Saktong ala sinco y media ng hapon nang sipatin ko ang aking wrist watch, kaya mabilis ko naman na pinatay na ang computer sa aking harapan. Kailangan ko kase pumunta muna sa bahay ni Friday para duon na din maayos. It's valentines day at katulad ng nakasanayan ng buong barkada simula nuong kolehiyo pa namen, ang mga single na katulad ko ang magkakasama na nagcecelebrate nito.
‘Miss Rebecca, The Red Dragon called. They want to have a meeting with you.’ Ani ng aking sekretarya na si Eunice, nahihiya pa nga itong pumasok dahel nakita nyang inaayos ko na ang aking gamet. Kumunot naman ang aking nuo, grabe naman kase tumawag ang kompanya na yun, ala sinco talaga? Di pa naman ako supporter ng overtime para sa employees ko, hinde sa pagkukuripot ah. I believe that after 5 pm, an employee should have there rest.
‘Then set a meeting Eunice, maybe next monday.’ Ani ko rito habang nilolock ang mga drawer na may mga importante na papeles. Nang di ko naramdaman ang pagiwan nito sa akin ay nagangat na ako ng tingin, and like what I expected she stay standing and looking like a furious cat
‘Kase Miss Rebecca, ang gusto nila ngayon din kayo makausap.’ Halos mapunit naman ang aking mukha sa pagkagulat, ngayon talaga? Muli ko naman sinipat ang relo sa bisig, 5:30 na nga e, wala bang awa sa tao nya ang Red Dragon, syempre kong may meeting kame ay may magoovertime din na tao. Like Eunice, hinde naman pwede na di sya sumama sa akin.
Huminga ako ng malalim, I heard Eunice is very excited to meet her husband matagal kase sila nagkahiwalay dahel three years din ang kontrata ng asawa nito sa Saudi, and this valentines ang una ule nilang date after their wedding.
‘Just tell them, we will set another meeting. Tell them I have important meeting na di pa tapos.’ A white lies may not hurt anyone. At sa totoo lang sobrang pagod na din kase ng utak ko sa buong linggo, buti nga ay biyernes din natapat ang valentines e.
Nang marating ko ang condo ni Friday ay agad akong nakapasok, I have her spare key, kanina pa kase ako nagdodoorbell pero mukhang di pa sya nakakauwi.
And like normal days, I feel at home. I take a rest for two hours at nang napagdesisyunan ko ng maghilamos ay lumabas na ako ng guest room ng condo ni Friday and then I found out na andun na din ang kaibigan she is watching an episode of Lucifer.
‘Magaayos ka na?’ Ani nito habang may hawak na beer sa kanyang kamay, napailing na lamang ako at lumapit sa kanya.
‘Biyernes, sa Poblacion na tayo pupunta nagiinom ka pa.’ Paalala ko rito kaya inilipat nya ang tingin sa akin, hawak ko naman na ang towel ko at papunta na sa comfort room, kumuha lang ako muna sa slice ng pizza ng dala nya, I'm famished too.
‘Pre game toh Becca, sya wag ka nga bago diyan. You know I always have a beer.’ Ay sya ka tuluyan na ako nitong inismiran at pinagpatuloy ang panunuod.
Nang makapagayod naman ako ay ganun na din si Friday, we also book grab car para magtungo sa poblacion makati. Dahel nga single kame ay napagdesisyunan nilang lumandi roon, e sa dalas namen duon wala din naman sila napalala sa paglalandi.
‘San tayo ngayon?’ Ani ko habang tinitingnan ko ang labas, puro mag pabulaklak ang mga kababaihan ngayon ah. Buti pa sila, sana all. Minsan talaga sana all nalang ang lalabas sa bibig mo e.
I'm 26 years old and still NBSB kaya ang pag sana all ay ang tangi ko nalang nagagawa. Di ko din naman alam baket hanggang ngayon e single pa din ako, di naman sa pagbubuhat ng sariling banko ah. I have the looks.
‘Ms. Gee daw, andun na sila Rain e.’ Sagot nito at tuloy na muli sa kung ano man ginagawa nya sa social media. Kaya tinitigan ko naman si Friday. Like me, this woman is also single. At katulad ko maganda din ang kaibigan, ano kaya mali sa mundo at parehas pa din kaming single? Tapos yung mga kabataan na nakikita ko ngayon dito sa tapat ng Mapua Makati aba halos lahat may paboquet. Ba't kayo unfair Lord? Kahet nuong college wala ako nakuha na bulaklak e. Well I have pala, bigay ng barkada. Inis.
At nang makarating nga kame, we decided to eat dinner. Alas dose pa kase talaga nabubuhay ang poblacion as bar e. Pero ang mga food dito ay masarap. Nang makita namen ang iba na nasa Ms. Gee nga ay duon na kame nagdesisyon kung saan kakain.
Madame ang tao ngayon, may paevents din kase lahat ng bar ngayon dahel nga sa valentines.
‘Sino kaya ang susunod na mawawala sa grupong single na toh?’ Natatawa na ani ni Amelie habang naghihiwa ng steak nya.
‘Baka yang si Iya, mag kalandian na resident e.’ Ngisi na sagot ni Rain kaya nagsimula anh tuksuhan rito.
‘Pag ibig na kaya yan Iya?’ Natatawa na ani naman ni Lendle na kinatawa namen. Pakanta pa kase kung magtanong, umirap naman ang kausap at binato ng fries ang nanunukso.
‘Ikaw Rain, pag najinx ang lovelife ko kasalanan mo. Yang si Lendle pa naman napakamalas pagsabihan.’ At duon malakas kame tumawa.
We always joke our friend Lendle na sya ang jinx sa barkada dahel kapag nasasabi mo rito na may kasomething ka, after a month or so bigla nalang nawawala.
As we waited midnight, our talk became more serious. Mula sa asaran ay nadako na muli kame sa iilang usapin na di masyado nabibigyam ng pansin sa chat box. May mga iba kasing bagay na dapat pinaguusapan sa personal e.
‘Friday, you still not good with Chriselle?’ Tanong ni Rupert habang sumisim sa kanyang brandy.
Kitang kita ko naman ang pagngiwi ni Friday sa tanong at bahagya ding uminom sa kanyang hawak na beer.
‘I have nothing to tell to her, and why I'm the one who need to act first? Sya ang nangiwan diba? Sya ang nakalimot?’ Sa boses ng kaibigan ay dama ko ang inis pero andun ang lungkot nito.
Bahagya ko naman ito hinimas sa kanyang likod, Friday seems to be coldest among us, but believe me she is also the soft one.
‘Lowering your pride will not hurt anybody.’ Komento ni Julius, nilinga ko naman ito at sumimsim na din ako sa hawak na beer.
‘Sometimes its not the pride Jul, its yourself that you lowering just to talk to someone you used to love. And lowering yourself is never easy. Never.’ Ani ko at kinatahimik nila.