FoxNovel

Let’s Read The Word

Open APP
Bona Fide

Bona Fide

Author:LightStarBlue

Finished

Realistic Urban

Introduction
Prosecutor Nazarylle Avery Manantan is one of the best prosecutor in town. Everything is fine. Kontento na siya sa pagiging buhay single niya. Hanggang sa isang gabi, may isang lalaking bumangga sa kanya na dahilan kung bakit pareho silang natumba sa sahig. Ang masama pa ay sumubsob pa ito mismo sa dibdib niya. Hindi lang isang beses kundi dalawa. Sinabihan pa niya ito na idedemanda niya ito. After few days, kinalimutan na lang niya ang nangyari pero biglang nagpakita ang hudyo at pinaalala pa sa kanya ang nangyari. She wanted to wring his neck that time. Lokong lalaki. Mukhang inabangan talaga na magsampa siya ng kaso pati na rin ang warrant of arrest mula sa korte. Since that day, hindi na natahimik ang araw niya. Araw-araw na siyang kinukulit nito. He even say that he is her future boyfriend and husband. Ay! Hindi na niya alam ang gagawin niya sa lalaking ito. Mamumuti yata ang buhok niya dahil dito.
SHOW ALL▼
Chapter

Chapter 1

“CLOSE your eyes, give me your hand, darling…”

"They're too noisy!" I whispered then I closed my eyes. Hindi ba nila naisip na ilang gabi akong walang tulog dahil sa kasong hawak ko ngayon? Aware naman sina Maryknoll at Sandeep tungkol dito pero heto sila ngayon, nagka-karaoke.

"Is this burning an eternal flame!"

Tinakpan ko ang mga tenga ko. As far as I know Maryknoll is aware of having her own tone of singing. Pero heto siya ngayon, halatang damang-dama kantahin ang Eternal Flame. Sometimes I'm thinking that living with my two bestfriends is not a good decision. Dapat talaga nag-solo na lang ako sa apartment na ito. Kung hindi lang talaga ako naawa sa kanila noong pareho silang walang mahanap na matitirhan, hindi sana ako nahihirapan ngayon at may matiwasay akong tulog kahit papaano.

Hindi ko naman sinasabing ayoko silang kasama. I love my two bestfriends but in this case, they have karaoke session here with their officemates twice or thrice a week. Its like, Hey nandito ako. Hindi makapag-concentrate sa trabaho or hindi makatulog sa ingay ninyo.

Bihira na nga lang ako makatulog ng maayos dahil sa profession ko as prosecutor ng Makati Regional Trial Court. For almost three kong pagtatrabaho sa Prosecution Office, saksi ako pagdating ng cases dito na to the point hindi pa nga namin nababasa ang isang pile ng folder ng mga kaso, may panibago na namang pile ng kaso. Kaya kabi-kabilaan ang kasong hawak ko at minsan wala na talaga akong time para sa sarili. Minsan nga nalilipasan na lang ako ng gutom sa sobrang pagka-busy. Bihira ko lang din magamit ang day off ko dahil nadadala ko pa sa bahay ang trabaho ko. Tanging tulog lang ang pahinga ko na hindi pa minsan napagbibigyan.

Kaya kapag nasa labas ako ng apartment at naririnig na nagkakantahan sila, imbes na umuwi ay bumabalik na lang ako sa opisina at minsan doon na matutulog. Pwede naman sila sa isang karaoke house magkantahan. Bakit sa apartment pa namin? Okay! Its okay to have karaoke session here but not two to three times a week in row.

"Ayoko sana! Na ikaw ay mawawala. Mawawasak lamang ang aking mundo..."

"Okay! That's enough." Tumayo na ako. I get my silk robe. Hindi na talaga ako makakatulog nito. Lumabas ako sa kwarto ko.

"Hi Nazarylle!" bati sa akin ni Sandeep.

I nod before I walked in the kitchen. I'll just grab some food in the fridge for dinner. I didn't have dinner because I want to rest first but this thing happened. Napapikit ako dahil sa biglang pagkirot ng ulo ko. "Argh! Migraine." I take a deep breath. Kumuha ako ng isang baso ng orange juice at pinatong sa island. Kinuha ko sa fridge ang vegetable salad na ginawa ko kaninang umaga. Ito na lang ang kakainin ko. I'm about to get the Ceasar dressings when someone bumped me. Nawalan tuloy ako ng balanse at natumba ako. Na-out of balance din ang nakabangga sa akin kaya halos sabay lang kaming natumba sa sahig. Nanlaki ang mga mata dahil nakasubsob sa dibdib ko ang lalaki at nakasalubong ko pa siya ng tingin. "Aaaaah!" I screamed.

Nagmadaling umalis sa ibabaw ko ang lalaki. "I-I'm sorry, Miss!" Sibukan niyang tumayo pero nawalan ulit siya ng balanse at muling sumubsob sa dibdib ko.

"Pervert!" Tinulak ko siya at malakas na sinampal sa pisngi. "I will sue you for sexual harassment!"

"Teka! Idedemanda mo ako ng sexual harassment dahil sa nangyari kanina? It's just an accident."

"Accident? Siguro 'yong una accident lang pero ang sunod na ginawa mo, I'm sure that's not an accident. You intentionally do it because you're pervert." I hug myself. Hindi ba aware si Maryknoll or Sandeep na may co-worker sila na pervert?

"Excuse me, Miss. That's false accusation. Hindi ko naman sinasadya na masubsob ako sa dibdib mo."

"Yes you are. Maybe you intended to bumped me just to touch me. I will really sue you, Mister! Sasampahan kita ng kaso sa pangha-harass mo sa akin. That’s under Republic Act 7877 or Anti-Sexual Harassment Act of 1995."

"Then I will sue you a False Allegation for accusing me doing malicious thing to you. I didn't do anything bad to you and accusing me that I touch you but the truth is I accidentally bumped into you. Well that’s under Philippines Revised Penal Code section 358."

"I will prove that you intentionally bumped me to have a chance to tocuh me.."

"How can you prove na intensyon ko talagang ginawa iyon sa iyo?"

Tinaasan ko siya ng kilay. "Bakit ko naman sasabihin sa iyo? Abogado ba kita?" Kitang-kita ko ang pagdaan ng pagkagiliw sa mata ng lalaki. Naningkit ang mata ko. "I knew it! Sinadya mo 'yon."

"Hindi ko ginustong mangyari na masubsob ako sa dibdib mo, Miss."

"Pervert!" Sobra na talaga akong naiinis sa lalaking ito. Kumukulo ang dugo ko sa kanya.

"Anong nangyayari rito, Nazarylle and Prime?"

Sabay kaming napatingin kay Maryknoll. "This guy." I pointed him. "Harassed me."

"I didn't harassed you!" apela kaagad niya.

"Yes you are!" Naaasar na sinalubong ko ang tingin niya. Hindi raw ako h-in-arass. Mga lalaki nga naman. Kapag nabuking na sa panananching nila, talagang gagawa sila ng way para makatakas sa kalokohang ginawa nila.

"No I'm not. Look, Maryknoll. Hindi ko ginustong mabangga siya at matumba sa kanya. She kept accusing me that I intently do that to her."

Binaling ni Maryknoll ang tingin niya sa akin. "Hindi naman pala sinasadya, Nazarylle."

"Sinadya niya, Maryknoll. Dalawang beses siyang natumba at sumubsob sa dibdib ko. Sa tingin mo aksidente pa 'yon?"

"Ang kulit mo rin, Miss. Paulit-ulit na lang tayo. Pag-usapan nga natin ito ng maayos."

"Idedemanda kita kaya hindi mo na ako kailangang kausapin pa. This argument is over. Lawyer mo na lang ang kakausapin ko kapag dumating na ang subpoena ng court sa iyo." Kinuha ko ang vegetable salad at orange juice sa kitchen counter. Sa kwarto na lang ako kakain. "And please, Maryknoll, lower the volume of the speaker. Its hard for me to focus on the papers I need to study." Then I left them.

"Pasensya ka na kay Nazarylle, Prime. Pagod kasi iyon sa ilang araw na pag-aaral sa mga kasong naka-assign sa kanya."

"So she's a lawyer?"

That's the last thing I heard before I closed the door. Kapal talaga ng lalaking 'yon. Akala siguro niya easy to get akong babae kaya niya ginawa iyon. Well he's very wrong because I'm not that kind of girl. Biglang kumirot ang ulo ko. "Shit this headache!" Lalo yatang sumakit ulo ko dahil sa pakikipagbangayan sa lalaking 'yon.

-----------

UMUPO ako sa upuan nang wala ng tao sa loob ng courtroom. Nakahinga ako ng maayos dahil sa nagawa ko ngayon. Naipanalo ko ang kaso ng murder. The suspect is convicted for murdering a teenager woman. The punishment is Reclusion Perpetua or life sentence. "Nagkaroon na ng justice ang pagkamatay mo, Giana," I whispered. The murderer killed the victim because the victim rejected him. I admitted na isa ang kaso na ito sa mga sobrang nahirapan ako. Galing sa mayamang pamilya ang kalaban ko. Ginawa nila lahat para lang maipanalo nila ang kaso. They even offer me a million pesos just to refuse the case! Hindi nila ako madadala sa ganyan.

"Attorney."

Nilingon ko ang kumalabit sa akin. Ang nanay ng victim. "Yes po, Ma'am?"

"Maraming salamat po. Dahil sa inyo nagkaroon ng hustisya ang pagkamatay ng anak ko."

Hinawakan ko ang kamay nito. "Wala po iyon." Nginitian ako nito bago nagpaalam. Niligpit ko na ang mga gamit ko. Kailangan kong makabalik sa opisina dahil marami pa akong trabaho. Ni hindi ko rin nagawang lingunin ang taong bigla na lang tumabi sa akin. Mukhang dumating na ang prosecutor ng susunod na hearing dito.

"Good afternoon."

"Good afternoon din." Kinuha ko ang huling folder sa mesa at nilagay ko iyon sa attache case. "Anong case ang ididinig dito mamaya?" Hindi ko nagawang I-check ang bulletin board kaya hindi ko alam kung anong kaso ang kasunod namin.

"Criminal case. Arson. Inaakusahan ang kliyente ko na siya ang nagsimula ng sunog sa bahay nila. Its all because he wanted to kill his stepfather who physically abused him. As of now, nasa hospital ang stepfather having a second degree burn."

"Arson. Mabigat na kaso 'yan." Humarap ako sa kausap ko at nanlaki ang mga mata nang makilala ko kung sino ang kausap ko. Sa lahat ng taong pwede kong ma-meet ulit, bakit pa ang lalaking pervert na ito? And he's a lawyer! "You!"

"And you." Kumibit-balikat ang lalaking pervert. "I'm expecting a subpoena from the court."

Naningkit ang mata ko. "What?"

"Someone says that she will sue me. Let say Sexual Harassment because I'd done malicious thing to her even though it's just a plain accident. Hinanda ko pa naman ang sarili ko. Nasabihan ko na rin ang magiging lawyer ko at ready na rin ang magiging apela ko."

This man! Kaya lang naman hindi na ako nagsampa ng kaso dahil ayokong maabala ako sa dami ng nakatambak na trabaho ko. Tapos biglang io-open ng lalaking ito ang ang topic na 'yon. I really want to wring his neck right now. "I don't want to talk to you."

"But we're talking right now."

Hindi ko siya pinansin at kinuha ko na ang attache case ko. Sasayangin ko lang ang laway ko kapag nagsalita pa ako.

"Wait."

Kaagad ang pumiglas nang hinawakan niya ang kamay ko. "Talagang gusto mong masampahan ng kaso 'no? Nandito tayo sa loob ng courtroom and anytime Judge Santibañez and other attorney will enter this room. Sa ginagawa mo, talagang sasampahan na kita ng kaso."

"Ayan ka na naman eh. I just want to talk to you, Prosecutor Manantan."

Bigla akong nagtaka kung paano niya nalaman ang surname ko. But suddenly I realized that maybe he got the information on the papers posted in the bulletin board of the MRTC. "Hindi ba malinaw sa iyo na ayokong makipag-usap sa iyo?"

"No." He tried to hold my hands. "Prosecutor Manantan, I just want to say sorry on what happened last week. Hindi ko naman talaga sinasadya na mangyari iyon. I'm talking to my client and I didn't notice that you're there."

Tinaasan ko siya ng kilay. "I'm sorry, Attorney Whoever-You-Are-”

“Prime Camania. Attorney Prime Camania.”

“Whatever. Like what I’d said, I’m sorry because I don't believe in your alibi. I will never accept your apology. Sana hindi na rin kita makita ulit." Tinalikuran ko siya at naglakad na. Gusto ko na makaalis dito. Baka mahawaan pa ako ng kamanyakan ng lalaking ito.

"We will see again soon, Prosecutor Manantan."

I rolled my eyes. "Whatever." Baka nga magkita kami ulit. Dito ulit sa Makati RTC. Maybe that time, inaakusahan siya na nanghipo ng babae.