FoxNovel

Let’s Read The Word

Open APP
SUNFLOWER-MAN: LOVE AND WAR IN YOUR TWENTIES:  TAGALOG STORY

SUNFLOWER-MAN: LOVE AND WAR IN YOUR TWENTIES: TAGALOG STORY

Author:Paper_cowboi

Finished

Others

Introduction
     I am Sunflower-Man.      I am a superhero who wears brief on the inside, not on the outside. My hero name may sound soft in the ears and lame and laughable and girly but that's fine with me. At the end of the day, my ability to help and save a lot of people what matters most to me. I'm a superhero, a gender sensitive human being and a man with principles.      Ang costume ko ay simple lang. Ang pantaas ko'y white t-shirt na pinartneran ko ng isang blue denim jacket na may-scorch ang kwelyo. Ang pang-ibaba ko naman ay black jeans. I would prefer Vans shoes than boots. Wala akong suot na kapa subalit may bandanang asul naman ang nakatali sa noo ko.      Alam niyo ba kung ano ang sad reality ng mga itinuturing nating superhero? Akala natin dahil may superpowers sila ay napakasaya na ng buhay nila, mas maganda kumpara sa mga ordinaryong tao, ngunit hindi pala. Baliktad. Sila pa yung may napakasaklap na karanasan sa buhay. Sila pa yun nakararanas ng lubos na kalungkutan at labis na kasawian. Sila pa yung mas nakapagpiga ng mga luha sa mga mata. Sila yung mas wasak. Sila yung mas duguan at mapeklat na mga tao. Ganun ang totoong buhay ng mga superhero natin.      Kaya kong lumipad sa ere gamit ang aking mabagsik na imahinasyon. Ang mga salita na lumalabas sa aking bibig ay kayang manuntok ng realidad, minsan parang nangingirot lang ng tagiliran. Marami na akong napagdaanan sa buhay. Ilang beses man akong nadapa ay parati pa rin akong bumabangon na nakayukom at ang puso'y umaalab ng asul na apoy.      At ang kapangyarihan ko? Ang magbigay ng pag-asa sa mga tao.
SHOW ALL▼
Chapter

HANKS LAVIER

     I am Sunflower-Man.

     I am a superhero who wears brief on the inside, not on the outside. My hero name may sound soft in the ears and lame and laughable and girly but that's fine with me. At the end of the day, my ability to help and save a lot of people what matters most to me. I'm a superhero, a gender sensitive human being and a man with principles.

     Ang costume ko ay simple lang. Ang pantaas ko'y white t-shirt na pinartneran ko ng isang blue denim jacket na may-scorch ang kwelyo. Ang pang-ibaba ko naman ay black jeans. I would prefer Vans shoes than boots. Wala akong suot na kapa subalit may bandanang asul naman ang nakatali sa noo ko.

     Alam niyo ba kung ano ang sad reality ng mga itinuturing nating superhero? Akala natin dahil may superpowers sila ay napakasaya na ng buhay nila, mas maganda kumpara sa mga ordinaryong tao, ngunit hindi pala. Baliktad. Sila pa yung may napakasaklap na karanasan sa buhay. Sila pa yun nakararanas ng lubos na kalungkutan at labis na kasawian. Sila pa yung mas nakapagpiga ng mga luha sa mga mata. Sila yung mas wasak. Sila yung mas duguan at mapeklat na mga tao. Ganun ang totoong buhay ng mga superhero natin.

     Kaya kong lumipad sa ere gamit ang aking mabagsik na imahinasyon. Ang mga salita na lumalabas sa aking bibig ay kayang manuntok ng realidad, minsan parang nangingirot lang ng tagiliran. Marami na akong napagdaanan sa buhay. Ilang beses man akong nadapa ay parati pa rin akong bumabangon na nakayukom at ang puso'y umaalab ng asul na apoy.

     At ang kapangyarihan ko? Ang magbigay ng pag-asa sa mga tao.

     Meron talagang magtatanong sa'yo tungkol sa pagkatao mo. Meron talagang mga taong matanong. Hindi naman lahat na mahilig sa question mark ay curious and clever. Meron din namang gusto lang mangalap ng impormasyon tungkol sa'yo, at kapag ang nakalap nila ay hindi maganda ay gagawan ka na ng issue. Mga issue na maaaring ikasira ng pagkatao mo o ng reputasyon mo.

     But as long as alam mong hindi totoo ang mga issue na 'yun ay huwag kang mabahala. Relax lang. Huwag kang mai-stress. Huwag mong ipagkalandakan sa ibang mga tao kung sino at ano ka ba talaga. Ang importante ay nagpapakatotoo ka sa sarili mo at hindi ka nagpapaka-hipokrito upang tanggapin ka ng iba. Kung ano ang makikita nila sa'yo ay yun din ang makukuha nila.

     Pero bakit ko ba sinasabi ang mga 'yan in the first place? At ano bang nakain ko ngayon? Siguro sa pagiging buraot ko pagdating sa spaghetti kaya ganito ako mag-isip ngayon. Kain kasi ako ng kain ng spaghetti eh. Hindi ako nagsasawa sa spaghetti. Favorite ko kasi ang spaghetti lalo na kapag Filipino style at luto pa ni papa. Ganito ako mag-isip ngayon dahil sa spaghetti-ng kinain ko.

     Ang alam ko rin ay darating din tayo sa point na mapapatanong tayo sa sarili natin na, "Ano ba talaga ako?" Hanks, ano ka ba talaga? Ako yung parang kenkoy kapag nakaharap sa salamin. Ako yung parang anime character kapag naglalakad sa daan habang nag-iisip ng mga fighting scenes. Ako yung tipo ng estudyanteng tulala at nakatingin sa labas ng bintana na sa tuwing tatawagin ng teacher ay nagiging engot.

     Ako yung tipo na blangko lang, in other words isa akong tabula rasa outside. Tunay akong lalaki, at kung may isang tao mang gustong ipagsigawan ko sa tuktok ng isang building kung ano ba ang kasarian ko ay syempre hindi ako sisigaw. Hindi ako uto-uto. Ba't ko pa ba ipagsisigawan na lalaki ako eh kung alam naman niyang lalaki ako nung una pa.

     Ang totoo niyan, napatanong ako sa sarili ko nang mapag-usapan namin si  Tito Foxxlynch, twin brother ni papa. Nasa may balcony ako ngayon. Aside kay papa kasama rin namin si Hants. Si mama naman ay naghuhugas ng pagkaraming hugasin sa lababo. Tutulungan ko sana siya kaso binigyan niya ako ng isang tingin na "Ako na ang bahala rito nak. Minsan lang kayo mag-bonding mag-ama."

     "There's nothing wrong about being gay. Ang mali ay yung nangda-downgrade ka ng kapwa mo," sabi pa ni after niyang lumunok ng beer. Akala ko itatakwil ni papa si tito sa nalaman niya. Mas lalo lang niyang tinanggap si tito.

     "Hindi pa rin kasi ako makapaniwalang nagladlad siya," sabi naman ni Hants na kanina lang ay nandiri sa kanyang nalaman. Natanggap naman niya kalaunan. "Napakamacho kasi ni tito. Kailan man hindi ko siya nakitaan ng pagkalambot sa katawan. He's so stiff. Siya pa nga yung sumama sa'ming magpa-circumsized ni Hanks."

     "Sinabi pa nga niya sa'kin kung sino ang mas angat sa inyong dalawa," pabirong sabi na papa na ang itinutukoy ay ang pagkalalaki namin. "According to him there are no differences at all. The size and the bulgeness are the same. "

     "Potek," naibulas ni Hants bago siya napatawa at napainom ng beer. Nang mailapag niya ang bote ng beer sa mesa ay natuon ang atensyon niya sa'kin. "Hoy, mananatili ka nalang bang pipi diyan, tol? Magsalita ka naman baka mapanis 'yang laway mo diyan sa sobra mong tahimik. Para kang others. "

     "Ha?"

     "Anong ha? Pambihira, tol, kanina pa kami nag-uusap dito ni dad. Tch, ewan ko sa'yo kung sa'n-sa'n lumilipad iyang imagination mo. What if balian ko kaya ng mga pakpak 'yang utak mo?"

     "Korikong."

     "Kolera!" pangbabanas pa sa'kin ni Hants. Napansin ko naman na pailing-iling si papa na nasisiyahan samin ni Hants.

     Bilang pamangkin, masaya ako sa naging pasya ni tito. Sa wakas nakawala rin siya sa pagkakakulong. Malaya na rin si tito. He's free to love the one he truly loves, and he deserves to be love back. We all deserve to be love.

     Speaking about love, well, as long as mahal ko 'yung tao- mamahalin ko siya. Hindi ako tumitingin sa panlabas na anyo. Kung matamaan man ako sa isang tao---just go with the flow.  Marunong naman akong tumanggap ng pagkabigo eh. Kung hindi ako mahal ng taong mahal ko'y hindi ko na ipagsisiksikan ang sarili ko sa kanya. Dahil mahal ko siya ay papakawalan ko siya. Maghahangad ako ng lubos na kasiyahan para sa taong mahal ko.

     Nakakahiya mang sabihin pero ako rin yung tipo na mahirap maka-move-on. Ngunit ginagawa ko naman ang best ko upang maka-move on. Tinutulungan ko ang sarili kong umangat sa halip na tulungan ko ang sarili ko sa paglagapak. Pinatatayo ko ang sarili ko sa pagkakadapa tapos tatapikin ko ang balikat ko sabay sabing, Malaking "Kaya mo iyan!"

     Iyon yung time na namatayan ako ng alagang iguana. Ang problema kasi ng iba sa halip na tulungan nila ang mga sarili upang makaahon ay nagpapakalagapak din sila. Hindi nila tinutulungan ang mga sarili nilang umangat- maka-move-on. Kudos sa mga taong may pakialam sa mga sarili nila.

     Matagal akong nagising dahil matagal akong nakatulog kagabi. Pagkatapos kasi ng salo-salo ay inalok ako at si Hants ni papa na makipagtagayan ng beer sa may balcony ng aming bahay. First time ko pang uminom ng beer. Third year college na ako at first time ko pang uminom ng beer. Sabi pa sa'kin ni Hants na kapag nakatikim na ako ng beer ay unti-unti na akong mahuhumaling sa mga inuming pangmatanda. Rum, whiskey, vodka, bourbon etcetera.

     Iba yung lasa ng beer eh. Lasang ihi ng barakong kabayo na malakas kung sumipa. Ayos naman. Hindi ko naman naisuka ang ininom ko. Nalunok ko naman ang beer. Nang pumunta ako ng banyo kanina tiyak akong na-drain na yung nainom kong beer. Nai-flush ko na. At nagising ako dahil pinaputukan ako ni Hants ng paputok na Goodbye Dwende. Iba talaga si Hants. Ang dami niyang kalokohang alam.

     Bagong taon na naman at ibig sabihin lang nun ay bagong buhay. Iyong New Years Resolution ko ay ipagpatuloy ko yung na-postpone kong New Years Resolution ko last year which is ang magdyeta at mag-ehersisyo. Kaso nang buksan ko ang ref kanina ay tumambad sa'kin ang Tupperware na may lamang lumpia at Tupperware na may lamang mango float. Feel ko postpone na naman ang New Years Resolution ko nito. Hanggat may naghahanda ng lumpia at mango float sa New Year parating may palya sa New Year's Resolution.

     Napatingin ako sa aking paligid na mahamog. Ang hangin ay medyo malamig. Tahimik sa loob ng subdivision opposite sa kung ano ang nasaksihan ko kagabi. Maingay dahil sa mga torotot, maalingawngaw dahil sa mga fireworks na nagsiputukan at sa mga boombox in full volume na nakadisplay sa mga front yards. Marami ring nagkalat na mga gift wraps sa daan. Nakasanayan kasi rito sa subdivision na tuwing ikahuling araw ng Disyembre idinadaos ang Christmas Party. Ngayong umagang to, ang daming tulog.

     Napatingin ako kay papa. Si mama naman ay tapos nang maghugas ng mga pinggan't tupperware at papalapit siya kay papa. Hahanap sana ng mauupuan si mama kaso hinila siya ni papa kaya hayun nakakakandong siya sa piling nito. Hinampas naman ni mama ang braso ni papa.

     "Mahiya ka nga sa mga anak mo!" sabi ni mama. Napangiti ako sa nasaksihan ko, ngunit kalaunan ay naglaho rin ang kurba sa aking mga labi. After this, aalis na naman sila.

     Lumipad na ang eroplano.

     Si Hants naman ay tinalikuran ako. Panigurado maglalakwatsa na naman siya. From now on kaming dalawa na naman ang matitira sa bahay. We're both adults. Kaya na namin ang mga sarili namin. Hindi na namin kailangan pa ng babysitter. At hindi na kami bata upang i-babysit pa. We're responsible na sa mga actions namin.

     Tapos na ang bakasyon nina papa at mama sa Pinas. Bumalik na sila sa bansang France. Dun kasi sila nagtatrabaho. Mas malaki kasi ang sahod dun kumpara rito sa Pinas. Kung tatanungin niyo ako kung ano ba ang occupation ng parents ko, well, weird. Weird kasi hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung ano ba ang trabaho nila mama at papa dun sa France.