Akala ko dahil sa paulit-ulit na pag-alis ng mga taong mahal ko, masasanay na ako sa pakiramdam ng iniiwan. Akala ko kapag paulit-ulit ko nang naranasan 'yon, hindi na masakit kapag nangyari ulit. Kaso hindi pala ganoon-mali pala 'ko.
Bata pa lang ako nang iwan ako ng Mommy ko. Hindi ko alam kung bakit, pero siguro ay sadyang ayaw lang talaga niya sa 'kin.
My father remarried. Akala ko ay magandang simula na 'yon dahil nakita kong masaya si Daddy. Pero kinailangan din n'ya akong iwan sa aking stepmom para sa negosyo niya sa Japan.
Pero hindi nila 'ko gusto. Malupit sila sa 'kin. Living with them is like a living hell. Pati bestfriend ko iniwan na ako.
I'm literally left now with no one, but just myself.
Alam kong may mga dahilan sila kung bakit kailangan nilang umalis, pero hindi ba ako sapat na dahilan para manatili sila? At kung wala naman na sila sa tabi ko, para saan pa para manatili ako rito?
"Bakit ba niligtas niyo pa 'ko?!" gigil na singhal ko sa kanilang lahat. Walang humpay sa pagtulo ang mga luha ko.
Alam kong maling-mali ito sa mata ng Diyos, pero nagawa kong pagtangkaan ang sarili kong buhay. Pagod na pagod na kasi ako. Hindi na 'ko makahinga sa masikip at madilim na kinaroroonan ko.
Ang hirap mag-isa--ayoko nang mag-isa.
Matalim kong tinitigan ang lalakeng higit na matalim ang tingin sa 'kin. "Hindi mo dapat ako pinakialaman."
Nakakapangilabot ang mga titig niya.
"Anong gusto mong gawin ko? Hayaan kang mamatay doon?" Kung magpapakamatay ka rin lang na babae ka, 'wag sa lugar ko."
Napaiwas ako ng tingin dahil sa nakakatakot niyang mga mata. He knew it. He knew that I was trying to kill myself.
"I wanna go."
"You need to stay here for a week."
"I said, I want to go," mariing tugon ko at hinatak iyong nakakabit sa palapulsuan ko. Akmang tatayo na ako ay hinawakan niya 'ko sa balikat kaya't hindi ko nagawang makaalis. "Ano bang problema mo?!"
"Malala ka na," puno ng pang-iinsultong sinabi niya. "Ideretso na kaya kita sa mental?" dagdag pa niya at inilapit ang mukha sa 'kin.
Ang yabang nito ah!
"Wala kang alam kaya pwede ba, pabayaan mo 'ko?"
"Kung hindi ko pala alam, edi ipaalam mo. Tanga ka ba?" Umawang ang bibig ko sa sinabi niya.
"Bakit ko naman ipapaalam sa 'yo? Sino ka ba?" Close ba kami?!
Ngunit sa mga sandaling 'yon, hindi ko alam kung anong ginawa niya pero nagawa niyang papagsalitain ako. I just found myself unconsciously telling him everything-except for the beating part.
Ginamitan yata ako nito ng black magic!
But after telling him my story, I saw pity in the eyes of a stranger. The look I hated to see the most. Pain in my chest became unbearable. Bakit ko ba kasi chinismis sa kanya ang buhay ko?!
Napayuko na lang ako. "Please... ilabas mo na 'ko rito," bulong na pakiusap ko.
Naawa siguro talaga siya sa kwento ng buhay ko kaya hindi na siya nakipagtalo pa. Hindi pumayag iyong mga doktor noong una na lumabas ako, pero may ibinulong lang siya sa mga ito na agad nakapagpabago sa desisyon nila.
Walang imikan niya akong binuhat patungo sa sasakyan niya. Hindi ko nga alam kung anong pangalan niya at kung anong motibo niya sa pagtulong sa 'kin, pero heto ako at sumasama sa kanya.
Di kaya miyembro ito ng sindikato at modus nila ang kunin muna ang loob ng bibiktimahin nila? Pagkatapos ay dadalhin ako sa tagong lugar kung saan malaya nilang mahihiwa ang katawan ko para kunin ang mga laman loob ko?
Shems.
Kinabahan ako bigla. Alam kong kahapon ay desidido na 'kong mamatay, pero pwede pa naman sigurong magbago 'yung isip ko ngayon? Lord, will you give me another chance?
"H-hindi ito ang daan pauwi sa amin," kunot noo ngunit may kabang sinabi ko.
"You just told me to get you out of there."
Shems talaga. Heto na nga ba ang sinasabi ko!
"K-kung ganon, saan mo ako dadalhin?!"
"Sa bahay ko," mabilis na sagot niya. Lumakas lalo ang kutob kong nasa panganib ako.
"B-bakit mo 'ko dadalhin sa bahay mo? Adik ka ba?"
Salubong ang kilay niyang sinulyapan ako. "What?! Mukha ba 'kong adik?!"
Sinuyod ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa. "H-hindi naman."
"Tsk. Manahimik ka na lang d'yan."
"Eh, baka naman sindikato ka talaga?" Nanlaki ang mga mata ko sa biglang lumabas sa bibig ko. Agad ko tuloy itong tinakpan pero napa-preno na siya at muntikan pa 'kong sumubsob sa dashboard!
Nagsanib pwersa na ang mga kilay niya! Diyos ko panginoon ko!
"Ano ba ang itsura ng isang sindikato d'yan sa utak mo?"
"Ahm...ano... mga panget sila. Madaming nakakatakot na muscles sa katawan... maiitim ang labi...tapos mababaho."
Tinanggal niya ang seatbelt niya at nahigit ko ang hininga ko nang ilapit niya ang mukha niya sa 'kin.
"Now tell me... do I have those characteristics of a syndicate you mentioned?"
Sa sobrang lapit ng mukha niya ay napagmasdan ko ng mabuti ang bawat detalye nito. Walang bahid ng kapangitan sa kahit anong parte nito. Napakaganda ng mga mata niya. Ang tangos ng ilong niya at itsurang napakalambot din ng mga labi niya. At higit sa lahat, napaka-bango niya.
Wala sa sarili akong umiling. Nang ilayo niya ang mukha ay parang doon pa lamang ulit dumaloy ang hangin ko sa katawan.
"Sorry." Nahiya tuloy ako bigla sa pagiging judgmental ko. "Pero may sira ba 'yang ulo mo?"
Ay shocks!
"Malapit ng masira kapag hindi ka pa nanahimik d'yan."
"Eh, paano ba kasi ako tatahimik kung kinikidnap mo 'ko?!" Nakasimangot kong maktol sa kanya.
"What the fuck?! Kidnapper naman ako ngayon?! Tangina 'yan."
Nanlaki ang mga mata ko sa biglang pagmumura niya.
"D-did you... j-just... curse at me?" Napatakip ako sa bibig ko at naluluhang tumingin sa kanya.
"Oh, shit." Napa-preno na naman siya at napahilamos ng palad sa mukha nang makita ako. "Shit...don't cry... ah fuck."
"B-bakit...mo kasi... ako... minumura?"
"Oh, God. This is insane." Napasuklay siya ng mga daliri sa sariling buhok.
Pinanood niya 'kong umiyak habang mukhang kabado pa rin ang itsura niya. Inabutan niya 'ko ng isang box ng tissue at hinayaan akong ngumawa hanggang sa kusa akong mapagod.
"B-bad ka..."
Biglang lumambot ang mga titig niya. "Do you want ice cream? Or lollipop?"
Napatigil ako sa pag-iyak at nag-angat ng tingin sa kanya.
I nodded.
"Y-yes... please?" namamaos na sagot ko sabay napasinok pa ulit. "C-can you... also add... a slice of... deep dark chocolate cake? The one with cherry on top?"
Nakita ko ang bahagyang pag-awang ng bibig niya bago mabilis na nag-drive at naghanap ng cafe. Nang makahanap ay bumaba siya at behave lang ako sa loob ng sasakyan niya habang hinihintay siya.
"Iuuwi mo na ba 'ko after kong kumain?" tanong ko habang inuubos lahat ng binili niya.
"Ibabalik kita sa inyo tapos ano? Magpapapakamatay ka ulit? Konsensya pa kita."
"Ay, meron ka no'n?"
"Gusto mong itapon ko 'yang kinakain mo?"
Mabilis akong umiling.
"Ano bang gagawin mo sa 'kin kung hindi mo 'ko iuuwi sa amin?"
"Don't you know that finders, keepers? I found you, so 'll just keep you."
I blinked twice as my mouth formed an 'o'.
"Aampunin mo 'ko?!"
And that was where it all began. He claimed me the first day we met.
Pero hindi ko naman sineryoso 'yon dahil hindi naman ako baliw para magpaangkin sa lalakeng hindi ko kilala! At saka hindi naman niya' ko pinilit. Feeling ko nga ginu-good time lang niya 'ko nang mga time na' yon.
But we became friends. Naging mag-kaibigan kami hanggang sa hindi ko namamalayan na nahuhulog na pala ang loob ko sa kanya.
He's always there when I need him. He's the one I depended on when I had nowhere to run. Para kasi siyang kabuti na bigla na lang sumusulpot! Nakasanayan ko na ngang kahit sa bintana ng kwarto ko ay posibleng lumitaw siya ano mang oras.
I don't know what he loved about me, but he always makes me feel like a queen. He gave me hope to live. At kahit madalas para siyang sira, I learned to love everything about him too.
"Why won't you let them know about us? Are you afraid your family will find out you're in a relationship with a worthless man?"
Hindi ko alam, pero parang ako ang nasaktan sa sinabi niya. Is that how he thinks of himself?
"You're the reason I'm still breathing, Daryl. Kaya papaano mong natatawag na walang kwenta ang taong dahilan kung bakit ako buhay?" Dinala ko ang dalawang daliri ko sa noo niya at pinaghiwalay ang mga kilay niyang magkasalubong na naman. "Everybody loves you, but they feel the opposite towards me. Natatakot ako sa sasabihin nilang... baka hindi ka bagay sa 'kin. I know you will protect me against anyone, pero paano naman ako sa 'yo?"
Those moments when you feel unworthy to be with the person you cherish. The feeling I always endure whenever I am with him...
Because in this story, believe it or not...
I am--Secretly in a Relationship with a Gangster.
***