FoxNovel

Let’s Read The Word

Open APP
AYISANOKYATAPAN

AYISANOKYATAPAN

Author:luna_blaire

Finished

Others

Introduction
Si Sima ay isang payak na babae na nagtatrabaho sa Le Miénde Hotel. Mayroon siyang kasintahan na si Evoh at nagsasama sila sa kanilang inuupahang apartment. At si Elena, ang babaeng nagpapanginig sa mga kamay ni Sima sa tuwing sila ay nagkakatagpo. Ano ang kauganayn ni Elena sa dalawa? At bakit tila ginugupo ng kaba ang dibdib ni Sima sa tuwing makikita niya si Elena?
SHOW ALL▼
Chapter

  Isang normal na araw na naman upang pumasok sa pinagtatrabuhan kong hotel. Ako si Sima at isa akong font desk clerk sa Le Miénde Hotel.

  Payapa akong naglalakad patungo doon, ilang metro lang kasi ang layo nito mula sa inuupahan kong apartment. Maganda ang mood ko dahil araw ng sahod iyon, dahil kahit hindi kalakihan ang sweldo ay sumasapat na iyon sa mga pangangailangan at kagustuhan ko. Mag isa lang kasi ako sa buhay—mali, meron pala akong karelasyon, si Evoh.

  Natatanaw ko na ang hotel noong may bigla kong makita sa di kalayuan, isang babae. Isang matangkad, maganda at balingkinitan na dalaga. Si Elena.

  Agad na nagsalubong ang aming mga mata, dahilan upang gupuin ng kaba ang aking dibdib. Hindi ito maaari, hindi niya ako dapat makita. Hindi....

  "Sima!" sigaw niya

  Walang pagdadalawang isip akong kumaripas ng takbo sa abot ng makakaya ng mga paa ko. Walang eksaktong direksiyon, ngunit kailangan kong tumakbo.

  "Sima, tumigil kana!" sigaw niya pa

  Mas lalo kong tinulinan ang pagtakbo.  Mabuti na lang at flat na pangpaa ang suot ko noong araw na iyon. Dahil ayokong muli ay magtapon ng di-takong na pangpaa para lang makatakbo.

  "Elena, wag ngayon pwede ba?!"

  Nakuha ko pang sumigaw sa kabila ng hapo na nararamdaman ko. Hindi ito sumagot at nagpatuloy lang sa pagtakbo, kaya itinuon ko na lang din ang atensiyon ko sa pag eskapo.

  Halos limang minuto siguro akong tumatakbo. Luminga linga ako at tila wala na si Elena. Naiwala ko na siya.

  Ganoon na lang ang pagtaas at baba ng balikat ko dahil sa labis na pagkahapo. Ibig kong maiyak, ngunit alam kong walang maitutulong sa akin yun.

  Noong kumalma ay pumara na lang ako ng tricycle upang magpahatid sa hotel. Ang sana'y pagtitipid ko ay mas lalo pang naging magastos. Lintik na baliw na babae!

  "Oh, mukhang hinabol ka na naman ng baliw na ex-girlfriend ng syota mo ah." Natatawang salubong ni Miles sa akin, isa sa mga housekeeper.

  "Oo. Mainam nga at naka-flats ako, kundi ay maibabato ko na naman ang sapatos ko." tugon ko at nagbuntong hininga. Natatawa na lang siyang napailing sa akin saka ipinagpatuloy ang pagtulak sa trolley.

  Nagtungo na ako sa front desk para sa bio, na nagsisilbing attendance ng mga employee. Noong ma-verified ang fingerprint ay naglakad naman ako papunta sa restroom upang ayusin ang itsura ko. Kauma-umaga ngunit mukha na akong zombie dahil sa pagtakbo. Pinunasan ko muna ang pawisan kong mukha at saka nag apply ng powder at blush on. Itinali ko rin ang buhok ko at saka ikinorteng bun. Nag spray pa ako ng perfume bago tuluyang pumunta sa front desk para sa duty ko.

  "Bakit di mo ireport sa pulis iyang ex ng boyfriend mo? Grabe ang creepy na niyan ah." mahinang sabi sakin ni Sophie, kasama ko sa front desk.

  "Hindi na. Mas mabilis naman akong tumakbo kaysa sa kaniya." pabirong tugon ko

  Hindi na siya umalma pa dahil tumunog ang telepono sa kaniyang tabi.

  Sinikap kong kalimutan ang nangyari kanina. Kahit pa iyon na ang pangatlong beses na nangyari ang bagay na iyon sa amin ni Elena. Gusto ko na lang siyang intindihin dahil tila ay nasiraan na siya ng bait noong iwan siya ni Evoh.

  Makalipas ang labing dalawang oras na duty ay pagod at masaya naman akong uuwi. Dumaan muna ako sa isang fastfood upang bumili ng bucket of fried chicken, fries, at sundae. Sapat na ang mga simpleng pagkain na iyon bilang treat sa sarili ko at masaya naman naming pagsasaluhan iyon ni Evoh.

  "I'm home babe!" masayang bulalas ko pagbukas ng pinto ng aming apartment

  Walang sumasagot, marahil ay natatakpan na naman ng headphone ang kaniyang tainga dahil sa paglalaro sa desktop. Inilapag ko na muna ang mga pinamili ko at saka naglakad papunta sa kwarto. Tama nga ang hinala ko...

  "Babe, tama na yan. Kain na tayo." malambing na sabi ko at niyakap ko pa siya mula sa likuran

  Mukhang ayaw niya paring magpa istorbo kaya inialis ko na ang headphone sa kaniyang ulo, at saka ko siya hinila patungo sa kusina.

  "Alam mo nakita ko na naman kanina ang baliw mong ex, grabe yung hingal ko sa pagtakbo." kwento ko habang naghahain ng pagkain

  Tumingin lang siya sa akin gamit ang nanlalaking niyang mga mata saka napayuko. Kaya naman nilapitan ko siya at hinalikan sa noo.

  "Ano ka ba, hindi mo kasalanan yun. Sadyang nasisiraan lang ng bait yang si Elena." sabi ko pa

  Nanatili lang siyang tahimik habang kumakain kami. Hinayaan ko na lang siya dahil masiyado akong pagod upang ipaliwanag sa kaniyang hindi ko siya sinisisi sa kabaliwang ginagawa ni Elena. Pagkatapos kumain ay nagshower muna ako, habang si Evoh naman ay pumasok na sa kwarto at muling bumalik sa paglalaro.

  Araw ng sabado, day off ko sa hotel. Napagpasyahan ko na mag grocery muna para sa mga pangangailangan namin. Hindi ko na isinama si Evoh dahil mayroon siyang kailangang gawin.

  Nasa area ako ng mga chips, noong may biglang humawak sa braso ko. Automatic akong napalingon at mabilis na tinakasan ng hininga noong masilayan ko kung sino iyon.

  "E-Elena?" nanlalaki ang matang sambit ko

  "Sima, nasaan si Evoh?!" mariin na tanong niya

  Marahas kong binawi ang braso ko. Parang may nagsindi ng apoy sa puso ko noong banggitin niya ang pangalan ng aking nobyo.

  "Tigilan mo na kami, pabayaan mo na kami." sabi ko

  Napahalakhak pa siya, iyong may halong pagkasarkastiko. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat saka tinitigan sa mga mata.

  "Sima, tumigil kana! Ako ang mahal niya, ako lang. Gumising ka na sa katotohanan. Ilabas mo si Evoh! Ilabas mo siya!" Niyuyugyog niya ako habang ibinubulalas niya iyon sa mukha ko.

  Nanigas ako sa kinatatayuan ko, nararamdaman ko ang panginginig ng aking mga kamay. Mabuti na lamang at dumating na ang mga guwardiya at saka hinilang palayo sa akin ang baliw na si Elena.

  "Mam ayos lang po kayo?" tanong ng manager sa akin

  Hindi ako makasagot dahil nalaglag ako sa sarili kong mga paa. Napabalik tanaw ako sa mga puntong kinakailangan kong tumakbo sa tuwing nakikita ko si Elena, subalit kanina ay abot kamay ko na siya. Napakalapit. Nakakapanginig.

  Inalalayan akong makatayo ng manager ng store. Hindi ko parin magawang sagutin ang mga tanong niya, sa halip ay wala sa sarili akong naglakad palabas ng mall. Napaupo ako sa gutter dahil sa paulit ulit kong naririnig sa isip ko ang mga sinabi ni Elena. Siya ang mahal ni Evoh? Baliw siya. Nababaliw na nga siyang talaga.

  Umuwi ako sa apartment na walang bitbit na kahit na anong pinamili. Napahawak ako sa braso ko—sa parteng hinawakan ni Elena. Ipinikit ko ang mga mata ko at muling dinama ang pakiramdam noong lumapat ang malalambot niyang palad doon. Muli kong naramdaman ang panginginig ng kamay ko. Huli na ito... Hinding hindi na ako magpapadaig sa takot sa iyo. Hindi na ako ulit tatakbo.

  Kinalma ko ang aking sarili sa pamamagitan ng pag inom ng tubig. Sumilip din ako sa kwarto at nakita kong mahimbing na natutulog si Evoh. Ayoko nang ipaalam pa sa kaniya ang nangyari, ayoko na sisihin niya pa ang kaniyang sarili.

  Gusto ko nang matapos ang lahat ng ito. Nais ko na ng tahimik na mundo kasama si Evoh.

  Isang linggo ang nagdaan matapos ang insidente sa store. Buhat noon ay hindi ko na namataan pa ang baliw na si Elena. Marahil ay kinulong na siya o dinala sa mental institution. Huwag naman sana....

  Magmula ang pangyayaring iyon ay mas lalo akong naging mapagmatiyag sa paligid. Palagi akong lilinga linga, dahil ayoko ng muli pang malapitan ni Elena.

  Alas siete ng gabi iyon, kalalabas ko lang ng hotel at naglalakad na ako patungo sa paradahan ng tricycle. Magaan ang bawat hakbang ko dahil pinakiraramdan ko kung mayroon bang sumusunod sa akin.

  Mayroon.

  Hindi puwedeng magkamali ang matatalas kong tainga, alam kong may sumusunod sa akin. Naglakad lamang ako ng normal tapos ay bigla akong lumingon. Kitang kita ko ang pagguhit ng gulat sa kaniyang mga mata. Si Elena