FoxNovel

Let’s Read The Word

Open APP
The Pretty Girl Pretend To Be Nerd

The Pretty Girl Pretend To Be Nerd

Author:Suramone

Finished

Others

Introduction
Francess never imagined that Hussin Academy will reveal who she really is. A big revelation about herself started when her father transferred her in H.A, an exclusive school for all bullies and gangsters. While she's in disguised, she met the two gangster leaders, Sehun Harris Hussin and Jungkook Edrix Sanchez. Ang magpinsang kaaway ang turing sa isa't isa. Ang isa'y babaero habang ang isa'y ubod ng sungit sa kanya. Sa isa'y mahuhulog ang loob niya, sa isang lalaki na hindi makalimutan ang first love niya. She's willing to let herself fall, until she realized about their dark and related past. What will really happen when the nerd in disguised meets the gangster leader?
SHOW ALL▼
Chapter

Francess' POV

"Francis, are you insane?! You don't have to do this, she's your child!"

I'm standing here outside the room of my Mom and my Dad.

Naririnig kong nag-aaway sila. Hindi ito ang kauna-unahang nakita ko at narinig silang nagtalo, pero batid kong mas malala ang ngayon.

I've never heard them shouting like this.

I don't have any clue kung ano ba ang pinagtatalunan nila, pero dahil narinig ko ang pangalan ko ay alam kong may kinalaman iyon sa akin.

I don't know what's going on, but one thing is for sure there's something wrong with them.

"Melissa I have to do this. This is for her, for my family...for us!"

"No Francis! This is only for the sake of yourself! Di ko naisip na

magagawa mong magdesisyon para kay Francess even without consulting me."

I heard my Mom crying.

Shoot! This is serious.

Dahil masyado na akong curious at gusto ko ng mahinto ang pagtatalo nila ay binuksan ko na ang pinto ng kwarto nila.

Pagpasok na pagpasok ko tiningnan ko sila ng may pagdududa. Nagtatanong at halatang nalilito.

"F-France..."-Mom

Bakas sa mukha ni Mom ang pagkagulat. Agad nitong pinahid ang luha sa pisngi at umaktong parang walang nangyari. Sa lakas ng sigawan nila, inaasahan pa rin ba nila na walang makaririnig sa kanila? O hindi nila alam na nandito ako sa bahay?

"Ano ang pinag-aawayan niyo Mom and Dad?"

Kahit alam kong ako ang pinag-aawayan nila ay nagawa ko pa ring magtanong.

Di sila nagsalitang pareho at tila nangangapa sa sasabihin. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa.

"Narinig ko kayo at narinig ko ang pangalan ko. What is it all about? Anong pinagtatalunan ninyo tungkol sakin?"

Wala pa ring sumagot sa kanila at parehong tumungo sa sahig na animo'y makakakuha sila ng maisasagot doon at maipapaliwanag sa akin.

"I'm talking to you, Mom, Dad. Wala ba kayong balak na sagutin ako? You're not a teenager to fight for a nonsense thing."

Nagpapalipat-lipat pa rin sa kanila ang tingin ko. Hindi ko ugaling mangialam sa away nila, pero dahil alam kong sangkot ako sa kung anomang pinagtatalunan nila ay ayaw kong manahimik lang sa isang tabi at hindi sila pansinin. Natatakot din ako na baka kung saan umabot ang pagtatalo nila at magkasakitan sila.

"Mom, I know that I'm the reason why you were fighting. So tell me, what's going on here?"

Nanatili akong mahinahon habang inaantay na may magpaliwanag sa kanilang dalawa.

Tumuon ang paningin ko kay Dad ng bumuntong-hininga siya. Hindi ko alam kung bakit kinabahan ako nang dumako rin ang paningin niya sa akin. Nababasa ko sa mga mata niya na may hindi magandang bagay siyang sasabihin. At ang higit na nagpapakaba sa akin ay ang paraan ng pagtingin sa akin ni Dad. Sinulyapan ko si Mom, pero nanatili pa rin itong sa sahig nakatingin habang takip-takip ng parehong palad ang bibig.

"C'mon, Dad. Tell me, wala naman siguro akong dapat ikapangamba sa sasabihin mo 'di ba?"

Pinilit kong ngumiti upang kahit papaano ay mawala ang kabang nararamdaman ko. Pero agad gumuhit sa labi ko ang pagkagulat sa sunod niyang sinabi.

"I have to transfer you in Hussin Academy, Francess."

Nanlalaki ang mata kong inilipat ang paningin kay Mom. This time na sa akin na rin ang paningin niya at bakas sa mukha niya ang grabeng pag-aalala.

Napa-awang ang labi ko dahil sa sinabi ni dad. Nagulat, nalilito, nagtatanong.

'Tama ba ang narinig ko? H-Hussin Academy?'

Napahalakhak ako nang bigla akong may maalala. Usong-uso ngayon ang pagpa-prank kaya hindi malabong ganoon din sila.

'Nakikiuso na sila ngayon ah?'

"I knew it! Hahaha. This is a prank! You can't fool me, Dad! Alam ko na 'to, nagv-vlog kayo ni Mom, noh?"

Natatawa kong sabi. Napapitik pa ako sa ere at agad kong nilibot ang tingin sa buong kwarto nila. Naglakad ako at hinanap kung saan nila itinago ang camera na maaaring ginagamit nila.

Agad na nawala ang ngiti ko nang wala akong makitang kahit na anong uri ng cam sa bawat sulok ng malawak nilang kwarto. Mas nagtatambol ang dibdib ko ng makitang parehong seryoso ang mukha nilang dalawa.

Napatigil ako sa gitna ng room nila at halos manlata ang tuhod ko ng makitang umiling si Mom sa akin na tila nagpapahiwatig na mali ang inaakala ko.

'Damn! They're freaking serious?!'

"Dad, stop fooling me around. Hindi na nakakatuwa."

Kahit batid kong seryoso talaga sila at hindi nakikipaglukohan ay nagawa ko pa ring sabihin iyan. Pinigilan kong mangatal at mautal.

"I'm serious, Francess."

Napalunok ako at sabay napailing nang sabihin ni Dad na seryoso siya.

Kahit ngumiti ng peke ay hindi ko na rin nagawa dahil sa sobrang pagkabigla.

"Dad, alam n'yo ba kung ano ang sinasabi ninyo? Hussin Academy iyon! A school for all bullies and gangsters! Dad, hindi ako ganon! Hindi ako nababagay do'n!"

Napasigaw ako dahil unti-unti nang sumisikip ang dibdib ko sa grabeng pagkagulat. Tila panandalian kong nakalimutan na huminga.

Napasabunot ako sa sarili kong buhok nang tumango lang siya. Lumapit agad ako kay Mom at inalog siya, nakakabastos pero hindi ko napigilan ang sarili ko.

"Mom, tell him that he can't send me there! Please, say something!"

Nanginginig na rin ang buo kong katawan at dahan-dahang dumausdos ang kamay ko sa braso ni Mom nang hindi man lang nito magawang magsalita.Napatungo lang siya at napahikbi. Nangilid ang luha ako at nagpakailing-iling, hindi matanggap ang narinig.

"No! This time susuwayin ko ang gusto mo, dad. I'll never go to that school... Oh, scratch that word, because it's not a school, it's a HELL."

Naging sarkastiko at nawala ang paggalang sa pananalita ko. Hindi ako bastos sa kanilang dalawa. Marunong akong rumespeto sa desisyon nila at sumunod sa kung anong gusto nilang gawin ko, dahil alam kong ginagawa nila iyon para sa ikabubuti ko. Pero ibang usapan ang ngayon! This time, hindi man lang nila inisip kung ano ang posibleng mangyari sa akin sa loob ng pesteng school na iyon!

"You know how much I respect you, so please don't do this."

Naiiyak na ako ng maisip kung ano ang gusto nilang gawin ko.

"Sorry but my decision is final at hindi na magbabago ang isip ko."

Madiin at puno ng kapangyarihang sambit ni Dad. Hindi ko na napigilang sumabog ang nararamdaman ko. Napakasama niya!

"You're insane! Sinasabi ko sa inyo, hinding-hindi ninyo ako mapipilit na lumipat ng school at lalong HINDI sa Hussin Academy na iyon!"

Mabilis at patakbo kong nilisan ang k'warto nila. Nag-unahan sa pagpatak ang luha ko habang tumatakbo palabas ng mansyon namin.

Agad akong sumakay sa sasakyan namin at nagpahatid sa bar na minsan naming pinuntahan nila Judy at Kiel.

Kahit nanginginig ay nagawa ko pa rin na tawagan si Judy para magpasama. Kailangan ko ng makakausap ngayon, dahil baka mabaliw ako kapag hindi nailabas ang sama ng loob ko.

Nang makarating ako sa Love Shot Bar ay agad akong um-order ng maiinom. Hindi ko na nagawang intayin si Judy. Mabilis na gumuhit sa lalamunan ko ang init at ang hindi masarap na lasa ng ininom kong whiskey. Halos maduwal ako ng kumalat ang mapait at mapaklang lasa ng alak sa bibig at lalamunan ko. Kahit hindi ito ang una kong makatikim ng alak ay hindi pa rin talaga ako sanay sa lasa nito, dahil hindi ko rin naman sinanay ang sarili ko sa pag-iinom. Hindi sa pinagbabawalan nila ako, pero sadyang pinili ko lang ang maging isang responsableng anak at mag-aaral.

Gumuhit ang mapait na ngiti sa labi ko ng maalala ang hindi katanggap-tanggap na balitang narinig ko kanina. Hindi ko inaasahan na sa kabila ng pagiging mabuti kong anak, hahantong kami sa ganito.

Nag-aral ako ng mabuti sa Clinton High. I'm running for valedictorian ngayong nasa huling taon na kami ng pasukan. I never disappoint them, kaya naman hindi ko matanggap lahat ng nalaman ko kanina.

Nang makarating si Judy ay hindi ko na alam kung ilang baso na ng alak ang nainom ko. Medyo may tama na rin ang alak sa katawan ko dahil nakakaramdam na ako ng bahagyang pagkahilo at ramdam ko na namumula na ang magkabilang pisngi ko. Pero batid ko sa sarili kong matuwid pa akong mag-isip dahil malinaw pa rin sa isipan ko ang mga narinig na masamang balita sa mga magulang ko.

"Francess, what happened? I've never seen you like this, you look miserable."

Kita ko ang pagtataka sa mukha niya nang makita ang ginawa kong sunod-sunod na paglagok sa in-order kong alak.

Tinitigan ko si Judy at agad na nagpatakan ang luha sa mga mata ko, dahil sa halo-halong nararamdaman ko.

"May nangyari bang hindi maganda sa inyo ni Kiel? Nag-away ba kayo?"

Napatigil ako sa pag-inom at napatingala sa kanya. Iniisip niya na si Kiel ang dahilan ng pag-inom at pag-iyak ko. Kiel Reign Clinton is my boyfriend and he never made me cry.

He's a perfect boyfriend for me.

"We're both okay, Judy. There's nothing wrong between us."

Mas dumoble ang pagtataka sa mukha niya nang marinig ang sinabi ko.

She tried to comfort me though she's still clueless.

Nang kumalma na ako kahit papaano ay nagsimula akong magkuwento sa kanya.

"What the heck, Francess?! Seryoso ba sila Tito?!"

Bulalas niya nang marinig ang kuwento ko, naiiyak din.

Tumango ako naiyak na naman.

Wala akong ginawa kundi ang uminom ng uminom at umiyak. Sinabayan na rin ako ni Judy sa pag-inom at sabay kaming naglabasan ng hinaing sa magulang ko. Tulad ko ay hindi niya rin maunawaan ang parents ko.

She's my bestfriend at ngayon alam kong nauunawaan niya ako.

"Judy, don't tell this to Kiel. Hayaan mong ako ang magsabi sa kanya, huh?"

Mayamaya ay pakiusap ko sa kanya.

Sisinok-sinok na ako dahil sa grabeng kalasingan. Namumungay na rin ang mata ko at ramdam ko ang grabeng hilo. Parang umiikot ang paligid ko.

Sinubukan kong tumayo mag-isa, naiihi ako. Pero dahil lasing at hilo na ako ay bumabalik din lang ako sa pagkakaupo ko dahil sa kawalan ng balanse. Lasing na rin si Judy. Mas marami pa ata siyang nainom sa akin.

"Need some help, Miss?"

Isang tinig ang narinig ko, pero hindi ko ito pinansin dahil baka hindi naman ako ang kinakausap. Dahil sa pagkahilo ay sinubsob ko na lang ang mukha ko sa pasimano ng bar counter.

Pero tila nagising ako ng maramdaman ang isang kamay na gumagapang sa hita ko. Nag-angat ako ng tingin, pero hindi ko na makita ang mukha ng lalaking ngayon ay nasa tabi ko, dahil natatakpan ng mahaba kong buhok ang mukha ko.

Tinapik ko ang kamay ng kung sinomang lapastangang nasa tabi ko.

Pero dahil na rin ata sa grabeng kalasingan ay tila hindi umepekto ang panlalaban ko sa isang manyakis na ito.

Napakislot ako at biglang kinilabutan ng muli na namang maglandas ang kamay niya sa hita ko. Nakasuot ako ng black na mini-skirt kaya malayang nahawakan ng manyakis ang hita ko.

Pipilitin ko na sanang makatayo at sisigaw na sana ako ng hindi ko maatim ang malaswang ginagawa ng kung sinoman sa tabi ko nang makarinig ako ng malakas na paghampas sa tabi ko.

Mas umingay rin ang paligid sa hindi ko malaman na dahilan.

'May nag-aaway ba?'

"Get the hell out of here kung ayaw mong mapatay kita!"

'Kiel?'

Si Kiel ba ang narinig ko?

Bago ko pa magawang i-check kong si Kiel nga ang narinig ko ay bigla akong nahilo at naging black na sa akin ang lahat.

To be continued...