FoxNovel

Let’s Read The Word

Open APP
Fate over Destiny

Fate over Destiny

Author:mika_wp

Finished

Billionaire

Introduction
It all started when Avani Lavonne came across Lennox Benjamin’s Instagram account. Not knowing how fate will play with their own paths, the two thought that it was destiny, making them fall for each other. With obstacles in their way, they both ended hurting by their own love, drowning each other. How will they cope and overcome the dangers coming for them and their love?
SHOW ALL▼
Chapter

  This story will be based on true events, but at the same time it is also based entirely on my imagination.

  Expect wrong grammars, typos, errors, and wrong placing of punctuation marks.

  "WHEN YOU MAKE A MISTAKE, THERE ARE ONLY THREE THINGS YOU SHOULD EVER DO ABOUT IT: ADMIT IT, LEARN FROM IT, AND DON'T REPEAT IT."

  - Paul Bear Bryant

  * Fate over Destiny

ShortStories #1

- ongoing

  Enjoy! Sit back, relax, and read.

  •~•~•~•~•~•

  All rights reserved. No part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, without the prior permission of the author. Plagiarism is a crime. 

  This story is not affiliated with any of the mentioned schools, events, and places in the Philippines and Philadelphia. It is entirely coincidental and made by me.

  READ AT YOUR OWN RISK!

  ******

  Scrolling through my Instagram feed just before going to bed is a must for me. Check lang ng mga updates sa mga bagay-bagay, at maki-chika na rin. Though, may Twitter rin naman ako pero mas kalmado sa IG. Aesthetic din sa feelings.

  Biglang may lumabas sa feed ko na isang post. It was a beautiful shot of nature. Nakaka-kalma ng puso. Dahil doon ay pinuntahan ko tuloy ang profile ng may ari ng post na iyon.

  Benjamin Mendoza

  Walang bio, pero may followers na halos mag-iisangdaang libo, at may following na five hundred.

  Napa-singhap ako nang mahina at nakitang iyong mga siraulo kong mga kaibigan ay naka-follow.

  A model?

  Sikat? Pero bakit 'di ko man lang kilala?

  Siguro nga'y napaka-outdated ko na. Kung ano lang naman kasi ang nandito sa feed ko ang tinitingnan ko.

  Napa-hawak ako sa ibabang labi habang inii-stalk ko siya. Ang weird man, pero natuwa ako dahil ang gaganda ng mga kuha niya. Na-agaw ng isang post ang paningin ko. Napa-ngiti naman ako roon.

  Shit, ang papi naman nito.

  Messy hair, bukas ang dalawang butones ng polo na suot, may suot itong Gucci belt sa maong pants. Kita ang gold necklace nito. Thick eyebrows, and red plump, pouty lips.

  Nakita ko ang post niya noong grumaduate siya nang College sa La Salle.

  Lennox Benjamin Mendoza

  Magna Cum Laude

  BS - Marketing Management

  De La Salle University

  Hindi ko man siya kilala pero naka-ramdam ako ng pagka-proud para sa kaniya.

  Party is life rin pala ito. Every night lasing. Still, he was a DL for 4 years, heck, even graduated with honors.

  "Hala, shit, na-like." It's a post from last year. Baka mamaya 'pag nakita niya sabihin ini-stalk ko siya.

  But where's the lie, though? Hinayaan ko na lang iyon.

  I decided to follow and stalk him more bago ko binaba ang phone ko. Actually, hindi pa ako tapos gumawa ng defense essay, pero heto, nasa Social Media nanaman.

  Napa-kamot ako sa ulo ko at humiga sa kama. Pinag-masdan ko ang picture frame na naka-lapag sa study table.

  It was me and my best friends when I graduated.

  I remembered myself when I was still in Mapúa. I just graduated last year as Cum Laude, AB - Applied Social Psychology.

  And for this year, I will be studying for my Master's degree. M.A degree that focuses on Liberal Arts.

  Buti nga at mabait sa akin ang Dean namin. Kailangan ko na lang aralin ang Defense namin na mangyayari in two and a half months.

  Nakaka-tatlong thesis na siguro ako sa buong stay ko sa Mapúa. Napaka-naman.

  I heard my phone beep, and saw a message. Galing sa group chat naming magkakaibigan.

  Saint: Tara? BGC.

  Vanellope: At this hour? Yawa! Count me in.

  Napa-iling ako dahil doon. Papatayin ko pa lang sana ang phone ko nang i-mention ako ni Saint.

  Saint: Avani, baka gusto mo sumama? Baka lang naman.

  Umayos ako ng pagkaka-upo sa kama ko bago nag-tipa ng ire-reply.

  Avani: May tinatapos akong defense essay.

  Pero syempre, dahil alam ko na hindi ako makaka-takas kay Saint, naligo muna ako bago bumalik sa kwarto.

  Pwede ko pa rin naman tapusin ang defense essay ko bukas dahil sa susunod na araw pa ang pasahan n'on.

  Saint: Sunduin kita sa condo mo. Namoka. Kala mo makaka-lusot ka?

  Vanellope: Asan na yung may jowa?

  Avani: Sige, kalma, aguy.

  Georgina: I'm here. Sorry, I got excited when Raphaelle said BGC. I forgot to respond.

  Tumayo na ako at niligpit ang kalat ko na nasa study table. Nag-lakad ako papunta sa maliit na walk-in closet ko at namili na ng mga damit doon.

  Nag-suot ako ng black laced bralette sa ilalim ng naka-unbuttoned na dark green flannel. I partnered it up with ripped jeans, and black lita boots. I also used the Sun & Moon Choker necklace that Van gave me as a graduation gift.

  Vanellope: My roommate's out with her friends as well. Santo, punta ako 'jan sa place mo para 'di na sayang sa gas.

  Saint: Oh, yeah, sure.

  Sina Saint at George lang ang may kotse sa aming magka-kaibigan, pero si Saint ang palaging may dala dahil ayaw na ayaw niyang nagco-commute.

  Hindi raw niya magawa ang mga gusto niya.

  Kagaya ng mga ano?

  Hindi ko rin alam.

  Habang inaantay ang tatlo ay nag-ayos na muna ako ng sarili. Nag-lagay lang ng konting makeup, at kinulot nang bahagya ang dulo ng buhok.

  I glanced at my wall clock before getting my shoulder bag.

  Saint: Nandito na kami. Baba ka na.

  Lumabas na ako ng condo at bumaba sa lobby. I saw Saint's sedan parked outside.

  "Hi, have a great night." I greeted, and smiled at the receptionist, as well as the security guard.

  Pumasok ako sa loob at nakita ang tatlo na bihis na bihis.

  "What happened pala? Bakit biglaan ka nag-aya?" Vanellope asked while busy fiddling on her phone.

  "Well," hawak ang ibabang labi gamit ang kanang kamay ay sumagot si Saint, "my Dad, inutusan niya akong mag-trabaho sa Company namin in Bali."

  Natahimik kami bigla.

  "What did you say?" Mahinang tanong ni Georgina sa likod.

  Wala kaming ibang masabi at magawa, kung hindi ang makinig na lang.

  Saint's dad is hard to deal with. Kahit ba sabihin nating graduate na si Santo, siya pa rin ang nasusunod.

  "I didn't have much of a choice." Ipinalit niya ang kanang kamay sa pagkaka-hawak sa manibela.

  "Anyways, he said it will only be for a month. Kapag hindi ko raw nagustuhan, may choice raw ako na bumalik dito."

  "Don't worry!" Pampa-lubag loob niya sa amin, "may plans na ako here, tatapusin ko lang talaga ang isang buwan. Aabot ako sa day ng defense mo." Nilingon ako nito at nginitian.

  Matagal pa naman ang defense ko, pero naka-hinga ako nang maluwag dahil nandito siya sa araw na iyon. Nginitian ko naman siya pabalik bago nag-salita,

  "Hindi ako sanay na mabait ka. Murahin mo na lang ako." Nag-tawanan kami.

  Naka-rating kami ng BGC at dahil weekends ngayon, maraming tao.

  Pumasok na kami at samu't saring amoy ng alak ang sumalubong sa amin. Pati ang amoy ng usok na nang-gagaling sa sigarilyo ay hindi naka-takas.

  "Ugh," ngumiwi si Saint at tinakpan ang ilong.

  "Hey, I reserved a table for us at the V.I.P area. Let's go." Georgina walked like she owns the place. Vanellope trailed behind her.

  Nakaka-hilo ang ilaw rito sa loob pero dahil sanay na kami, gora lang. Hahakbang pa lang sana ako nang biglang tumunog ang telepono ko.

  Elena calling

  "Hello?" I covered my other ear to hear what she's saying.

  [Avani! Pasensya na sa abala, pero may kailangan i-revise!]

  "Okay, what is it?" Medyo nilakasan ko ang boses ko para marinig niya.

  [Actually, kay Grace ko pina-revise kasi alam kong busy ka, pero nakaka-inis dahil akala siguro niya okay na lahat porke't graduate na tayo.]

  Napa-masahe ako sa ilong ko at bumuntong hininga.

  "Sure, send me the file tomorrow morning. Tell her I don't want to see a revised work na parang gawa ng isang high school student." Tuloy-tuloy kong sabi at napansing may dumaan sa gilid ko.

  Agad akong tumabi dahil nasa gitna ako ng daan.

  Napa-lingon ako roon at nakitang dalawa silang lalaki. Parehas kami ng suot na flannel noong isa. Dark green plaid.

  Ibinalik ko ang tuon sa kausap.

  [Yes, sure! Sorry. Enjoy ka.]

  Napa-kamot ako sa noo ko. Hindi ko naman sinabi na nasa club ako pero siguro rinig na rinig talaga ang tugtog at malakas na sigawan ng mga tao.

  Binaba ko na ang tawag bago nag-patuloy sa pag-lalakad. Umakyat ako at nakita ang tatlo na naka-upo na.

  Pero kagaya nanaman kanina, lalapit pa lang ako nang may tumawag sa akin.

  "Avani Lavonne?!" Someone said from behind. Nilingon ko iyon at napansin ang isang senior sa UST, na kaibigan ni Saint.