FoxNovel

Let’s Read The Word

Open APP
Crushback Teen Fiction

Crushback Teen Fiction

Author:Shia_Xie

Finished

Others

Introduction
Synclair Rousell Oribiada is Lailou Fleurica Altamirandi's ultimate crush. Hindi naman siya totally great stalker ng binata. Until one day, she made a decision that will change her life. Charot. She confess to him using a video through social media, Messenger to be exact. Ano kaya ang mangyayari? Mabuhay pa kaya si Lailou. Kidding aside. Basta abangan niyo nalang. Samahan niyo nalang ako na buuin ang journey ng dalawang bida sa mala walang direksyon nilang lovestory dito lang sa Crushback Channel. HAHAHAHA. XD
SHOW ALL▼
Chapter

  Lailou Fleurica Altamirandi's

  Ang sarap mabuhay sa mundo kapag may crushback ka mula kay crush. Yung tipong mapapasigaw ka na lang kasi crush ka rin pala ng crush mo. Aminin mo, lagi mo ini-imagine ang magiging future niyo ni crush. Ako rin naman. Sa katunayan nga ay malayo na ang naaabot ko. Kasal na kami ni crush sa imagination ko.

  Oh diba!

  But in reality, invisible ako sa mundo niya. Hindi ako kabilang sa mga taong kakilala niya. Hindi ko rin alam kung bakit naging crush ko siya. Nagising na lang ako isang araw na may gusto na ako sa kaniya.

  Grade 7 palang ako, lumalandi na ako. Yung crush ko naman ay Grade 8.

  Hays.

  Kailan kaya niya ako mapapansin? Malapit na mag end ang school year tapos ni-sulyap ay wala pa akong natatanggap mula sa kaniya.

  "Hoy, Lou! Nag de-daydream ka na naman. Tinatawag ka ni Ma'am," si Bella. Nataranta tuloy lahat ng cells ko nang marinig ko ang sinabi ni Bella.

  Paktay ako nito. Baka wala akong maisagot. Kasalanan ito ni Synclair eh.

  "Ms. Altamirandi, kung wala kang panahon na makinig sa mga itinuturo ko. Pwede ka naman nang umalis para hindi mo maabala ang pagtuturo ko," masungit na saad ni Ms. Garcia.

  Ang sungit talaga nito ni Ms. Garcia. Kaya matandang dalaga eh.

  Kumamot muna ako sa ulo ko bago ako nagsalita, "Ah eh, maam. Sorry po. Hindi na po mauulit."

  Nag peace sign pa ako pero pinandilatan niya lang ako ng mata.

  "Sige, maupo ka na," walang emosyong sinabi ni Ms. Garcia.

  Tss. Sungit mo ma'am kaya ka matandang dalaga ih.

  Siyempre dahil mabait akong estudyante, edi umupo ako. Napakagulo naman kasi nitong si ma'am, pinatayo ako para lang paupuin.

  Nag doodle nalang ako ng pangalan ni Synclair sa likuran ng notebook ko. Ang boring naman kasi, hate na hate ko pa naman ang subject na Math. Kaya tuloy lagi akong kulelat.

  "Lou, hali ka nga rito. Nasa labas ng pinto nila si Sync," pasigaw na sinabi ni Sela.

  Shocks! Ang siraulo naman ni Sela ampuchi. Sinigaw pa talaga.

  "Sela, huwag kang maingay. Pag ikaw narinig niyan, patay ka sakin," pabulong kong sinabi sa kaniya ng makalapit na ako sa tabi niya. Pa simple ko rin siyang kinurot kaya napa-igtad siya.

  Langya! Papahamak pa ako.

  "Lou, alam mo, kung ako sayo, umamin na ako kay Sync. Maganda ka naman at bagay naman kayo. Bobo nga lang sa Math," singit naman ni Eunyce na talagang pinagduldulan pa ang pagiging bobo ko sa Math.

  "Hayst. Tigilan niyo nga ako. Ang sabi sa nasagap ko, may girlfriend na si Sync at talbog ako sa beauty nung babae," asar na imporma ko.

  "Weh? Eh kung may girlfriend siya. Hindi ba dapat ay nakikita natin na kasama niya. Malay mo naman nag-aassume lang yung nagbalita sayo," si Sela.

  Aba! Oo nga naman. Eh basta bahala na. Ayoko pang umamin.

  "Alam niyo kayong dalawa, tigilan niyo nalang kaya ako, okay. Atsaka crush ko lang siya."

  Crush ko lang naman siya so bakit ako aamin diba? Mamaya ma-reject lang ako eh. Ang hirap kaya nun. Masakit iyon sa damdamin.

  "Sela, Eunyce, ayan na naman kayo sa pang-aasar kay Lou. Hayaan mo na siyang magdesisyon sa buhay niya. Malaki na iyan," sabat naman ng kararating ko lang na bestfriend na si Leiyan. May bitbit na mga pagkain sa dalawang kamay.

  Breaktime kasi. Wala naman akong ganang bumili kaya nanatili na lang ako sa silid kanina nang matapos ang Math namin.

  "Oh my, Leiyan. You really are my savior," eksaherado kong sambit. Yayakapin ko sana siya kaso ay naalala kong may bitbit pala siya.

  "Pero, Lou. Wala ka ba talagang balak umamin?" ayun. Nagtanong din ang babaita.

  Binabawi ko na. Hindi na siya ang savior ko.

  Hmp!

  Nilayasan ko na lang sila.

  Kaasar.

  Mabilis ang oras. Natapos din ang klase. Nasa waiting shed na ako at inaantay ko na ang sundo ko.

  Mula sa malayo, kitang kita ko ang paglalakad ni Sync. Bruskong brusko.

  Hay! Sync, bakit ka ganyan? Ang tangkad tangkad mo na nga, ang gwapo gwapo mo pa.

  Sana akin ka nalang!

  Lou naman! Nagdedaydream ka na naman. Stop it, Lou bago ka pa mapahiya.

  Ipinilig ko ang ulo ko at ibinaling na lang sa iba ang aking ulo. Ang tagal naman kasi ng sundo ko. Kainis.

  Nakauwi naman akong safe! Yun nga lang ay medyo natagalan ako sa paghihintay. Na trapik daw kasi si Manong.

  "Fleurica, anak. Kamusta ang school?" masaya akong sinalubong ni mommy.

  Infairness! Maaga ata ang parents ko ngayon. May himala!

  "Ok naman po, my. Maaga po kayo?"

  Eh kasi naman, mas madalas sila sa opisina kaysa rito sa bahay. Minsan ko lang ata makausap o kaya makita ang mga magulang ko pero ayos lang naman. I can handle myself.

  "Yes, anak. Hindi busy ang schedule namin ng daddy mo ngayong araw kaya umuwi kami ng maaga. Halika, ipinagluto kita ng meryenda, anak," masayang yaya ni mommy sa akin. Pinaunlakan ko nalang kaysa naman walk-outan ko edi ako naman ang napagalitan diba.

  Tsaka may meryenda! Matakaw ako sa pagkain. Hindi nga lang halata sa katawan ko. Hindi naman kasi ako tumataba ih.

  Iginiya ako ni mommy patungo sa living room. Nasilayan ko si daddy na nanonood sa Smart TV ng Netflix.

  "Hi, dy. Buti nalang po may himala. Hehehe," pagbibiro ko pa. Hinalikan ko si daddy sa pisngi bago ko binigyan ng atensyon ang pagkain na nakahain sa center table.

  "Fleur, hinay hinay. Hindi ka mauubusan," natatawang sabi ni mommy.

  Mabait akong anak kaya sinunod ko naman siya.

  Nag hinay hinay ako sa pagkain. Nakinood na rin ako sa pinapanood nila mommy. Medyo hindi ko gusto kasi it's an adult film.

  "My, dy. Akyat na po ako,ha,"paalam ko. Matapos kong maubos ang mga pagkaing niluto ni mommy.

  "Sige, nak. Ipapatawag nalang kita kapag dinner na," si mommy.

  Umalis na ako sa living room. Pumanhik patungo sa kwarto ko sa second floor. Nagbihis at nahiga sa kama. Kinuha ko yung cellphone ko at muli ko na namang ini-stalk si bebe Sync ko. Hindi ko namalayang nakatulog pala ako habang yakap yakap ko ang cellphone ko.

  Nagising na lamang ako sa isang katok sa pintuan mula sa labas. Gabi na pala.

  "Fleur, nak, kakain na. Pinapababa ka na ng mommy mo," si manang.

  "Sige po, nay. Susunod na po ako."

  Inayos ko muna ang sarili ko bago ako bumaba.

  Pagkain na naman. Hehehe.

  Ikaw talaga tyan! Hindi ka mabusog busog.