"So, you don't have any experience pa pala about working?"
Tumango ako.
"You're an incoming 2nd year college this school year, right?" tanong na naman niya.
"Opo."
I know, job interview 'to kaya malamang marami talagang itatanong sa'kin. Pero brad naman, lahat naman ng sagot sa mga itinatanong niya ay nakasulat na sa resume ko. Hindi ba marunong magbasa 'tong babaeng 'to?
Isinara na niya ang folder na hawak niya, doon nakalagay 'yong resume ko. "Well, okay ka naman sa physical requirement namin. And also, medyo rush na din kasi ang paghahanap namin ng part-timer, kaya tanggap ka na." sabi niya.
Agad naman nanlaki ang mga mata ko. "T-Talaga po?" paniniguro ko.
"Yes. Bumalik ka na lang dito bukas. You may now go." inilapag niya sa lamesa ang dalawang kamay niya saka tumingin sa akin. "Or if you want.. you can come with me in my house muna." saad niya sabay kindat.
Hindi ko naman napigilan ang nandidiring reaksyon sa mukha ko. Eh kasi naman, eh! Nakakadiri naman talaga. Tss
"Alis na po ako, ma'am." kinuha ko na lang ang bag ko tska nagmamadaling lumabas.
Mukhang gusto ko na yata mag-back out. Pero hindi nga pala pwede, kailangan ko ng pera panggastos. Lalo na ngayon na hindi kami okay ng parents ko, kaya naman wala rin akong natatanggap na allowance galing sa kanila.
Kaya ko naman sigurong pagtiisan ang pagiging kadiri ng manager ko, 'no? Sana. Hays
"Sasakay ka ba, brad?" tanong sa'kin ng kundoktor ng bus, kararating ko lang kasi sa bus stop.
Tumingin ako sa loob ng bus, kakaunti lang ang pasahero kaya sumakay na ako.
Pinili kong umupo sa pinakalikod na part ng bus, tutal sa mismong terminal naman ako bababa. Alam niyo 'yon? 'yong upuan na may anim na space? Basta, bahala na kayo mag imagine.
Iisa lang ang nakapwesto do'n, since 'yong walong ibang pasahero ay magkakalapit lang ng pwesto sa unahan. Nasa kaliwang tabi siya ng bintana, ako naman doon pumwesto sa malapit sa kanan.
Bakit kaya dito siya nakapwesto? Hindi ko makita ang mukha niya dahil sa suot niyang hoodie na nakasaklob sa ulo niya. Pero base sa haba ng buhok niya, mukhang babae 'to.
Gaano kaya kahaba ang buhok niya? Nakasayad na kasi sa upuan, hehe curious lang.
Napatingin siya sa direksyon ko. Pero instead na tumingin sa ibang direksyon, napatitig na lang ako sa mukha niya.
Ang ganda kasi.
"H-Hi?" bati ko. Itinaas ko pa ng kaunti ang kanang kamay ko saka kumaway sa kanya.
Napakurap naman siya ng ilang beses. Kahit nakasuot siya ng salamin, kitang-kita pa rin ang ganda ng mata niya. Lalo na 'yong eyebags, hehe. Sorry, honest lang.
"Saan ka bababa?" tanong ko. Oo na po, medyo makapal ang mukha ko. Feeling close, gano'n. Pake niyo ba? Hmp.
Ewan, pero dahil ba sa pagiging feeling close ko kaya siya nakatitig sa'kin? O dahil deaf and mute siya at hindi niya naririnig ang sinasabi ko tska hindi siya makapagsalita?
Napansin kong napalunok siya. Hmm?
"N-Nakikita mo 'ko?" tanong niya.
Nagsalubong naman ang mga kilay ko. Eh? Bakit ko naman siya hindi makikita, eh tao naman--
T-Teka? H-Hindi siya tao?!
Nakatingin pa rin siya sa'kin kaya naman tinake advantage ko na 'yon para matignan siya ng diretso sa mata.
Nabitawan ko ang cellphone ko ng dahil sa gulat. Hindi naman na bago sa'kin ang makakita ng mga multo dahil sanay na ako. Actually, may mga kaibigan pa nga akong multo, e.
Pero kasi, once na tignan ko sila ng diretso sa mata, nakikita ko rin ang totoong itsura nila no'ng time na namatay sila. At itong babaeng 'to, kabaligtaran ng unang tingin ko sa kanya ang itsura niyang nakita ko.
Kung kanina, natulala ako dahil ang ganda niya. Ngayon naman ay dahil sa takot. Eh kasi naman, e!
Bakit may mga sugat siya na parang pinaghati-hati ang katawan niya?!
Yung nakatahing hiwa sa leeg lang ang nakikita ko sa kanya ngayon dahil nakasuot siya ng hoodie, pero puno ng dugo ang manggas no'n. May nakatahing hiwa rin ang parehong mga paa at mga tuhod niya, kaya naman posibleng pinaghati-hati talaga ang katawan niya.
First time ko lang na maka-encounter ng multong ganito ang cause of death. Usually kasi, hindi naman gaanong brutal ang ikinamatay ng mga nakikita ko, kagaya ni Choji na namatay dahil sa sakit sa puso.
"Hoy."
"Bakit ba?!" napasigaw ko.
Napansin kong napatingin sa'kin ang kundoktor at ibang pasahero na parang iniisip nilang nababaliw na ako, kaya naman inayos ko ang earphones ko tska nagkunwaring may kausap. Agad naman silang bumalik sa kaniya-kaniyang pinag-uusapan.
Agad naman akong nakahinga ng maluwag at kumalma. Pero agad ding nawala 'yon dahil katabi ko na pala 'yong babaeng multo.
WAAAAAAH. Balak niya bang maghiganti sa may gawa nito sa kanya? Please naman, sana naman 'wag niya akong saktan. HUHUHU
""So, nakikita mo nga talaga ako." sabi niya. Nagkunwari na lang akong busy sa pagse-cellphone at busy sa pakikinig.
"Hmm~ hmm~" pagsabay ko sa humming ng kanta.
"Obvious naman na nakikita mo ako. Hindi ka magaling umarte." wika niya.
ABA'T!
Masungit na tumingin ako sa kanya. Salamat naman dahil malinis na hoodie at maong na skirt na ang nakikita kong suot niya. Wala na rin ang mga madugo at maraming sugat niya.
"Ano bang kailangan mo sa'kin? Naghahanap ka ba ng tutulong sa'yo sa paghihiganti mo? Kung oo, sorry pero busy ako." mahinang bulong ko. Mahirap na, 'no. Baka isipin na naman ng mga tao na nagsasalita akong mag-isa.
"Huh?"
"Sus. Maang-maangan ka pa. Alam ko naman na gano'n ang habol niyo sa kagaya namin na nakakakita ng mga multo. Magpapatulong na makapaghiganti, para magkaroon na kayo ng peace of mind at makapunta na sa dapat niyong puntahan. Tama ba?" masungit na sabi ko.
Ngumiti siya ng bahagya. Ang cute niya~.
Pwe! Hindi pwedeeee. Pinilit kong alisin sa isip ko ang pagiging cute ng smile niya. Hindi dapat ako naku-cute-an sa multong 'to, eh!
"Nagtanong lang naman ako kung nakikita mo ako, wala akong sinabing magpapatulong ako sa'yo or anything."
"Sus, palusot ka pa--"
"Besides, wala naman akong balak maghiganti kahit kanino."
Natahimik naman ako saglit dahil sa sinabi niya.
Base sa itsura niya, sigurado akong brutal ang naging pagkamatay niya. Kaya bakit... bakit ayaw niyang maghiganti?
Tumayo na siya saka naglakad papunta sa pinto ng bus. Napakurap naman ako. Huminto na pala 'yong bus, nandito na ako sa terminal. Ni hindi ko man lang namalayan.
Bumaba na rin ako saka naglakad papunta sa likuran ng terminal. Nando'n kasi makikita ang baranggay kung nasaan ang apartment na tinitirhan ko.



