FoxNovel

Let’s Read The Word

Open APP
After Your Heart

After Your Heart

Author:Charmzeix

Finished

Others

Introduction
Every people dreamed about having a huge money in their bank accounts, but this family don't matter money. They matter power and Power over love. A love story which people don't know. A family that choose Power over anything else. But, a relatioship will change it.
SHOW ALL▼
Chapter

  LUTHAIRE'S POV

  "Rise and shine handsome" sabi ko tsaka kumindat sa harap ng salamin. "Magkakandarapa nanaman ang mga babae sayo. Tsk!" I smirked tsaka kinuha ang toothbrush at toothpaste. Nilagyan ko ng toothpaste ang toothbrush at nagsimula magsipilyo.

  'Walang kupas'

  Usal ko sa isip ko habang nakatingin sa repleksiyon ko. Sabi nila masyado ko daw pinupuri ang sarili ko at baka raw mainlove ako sa sarili ko kaya sabi ko"Matagal na! Hahahahahaha" usal ko sa gitna nagpagsisipilyo ko.

  BLAAAAAAAG!!!

  Napatalon ako sa lakas ng pagkakabukas ng pinto. Tinignan ko kaagad yun at nakita ko ang kapatid ko.

  "Hoy! Pangit, bilisan mo daw paparating si lolo" biglang usal niya.

  "A-anong sabi mo?! A-ako? P-pangit?! HA! Bulag kaba?!" Natawa siya sa sinabi ko kaya maslalong akong ngumiwi.

  "Bilisan mo na dyan, may atraso kapa" sabi niya tsaka ako tinalikuran.

  'Lintek!!!! Kahit kailan walang kwenta ang mga bunso!!'

  "Pangit mo mukha mo!" Sigaw ko at binilisan ang pag-aayos. Agad akong bumaba. Inalala ko ang sinabi niya.

  'May atraso kapa...'

  Hindi ko alam kong saan ako may atraso pero wala akong maalala na may ginawa akong kalokohan. Dadating pa si lolo baka ano-anong sabihin ni Ephraim sakanya.

  Bumaba agad ako at nahagip ko si lolo na naka upo sa sofa. Kinakausap niya si mommy. Parang pinapagalitan niya ito dahil nakatungo si mom. Binilisan ko ang pagbaba ko. Nang makaabot ako ay agad na bumaling si lolo sakin.

  "Luthaire! Ano itong sinasabi ng mommy mo?!" Agad na sigaw nito.

  'Ano na naman ba?! Tsk!'

  Tinignan ko si mommy at tumango lamang siya na parang sinesanyasan akong may sabihin. Kunot-nuo kong tinignan si lolo.

  "B-bakit l-lo?" Nauutal na sabi ko. Hindi ko talaga maalala na may kasalanan ako.

  "Ang mahal mahal nung hummer mo binangga mo lang!!" Nanlaki agad ang mga mata ko sa sinabi ni lolo.

  'Wtf?!'

  "What?! No!!" Agad na sagot ko kaya mas lalong nagalit si lolo. "Hindi ko ginamit yun mag-iisang linggo na, kaya imposibleng maibangga ko yun!!" Pagpapaliwanag ko. He gave me a confusing look at hindi ko maintindihan kung bakit ganun!

  "Kung ganoon, sino ang alam mong gagawa ng bagay na iyon?" Tanong ni lolo kaya naliwanagan ako. Nahagip ko ang mata ni ephraim at may nakakadiring ngiti. Binalik ko ang paningin ko kay lolo dahil sa tingin kilala ko na ang gumawa noon.

  'Lagot ka ngayon'

  "Wala akong ibang pinaghihinalaan dahil siya lang naman ang humihiram sa hummer ko" sabi ko at mas lalong nadagdagan ang koryusidad ni lolo at mommy. Bumuntong hininga ako bago nag-salita. "Si Ephraim" sabi ko. Agad namang nanlaki ang mga mata nila lolo. Lumingon si lolo kag ephraim na kumakain.

  "Si Ephraim?!" Patanong sa sigaw nito kaya tumango ako. "Bakit mo binibintangan ang kapatid mo?!"

  "Dahil, hiniram niya ang hummer ko two days ago. Tsaka walang ibang humihiran sa hummer maliban sa kanya." Mas lalong nagalit si lolo at tinawag si ephraim.

  "Ephraim! Come here!" I smirked at him at nakabusangot naman siya. Dahan dahan siyang lumapit kay lolo.

  Gusto kong matawa sa reaksyon niya. Ang pangit niyang umakting, madaling mahulaan. Ngayon siya ang pinapagalitan dahil kasalanan niya talaga. Sa dami ba naman ng pwede niyang sirain yung hummer ko pa talaga. Hihingiin ko ang hummer niya kapalit nung sakin.

  'HA HA HA HA'

  Napakaganda ng naisip ko. Gusto ko talagang matawa sa itsura niyang pinapagalitan. Pinipigilan ko ang emosiyon ko baka sakin mabaling ang galit ni lolo.

  Hindi ako nakinig sakanila. Gusto ko nang umalis kaso ayaw ni lolo nang ganun. Kaya kahit sumasakit na ang tenga ko sa pakikinig sa sermon niya kailangan ko talagang makinig.

  Nung medyo kumalma si lolo doon ako sumingit.

  "Lolo?" Sabi ko sabay lingon niya. "Since nasira niya yung hummer ko..." pagsisimula ko kaya binigyan ako ni ephraim ng masamang tingin pero ayokong magpatinag. Binalik ko ang paningin ko kay lolo. "Can i have his hummer?"

  "What?! No! Nababaliw ka na ba?! Bumili ka ng bago!" Biglang sigaw niya.

  "Sinira mo, bayaran mo! Baka gusto mong gawin ko rin ang ginawa m--"

  "ENOUGH!!" Sigaw ni lolo. Natigilan kaming dalawa dahil sa lakas nito. "Bibilhan kita ng bago, at ikaw?!" Baling niya kay ephraim. "Hindi mo magagamit ang hummer mo ng isang buwan" umirap lang ito tsaka tumalikod. Umiling si lolo na parang dismayado sa inasal ni Ephraim.

  'Tsk! Kahit kailan bastos!'

  Tatalikod narin sana ako nang bigla akong tawagin ni lolo.

  "Luthaire" kalmadong tawag ni lolo.

  "Lo?" Agad na lingon ko.

  "Nasaan si Ziv at Accius?" Hinahanap niya ang dalawa ko pang kapatid. Si kuya Ziv pinakamatanda saamin. Ako ang pangalawa. Accius ang pangatlo tsaka si Ephraim ang panghuli, ang pinakabastos sa amin. Walang pake kung sino mababastos niya.

  "They go on a fishing. Mamaya pa siguro sila makakauwi." Usal ko at tumango-tango naman si lolo. Dahan dahan akong timalikod at lumakad papalabas ng pinto. Gusto kong mamasyal mag-isa nang maalala ko...

  'Anong gagamitin ko hummer?!'

  Napakamot ako sa batok ko dahil hindi ako makakapasyal. Ayokong maglakad masakit sa paa lalo pa't maputik ang bukid. Babalik na sana ako sa loob nang biglang tumabi si ephraim sakin. Kunot nuo ko siyang nilingon kasabay ng pag wagayway niya sa susi ng hummer niya.

  "Ano 'to?" Usal ko at dahan dahang inabot ang susi.

  "Mamamasyal ka diba? Gamitin mo yung akin" biglang nagliwanag ang mukha ko sa sinabi niya. "Si lolo nag-utos wag mong isipin na mabait na ako." Sabi niyang hindi ako nililingon at mabilis na tumalikod.

  'Tsk! Akala ko pa naman yun na!'

  Mabili akong naglakad papalapit sa hummer niya na hindi kalayuan sa veranda. Sumakay ako roon at agad na pinaandar. Maganda ang tunog nito dahil sakanya ang ang pinakabagong hummer at pinakamaganda. Pinaharurut ko kaagad ito palabas ng gate.

  Sa gitna ng pag-iikot ko ay nahagip ng mata ko ang napakagandang tanawin. Hindi pa ako naroroon kaya huminto ako at pinark ang sasakyan sa tabi. May duyan duon at kaharap mo ang maliit na isla. Medyo malayo ito pero napakaganda sa paningin. Umupo ako sa duyan at dinuyan ang sarili ko. Hindi masyadong mainit kaya napakaganda tignan ng repleksyon ng araw sa dagat. Kumikinang ito at napaksariwa ng hangin. Gusto ko humiga sa duyan kaya dahan dahan kong inilapat ang likod ko sa duyan.

  Pinatong ko ang ulo ko sa dalawang palad ko sa na nagsilbing unan ko sa duyan. Ipinikit ko ang mga mata at dinamdam ang sariwang hangin na humahagip sa balat ko.

  "Excuse me?" May biglang nagsalita kaya ibinuka ko ang kanang mata ko. Isang dalaga. Mukhang mas bata pa ito sakin pero maganda. Tuluyan ko ng ibunuka ang mata ko at mas lalong kumunot ang nuo niya.

  "Excuse me? Pwesto ko yan" sabi niya sabay turo sa duyan. Natawa ako sa reaksyon niyang napakaarte. Dahan dahan akong umupo sa duyan.

  "Ganon ba?" Tanong ko at hinanap kung may marka ba ng pangalan dito pero wala akong makita. "Wala namang nakalagay na pangalan dito ah? Pano naging sayo 'to?" Pamimilosopo ko. Halatang nagalit siya sa sagot.

  "Oh please! Pag-aari namin 'tong resort nato, kaya pwede ba?! Umalis ka?" Maarteng usal nito. Mas lalo akong nangiti sa asal niya. Ang sarap niyang pikonin.

  'Hahahahahaha'

  "Pano kung sabihin kong..." usal ko sabay tayo. "Kaya kong bilhin ang buong resort niyo?" Hindi man lang nagbago ang reaksyon niya.

  "Okay." Maarteng tugon nito. "At para malaman mo hindi pa 'to sayo kaya trespassing ka!" Biglang sigaw niya sa sign na nakapako sa kahoy. Hindi ko ata nakita yan kanina. "Oh, baka gusto mong ipakulong kita?" Ma kompyansang tugon niya. Natawa ako sa sinabi. "May nakakatawa ba?" Kalmado ngunit may bahid na galit na tugon niya.

  "Go on. You can sue me. My father is a governor anyway. He can fix this tiny mess." Sabi ko sabay balik ng upo sa duyan. Nang lingonin ko siya ay nakita ko ang panlalaki nang mata niya.

  'Yan lang pala katapat mo!'

  Agad siyang tumalikod tsaka tumakbo. Maganda nga siya, maingay nga lang! I don't like girls na madaldal mas gusto ko yung kalmado pero delikado.

  Humiga ako sa duyan at dinuyan 'yon. Ilang sandali akong naidlip pero bumangon rin naman ako, baka balikan ako nung babaeng matulis ang dila. Napakasakit sa tenga ang ingay niya. Nakakairita.

  Pumasok ako sa hummer. Ilang sandali pa akong nakatunganga dahil kakaisip sa babaeng yun. Mukha siya mas bata saakin pero hindi kalayuan. Maganda siya at sexy. Pasok na sana sa standards ko kaso masyadong maingay.

  'Sayang ka!'

  Pinaandar ko ang hummer at dumirtso sa bahay. Nakauwi ako ala sinco imedya na ng hapon kaya may haponan na.

  LUTHAIRE CADE ROMUALDEZ