hindi ko namararanasan ngayon. Tila naging sariwa ulit saakin ang lahat noong namamalagi pa ako sa aming probinsya.

"Hijo, narito na tayo." Sabi ng matandang nag mamaneho ng van na sinasakyan ko.

Binuksan ko ang pintuan ng van at lumabas. Nag abot mona ako ng aking bayad bago tuluyang umalis

"Mag ingat ka hijo." Ngumiti ang matanda dahilan kung bakit ako mas ginanahan. "Sige na hijo mauna na ako."

Pinaandar na nito ang kaniyang van at at pinanood ko ang paunti unti nitong paglaho.

Maswerte ako at nakilala ko ang isang katulad niya

na ubod ng bait. Mag isa lang akong pumunta rito saaking papasukan dahil hindi naman na ako bata para ihatid ng mga magulang ko.

Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga dahil kaharap ko na ang isang malaking gate na kulay asul.

Nakayuko akong tinahak papasok dahil nahihiya pa ako sapagkat hindi ako sanay sa pang mayaman na eskwelahan.

Inangat ko ang aking ulo at laking nga-nga ko sa nakita ko. Ang ganda pala rito sa loob maraming matatayog na gusali at maraming estudyante ang nag kalat sa mga bench yung ibang estudyante nag lalaro ng football at basketball.

Inikot ko pa ang mata ko para tignan ang mga magagandang gusali pero sa pag iikot ng aking mata may nahagip akong pinagtitinginan ako at pinag bubulongan.

Bigla akong nahiya napayuko ako at naglakad ng hindi ko alam ang patutunguhan ko. Siguro sinasabi nilang mukha akong tanga dahil nakanganga pa akong tumitingin sa gusali pero anong pake alam nila malay kobang magagandahan ako sa mga gusali.

Napatigil ako sa pag lalakad ng biglang may bumonngo saakin. Napatingin ako sa harapan ko at bumungad saakin ang napaka among mukha ng lalaki

na nakataas ang kilay. Nakasuot siya ng uniform ng school na papasokan ko ngayon at may necklace sa leeg at black pants at black shoes.

"Bro! tumingin kadin minsan sa daraanan mo hindi yung nakayuko ka na nag lalakad." Mahinahon niyang sabi saakin.

"S-sorry ho." Nauutal kung sagot. "Hindi ko sinasadya." Natataranta kong sagot sakaniya.

"Sorry?" Balik ko ulit na sagot sakaniya. "Sh*t. Anong magagawa ng sorry mo? sa susunod kasi tumingin ka sa dinaraanan mo litse tabi sabay tulak saakin.

Sa sobrang lakas ng tulak niya saakin bigla akong napaupo sa sahig. Napatigil ang mga tao sa pag lalakad at napatingin saakin. Ramdam ko ang awa sa mga mata nila.

Tumayo na ako at nag pag-pag ng pants ko. Napaka malas naman nitong araw nato hindi ko naman sinasadya yung nangyari. Akala ko panaman din ang bait niya youn pala ang panget kamukha niya buset. Akala mo naman kung sinong siga dito.

Ang gwapo niya sana kaso arghh never mind.

The f*ck napogian pa ako sa lalaking yon yuck..

Bakit? parang iba ang itsura ng mga taga Maynila kaysa sa probinsya pero ewan ko ba at parang iba ang epekto kapag narito ako sa Maynila.

Am i attraced of him?

The f*ck!!

Muli akong nag lakad nang hindi alam ang patutunguhan. Nakakabuset itong unang araw ko rito sa papasukan ko dahil lang iyon sa lalaking iyon na feeling siga dito na hindi ko mawari.

Luminga linga ako dahil hindi ko alam kung saan ako patutungo dahil hindi ko naman alam ang pasikot sikot rito hindi naman ako kasama nong nag paenrol ako sa eskwelahan na ito si mama lang ang pumunta.

Hindi ko talaga maiwasang humanga sa ganda at laki ng eskwelahan na ito, hindi ko iyon inaasahan. Mula sa labas hanggang makapasok ako sa loob ay hindi ko matigilan tignan ang mga bawat parte ng eskwelahan na aking nakikita. Talagang magara ang eskwelahan na ito, hindi ko iyon itatangi.

Gusto kong libutin ang kabuuan nitong eskwelahan kaso baka maaubusan na ako ng oras pero ayos lang naman dahil unang araw palang naman ito.

Inuna kung puntahan ang gym na nasa gitna ng mga building malaki naman siya at merong dalawang computer room ata ito sa kaliwa't kanan ng gym. At katabi nito ang library at katabi naman ng library ang cafeteria malaki din siya at dipa siya bukas, malaki ang library nila pero mas malaki ng kaunti sa pinasokan ko dati sa probinsya tatango-tango akong pinag kumpara sa isip ko. Tuloy akong napanganga sa laki ng soccer feild rito sa gawi naman nito ay ang basketball court ganon din kalaki.

Inikot ko ang paningin ko sa mga buildings na nakapalibot sa gym pero may pumukaw sa aking mata ang dalawang building sa likuran ng gym baka ito yung pang college i think.

Grabe hindi ko talaga akalain na ganto ang mapapasokan ko rito sa Maynila ang akala ko ganoon din sa probinsya ang mga eskwelahan dito nag kamali pala ako. Nakapamiwang akong tinitingala ang mga building ng may mag salita sa likuran ko.

"Anong ginagawa mo dito sir?" Isang malamig na boses ang nag salita galing sa likuran ko.

Agad ko itong nilingon saka ako ngumiti pero bigla kung binawi ang ngiti ko ng makita ang lalaking bumanga saakin kanina.

"I said anong ginagawa mo rito?" Inilakas niya ang sinasabi niya.

"Bago lang kasi ako dito kaya nilibot ko itong kabuuan ng eskwelahan na ito." Tinalikuran ko siya at tinignan muli ang mga building na nakapaligid.

"Ahh i see, kaya pala kinakausap mo yung sarili mo na para lang baliw." Natatawang sabi niya.

Sandali akong natigilan bago sumama ang mukha ko.

"Nangiinsulto kaba?" Hinarap ko siya.

Nakakainsulto yung dating niya feeling mo gangster dito sa school. May itsura siya, gwapo siya kung tutuusin pero sa awra niya at sa tono mag salita feeling mo gangster na iwan na bigla ka nalang susunggaban.

Matagal siyang nakatingin saakin bago ngumisi ng mala demonyo.

"Feel free na bumalik ka sa dati mong pinasokan." Kinindatan niya ako.

Natawa ako sa sinasabi nitong lalaking ito.

"Feel free din na lumayas ka sa harapan ko." Kinindatan ko din siya at tinalikuran.

"Enjoy your first day." Pahabol niya pang sabi.

Nag patuloy ako sa pag lilibot at inalis ang masamang awra nung lalaki nayon na feeling gangster.

Huminto ako saglit para tignan kung anong oras na baka malate na ako sa unang klase ko.

Napapalunok akong nag lalakad habang hinahanap ang classroom ko grade ten na ako pero hindi ko alam kung saan ba ritong building ang classroom ko.

Malaki talaga ang school nila kaya nakakaingganiyo ang mag libot. Pero sa tingin ko ay mas madaling mag aral sa probinsya dahil malapit lang ang bawat buildings sa isa't isa hindi kagaya dito na parang sasakay kapa ng jeep para makapunta sa kabilang building.

Mag lalakd na sana ako kaso may nakita akong babaeng naka tayo sa malaking puno, linapitan ko na siya at nag tanong kong saang building ang grade 10. agad niyang tinuro ang pangalawa sa kanan na building.

Agad akong tumakbo papunta roon sa building na iyon hingal na hingal akong nakarating tinignan ko ang bawat pintuan ng classroom mula first floor hanggang fifth floor meron kasing mga listahan ng mga estudyante kung saang room ka papasok.

Nasa fourth floor ang classroom ko sa may dulo dahil naroon ang pangalan ko.

Nasa tapat na ako ng pintuan ng classroom namin, nangangatug ako sa kaba dahil this is my first time na dito ako sa Manila mag-aaral.

"BRO! Lumihis ka sa may pintuan wag kang paharang harang" Sabi ng isang pamilyar na boses galing sa likuran ko.

Hindi nga ako nag kamali siya yung lalaking feeling gangster kanina. "Ano nanaman ba?"

"Nakaharang ka sa may pinto." Ininguso niya ang pinto ng classroom at isinandal ang braso sa pinto.

"Eh ano namang pakealam mo?" Nakataas ang isang kilay kung sabi.

"AZRIEL!" Mula sa likuran ko ay may lumapit na lalaki sa isang lalaking to.

"Pate ba naman lalaki pinopormahan mona?" Sabi ng lalaking kakadating lang saka bumaling saakin.

"Hello" Nakangisi niyang bati saakin. "Sino siya ngayon kolang nakita rito?" Baling niya sa kaibigan niya.

"Wala akong pake kung sino paman siya." Sagot ni Azriel saka tumingin sakin.

"Hi, I'm Jash." Ganadong ganado sa pagpapakilala ang isang to.

"Ohh tapos?" Nakapamiwang na sabi ko sakaniya saka sila tinalikuran. Pshh mukhang hindi ko na kailangan mag taka kung bakit gano'n reaksyon nila saakin.

Naupo ako sa likod malapit sa may bintana dahil ayuko ng may katabi ako na kahit sino dahil mukha silang mayayabang.

"Hi! Bago kalang ba rito?" Lumapit ang isang babae sa'kin.

"Yes why?" Nakangiwing sagot ko.

Ngumiwi rin siya. "I'm Anastasha Alorna" Inilahad niya ang kamay niya. "You can call me Ana."

"Aiden." Nagkamayan kami.

"From now on mag kaibigan na tayo." Nakangiting Sabi niya. Tumango nalang ako kahit ayukong makipag kaibigan sa taga Maynila.

Math ang unang klase namin ngayon. Kakarating lang ng lecturer namin mukha siyang maldita nakataas ang isang kilay niyang nakatingin saamin at mapula ang labi at may taga dala siya ng kaniyang bag.

"Lahat naman kayu magkakakilala na right?" Salubong na sabi niya saamin.

"No, miss!" Nakangiting sagot namin.

"Sino ang transferee?" Tanong niya.

Agad akong tinuro ni Anastasha sa likod.

"You stand up." Biglang naging mataray ang tinig ng lecturer.

Hindi ko magawang sumagot agad. Napapahiya akong nakipagtitigan sa lecturer  bago lingonin ang mga kaklase kong masama na ang tingin saakin si Azriel naman ay nakangisi lang na nakatitig saakin. Napaisip tuloy ako kung ano ang masama sa ginawa ko.

"Introduce yourself." Patuloy ng lecturer. "Para malaman namin ang iyong pangalan." Itinuro niya ako. "Next time ayuko ng mabagal sumagot." Kung ganoon ay nagkamali ako. Mukha talaga siyang masungit na lecturer "What your name please?" Ulit niya.

Napapahiya akong sumagot. "Marcus Aiden Resuello,miss".

Tumaas ang kilay ng lecturer. "Okay good, umupo kana."