"If you were in a book, what story would you like to have?" tanong ni Eurine bago sumimsim sa hawak niyang kape.
Halos nakatatak na sa kukote namin na pumunta dito Linggo-linggo para magpa check-up. Wala din naman kasing pwedeng sumama sa kanya kaya kami-kami nalang din ang nagtutulungan.
She was in highschool when they discover that Eurine was suffering from leukemia. Mula daw noon ay walang tigil na siyang pabalik-balik sa hospital para kumunsulta sa doctor pero up until now hindi padin nabibigyan ng lunas ang sakit niya. Naikwento nya sa akin ang mga bagay na iyon nuong magkakilala din kami sa hospital kung saan parehas kami naka confine. Nagtagal din ako sa hospital na iyon dahil hindi mabilis ang pagkakarecover ko.
I suffer from memory loss that time.
Nagising ako na walang kaalam-alam sa mga bagay na nakapaligid sa akin, wala akong nakikilala, even myself.
Mula pagmulat ko ng mga araw na 'yon ay itinuring nila ako na parang bagong panganak na sanggol. I badly want to remember what my past is, but I think no one in my family is interested to tell me the story so I just accept the fact na kailangan ko talaga mabuhay ng ganito.
"Sarili kong story malamang? Alangan namang gayahin ko 'yung mga fairytales dyan, as if naman totoo 'yon." I answered.
"Ay ayaw mo non? may magic" ibinuka pa nya ang dalawang kamay na para bang may mahika na lalabas doon.
"Hindi naman ako tulad mo na sobra kung mangarap 'no. If I will be given a chance to have my own story I still choose my past. Kahit sa libro lang, mabasa ko yung mga nakaraang ako pwede na din iyon pero wag sana ikaw ang author dahil panigurado akong kadugyutan mo lang ang lalabas doon."
Inirapan nya ako, wow ah napaka dalang ko lang sya makitang matalo sa'kin. Usually kasi hindi ko mabeat ang nga pambabara niya kaya ako ang naaasar.
"How about you? If you will be given a chance to remake your story, what are the changes you want to have?" Ibinalik ko sa kanya ang tanong even I already know her answer.
"Uhm, I wan't my parents to love me like they do to my siblings and ofcourse I also want a healthy lifestyle. Iyon lang naman ang gusto kong mabago, kung pwede ba namang baguhin yung sarili nating kwento edi baka matagal ko ng nagawa. Wait, ikaw lang ang tinatanong ko ah bakit pinasagot mo din ako? You ah, madaya ka. Dahil dyan ilibre mo pa ako ng isang coffee please."
Natawa nalang ako sa kalokohan niya, basta konektado sa mga kasiraan ng ulo si Eurine na ang pambato ko.
Iniba ko ang usapan para hindi na siya magpalibre pa. Masyadong magastos ito kasama.
"I know one way to escape reality." I calmly said.
"what?"
"Reading." agad ko siyang hinila patayo para makalabas na kami sa kainan. "Trust me I already tried it! The feeling like you're floating to the point na you will feel the same feeling as the main character in the story. Kahit saglit makakalimutan mo yung mga bagay na ayaw mo isipin at mapapalitan nalang yan ng positive thoughts."
Reading are actually my habbit. Lalo na kapag free time, its either pupunta ako sa mga library or maghahanap nalang ako ng babasahin online. But I really prefer reading books than magtagal ako sa harap ng gadgets. My eyes can't take it, mabilis ako antukin kapag nakaharap sa maliwanag that's why I like dark places.
"Talagang idadamay mo pa ako sa pagka nerd mo ha?" she sacastically said.
"Excuse me? Nerd? Sinabi ko lang na maganda magbasa pero hindi ko sinabing kabisado ko yung laman ng dictionary."
Patuloy lang kami sa paga-aasaran hanggang makarating kami sa library kung saan madalas ako pumupunta kapag walang ginagawa. Naging ito na ang palipasan ko ng oras since hindi naman talaga ako masyado mahilig gumala, maliban nalang kung mag-aya si Eurine. Isa ito sa pinaka paborito kong library dahil hindi lang for study purposes ang mga libro na nakalagay dito, kundi pati narin mga babasahin na nakakalibang. May nakabukod ding area para sa mga bata.
Alam kong hindi mahilig si Eurine sa mga ganito pero napanganga din siya ng makita ang kabuuan ng lugar.
"I told you, lugar palang parang lumulutang kana what's more kung ieenjoy mo pa 'diba?"
Halos kulang nalang kasi ay mapasukan ng langaw ang bunganga niya sa pagkakanganga.
"Sabi ko nga eh, by the way may gwapo ba dyan sa mga binabasa mong iyan, hm?" turo niya sa mga tinitingala kong libro.
"uhuh, madami."
"Okay sis I got it!" agad siyang humugot ng libro at humanap ng bakanteng upuan. Basta talaga usapang gwapo humahaba ng buhok ng babaeng iyon. Hindi ko alam kung anong libro ba iyong nahablot niya, baka mamaya hindi nya type iyon tapos saakin pa nya isusumbat. Halata namang sineryoso talaga nya ang pagbabasa kaya hinayaan ko na siyang nakaupo doon.
Ipinagpatuloy ko ang pagpasada ng daliri ko sa mga libro para mahanap yung huli kong nabasa dito. It was the story of the two lover since they are in high school. Hindi ko iyon natapos nung isang araw dahil tinawagan ako ni mama para umuwi, hindi ko din naman pwede dalhin sa bahay unless babayaran ko pa. Hindi naman ako mahilig gumastos, naglalabas lang talaga ako ng pera kapag kailangan, hard pass ako sa mga walang kwentang bagay. I value money a lot, hindi ako tulad ng ibang tao na basta-basta nalang gumagastos kapag may hawak na pera though sakto naman ang lagay ng pamilya ko. Hindi kami mayaman at hindi din kami mahirap, ayaw ko lang na umasa sa mga magulang ko. May sarili akong kakayanan at alam kong hindi madali abutin ang pera which is isa talaga sa kailangan para mabuhay ngayon.
But the problem is napakahirap din humanap ng trabaho, it's been a week since Eurine and I started to find a job but badly wala padin kaming napapasukan. Dagsa ang mga nag-aapply ngayon sa iba't ibang kumpanya kaya nahihirapan din kami makasingit, knowing na sa itsura palang ay mas better na talaga ang iba para sa posisyon na hinahanap nila compared sa aming hindi nakapagtapos ng pag-aaral.
Parehas kami ni Eurine na hindi tapos sa college, she has no chance to continue studying because of her cancer while ako naman ay mas ginusto ang mag-trabaho, just like what I've said I value money. Malaki na ang nagastos nila mama para sa akin sa hospital at ayokong humingi pa sa kanila ng pampa-aral. I really don't care for having a degree, hindi naman doon nasusukat kung magtatagumpay ba ang isang tao o hindi. It's just my opinion lang naman, we only need the exact knowlege for about what career we want to pursue at hindi kung ano-ano pa. Ayoko mag sayang ng oras para sa mga bagay na hindi din naman nagagamit when it comes in studying.
Pero I understand others naman na sobrang pinapahalagahan ang pag-aaral, advantage din naman kasi para maabot kung ano ang dapat na marating nila.
Basta I'm trusting the process. As long as I'm moving the bigger the chance to get what I really deserve.
Halos napasadahan ko na lahat ng libro sa set pero hindi ko parin nakikita yung nabasa ko. Napaupo nalang ako sa tabi at napahilamos sa muka.
Sana pala tinago ko 'yun sa ilalim para walang nakakuha 'diba.
kidding.
Napatigil ako ng marinig ang pag-irit ni Eurine, halos lahat ng nasa loob pati ang mga bata ay nabaling sa kanya ang atensyon.
"Kase naman itong si Claude e! Panira ng moment!" sigaw pa niya.
Napabaling ako sa namumuno ng library ng mapansing naka kunot ang noo niya kay Eurine. Ofcourse library ito kaya bawal mag-ingay!
"Parang sira-ulo naman kasi, alam mo ba 'yon mag d-date na sana sila tapos biglang eepal lang yung bwisit na Claude na 'yon. Sana talaga pinutok nalang sya sa banig!" pagrereklamo pa ni Eurine.
Pinigilan ko ang pag-tawa. Naka tanaw nalang kami ngayon dito sa labas ng library, napalabas kami dahil sa kakareklamo ni Eurine sa Claude daw na iyon which is antagonist sa librong nakuha nya. I didn't expect na ipagsisigawan nya pa ang inis sa loob ng library.
Nanlaki ang mata ko ng batuhin nya ako ng panyo.
"Wag mo nga akong matawa-tawanan Chaeya ha, bad trip ako nako wag kang bumungisngis dyan."
"It's just a book tapos ganyan agad reaksyon mo, panget mo naman." I giggled.
"Kahit na! They are still living, in their own world nga lang, pero basta feeling ko may feeling din sila. Ako yung nagbasa kaya nararamdaman ko kung ano man yung nararamdaman ng character doon so shut up."
Ang planong paghahanap ng trabaho ay nauwi sa bond namin ni Eurine, kahit na nanghihinayang ako sa oras ay inenjoy ko nalang. Kahit naman lagi kaming magkasama ay wala padin kaming oras na nakalaan para sa isa't-isa. Hanggang sa pag-uwi ko tuloy ay dala-dala ko ang bungisngis lalo na't naaalala ko ang kalokohan ni Eurine.
"Ma!" sigaw ko pagpasok sa bahay.
Nasanay ako na pagtungtong palang sa bahay ay si mama na agad ang hanap ko, I don't know why but I think hindi na maaalis sa sarili ko ang paghahanap sa presensya ni mama. I'm always like, pag-aalis, pag-kakauwi, kung ano mang gagawin laging si mama ang tinatawag ko at alam kong hindi lang naman ako ang gumagawa noon.
"Oh anak, kamusta lakad nyo?" agad ko siyang nilapitan para magmano.
"We're good ma, parang normal na araw lang namin ni Eurine but about the job..." pahina ng pahina ang boses ko.
"Sus, wala? Okay lang ano ka ba. Hindi ba't sabi ko sayo ay wag mong pagudin ang sarili mo? You can stay here as long as you want, may trabaho kami ng papa mo don't worry hindi mo na kailangang magpakahirap."
Here we go again.
"I know, I know ma and it's not the point okay? I want to find a job para hindi lang ako umaasa sa inyo dito. I also want to experience how to live outside on my own. Hindi ibig sabihin na may pera tayo ngayon ay pang-habang buhay na. Time goes on and we are too."
Alam kong hindi habang buhay ay nandito sila para ibigay ang mga pangangailangan ko that's why I also need to move, to find a job habang maaga pa.
I want to spoil them with my own sucess and make them more proud someday.
"Yes, I understand. If that's what you want then I will help."
"But please, I don't want a position." I requested.
Magkaiba sila ni papa ng kumpanya na pinanghahawakan, isa sa dahilan kung bakit hindi ako tumatanggap ng alok na posisyon mula sa kanila. They want me to inherit their wealth but how? Hindi ko kayang hatiin ang sarili ko. Mabuti kung nasa iisang kumpanya lang sila but its not.
Wala akong kapatid kaya ako lang din talaga ang inaasahan pagdating sa pagmamana. My dream was not to become a business woman but a lawyer, and now I suffer from memory loss mas lalong naging komplikado ang lahat, I didn't even remember what's my plan kaya I chosoe to find a job.
"Dear, wag mo na pahirapan ang sarili mo kakaisip. I know you still want to be a lawyer and work at the same time. Anak for now pwede bang pagbigyan mo din kami na pag-aralin ka?" napatingin ako kay mama.
"Ma"
"Don't mind the money, its not about the money but your future. It's for you and we can do anything about it. Anak please.."
Unti-unti ng pumatak ang luha ko sa mga tingin ni mama.
Oh God, I'm so lucky to have her as my mother.
Wala ako sa kalagayan na pwede kong siyang tanggihan. I don't want to use their money but they want me to continue studying.
This time I will not let the opportunity to pass.
I decided to study and reach my dream for my family that supported me the most.
Don't worry ma, babawi ako. Ibabalik ko lahat ng pinaghirapan nyo para sa akin.