FoxNovel

Let’s Read The Word

Open APP
Keep Mr. Rockwell Close and Desire Closer

Keep Mr. Rockwell Close and Desire Closer

Author:MsRayter

Finished

Billionaire

Introduction
Nanaxion made people believe that she is a sacred angel by acting like one, but behind her sweet smiles is a sinful lies. She is an innocent student in daylight and a prostitute at night and she expertly hid her dishonorable job from everyone. When she thought her contract would be over, her mother sold her again to a billionaire family friend. The one that bought her is her former tutor when she was just a kid. He was the first man who broke her young heart and the first man she ever loved. The man she knew had changed entirely and turned into a prevailing beast she never foresaw.
SHOW ALL▼
Chapter

anaxion’s Point of View

Pwedeng mandiri pero Hindi pwedeng magreklamo. Pwedeng masaktan pero hindi pwedeng mahimigan. Sasayaw ako sa tunog nang musika at hihintayin kung saang impyerno nanaman ako dadalhin nito. Gagalaw sa pitik ng mga pyesa. Pipikit habang nagdurusa. Hindi ito ang buhay na pinangarap ko pero ako'y itinadhana rito. Mula bata, lahat ng tao may pangarap.

Pangarap yumaman, pangarap maging guro, police, nurse, piloto, doctor o kung ano-ano pang positibo. Walang taong nangangarap na mamatay ng maaga, walang nangangarap na maging miserable ang buhay, maging mahirap, o ang maging isang puta.

Bata palang ako ay nasaksak na sa utak ko na hindi ako pwedeng mangarap. Na isa lang ang

kababagsakan ko. Gusto kong patunayan na mali sila pero ano nga bang magagawa ko kung ito talaga ang nakatadhana sa'kin? Kung ito ang gusto ng tadhana, may paraan ba para makalaya?

Gumiling ako habang hawak ang malamig na bakal nang lumakas ang hiyawan. Ang lantad kong balat ay kumikinang tuwing natatamaan ng nakakaakit na ilaw. Iyon ang nagiging dahilan kung bakit parang mga asong naglalaway ang mga lalaking nasa harap ko. Hindi sila nasisiyahan sa pagsayaw ko. Nasisiyahan sila

sa pagtingin sa katawan ko.

"Take your dress off!" Sigaw ng isang matigas na ingles. Nakakabastos man ay wala ang salitang pagrereklamo sa lugar na ito. Ang tulad ko ay hindi dapat nirerespeto.

Ngumiti ako at umiling sa mga lalaki. Hindi.. Hindi ko papababain pa ang sarili ko. Ang pagsayaw lang ang maaari kong ipamalas dahil sobra na ang kahihiyang dala ko. Alam nila iyon pero nagbabakasali parin sila.

Umindayog muli ako nang mahimigan na patapos na ang kanta. Ngumiti ako ng mapait para sa sarili. Sa oras na ito lang ako nakakahinga ng maluwag. Patapos na, titigil na. Makakapagbihis na ako.

Makakaalis na ako sa nakakasulasok na lugar na ito.

Pumanhik ako sa dressing room matapos ang aking sayaw. Tinanggal ko ang aking maskara at tumingin sa malaking salamin na napapalibutan ng ilaw. Kumuha ako ng basang bulak at binura ang mga koloreteng inilagay ni Jaja kanina. Tinanggal ko rin ang hugot kaluluwang damit at Nagpalit ako sa mas komportable.

Tumingin ako sa orasan at alas tres na ng umaga. Sakto sa kadalasan kong uwi. Kinuha ko ang aking bag sa mesa bago lumabas ng silid. Naabutan ko sa centro sila Jaja at Tita Binibini. Nakaporma ang muka ni Jaja na para itong namomroblema sa isang bagay habang kausap si Tita.

"Nakakaawa na 'yong bata, ano ba!" Sabi ni Jaja gamit ang bigong tono. Napapahawak pa ito sa noo na parang nananakit ito. Ang muka naman ni Tita Binibini ay may halong lungkot at panghihinayang.

"Wala akong magagawa. Gustuhin ko man ang makakabuti para sa kan'ya, hindi ako pwedeng magdesisyon, alam mo 'yan! Mahal ko kahit papaano ang pamangkin ko," bwelta naman ni Tita kaya minabuti kong lumapit sa kanila para malaman kung bakit sila nagkakagano'n.

"Jaja, may problema ba?" Tanong ko kaya napalingon sila sa'kin.

Hindi maipaliwanag ang sakit sa mga mata nila para sa isang bagay habang nakatingin sa akin. Puno iyon ng awa. Biglang may tumadyak sa aking puso. Ramdam kong may problema, at alam kong sa akin ang problemang iyon.

Bumuntong hininga si Jaja at hinilamos ang kamay sa muka. Muka talaga siyang problemado.

"Nakausap mo na ba ang bruhiltang ina mo?" Maarte at may halos inis na sabi ni Jaja.

Napaisip ako sa sinabi niya. Ilang buwan na rin ang nagdaan mula ng makausap ko siya. Ang huli niyang ginawa ay ang sigawan ako at tawagin sa kung ano-anong pangalan matapos kong magmakaawa na 'wag nang ituloy ang binabalak. Matagal na akong walang balita mula sa kan'ya pero aaminin ko, namimiss ko na siya.

Sa kabila ng mga ginawa niya sa'kin, hindi ko maisip na kapuotan siya.

"Hindi pa po kami nag-uusap," mahina kong sabi.

"Tang ina talaga ng babaeng iyon. May kaluluwa pa kaya siya? Ba't hindi 'yong sarili niya ang ibenta niya? Pag nakita ko siya, bubunutin ko ang lahat ng buhok na pwedeng mabunot sa kanya!" Nanggigigil na sabi niya.

"Ano bang problema Jaja?" Tanong ko ulit.

"Iyong nanay mo! May ginawa na namang kagaguhan. Ang mabuti pa, puntahan mo siya at kausapin. Pero kahit anong sabihin niya, 'wag na 'wag kang papayag, maliwanag? Sapat na ang mga nagawa mo para matugunan ang mga atraso ng nanay mo kahit naman wala kang kinalaman," sabi ni Tita Binibini na puno ng pag-aalala.

"Tita, dalawang buwan nalang naman ang kailangan kong tiisin," ani ko at nakaramdam ng tuwa nang maisip na maaari na akong mamuhay ng maayos at marangal.

Umiling si Tita sa sinabi ko.

"Dito makakaalis ka, Pero, anak, may magmamay-ari na naman sayo kung patuloy kang susunod sa nanay mo. Tama na, Nana," bigong sabi niya na naka pagpatigil ng kasiyahang nadarama ko.

Makakaalis na ako pero may paparating pa?

Pumikit ako ng mariin habang iniisip kung bakit nga ba ako napunta sa sitwasyong ito. Alam ko lang naman ay ayaw kong madagdagan pa ang galit sa'kin ng Mama ko. Ginawa ko lahat ng gusto niya kahit labag iyon sa loob ko. Minahal ko siya ng walang katumbas at higit pa sa sarili ko.

Tumango ako at mapait na ngumiti kay Jaja at Tita. Nagpaalam ako na uuwi na dahil pagod na ako galing sa mahabang gabi na ito. Pinayagan naman nila ako, tutal ay talagang tapos na ang trabaho ko.

Marami pa ring tao ang nagkalat sa labas ng Castle Bar. Kadalasan ay mga kaedad ko lang at mukang mga tapon perang tao ang nandito. May mga naninigarilyo, naghahalikan, at nagpupulong. Bilib din ako sa mga taong iyan. Sinasayang nila ang gabi nila para sa pagpunta sa lugar na wala namang kabuluhan.

Lugar na wala namang maitutulong sa kanila.

Wawaldasin ang pera at magpapakasaya na parang walang pinoproblema.

Ang sarap siguro ng buhay nila.

Magsisinungaling ako kapag sinabi kong hindi ako naiinggit sa mga taong iyon. Sana ako iyong nag-eenjoy hindi iyong ako ang dahilan kung bakit sila nag-eenjoy. Sana ako naman iyong nanunuod hindi iyong ako ang pinapanood.

Umiling ako para sa bagay na hindi naman para sa akin. Tanggap ko na ang kapalaran ko. Tanggap ko na ito ang buhay ko. Masakit man pero sarili ko man ay hindi ko na masandalan. Walang tricycle sa oras na ito kaya naglakad ako papuntang waiting shed para maghintay ng mini bus.

May mga motor siklong napapadaan sa tapat ko at akala ata'y pick-up girl ako dahil tumitigil pa sila sa harap ko at inaaya akong sumakay roon. Lahat sila ay tinanggihan ko at ngumiti nalang. Hindi ako dapat mainis dahil natural lang na iyon ang isipin nila. Isang babaeng nakatayo malapit sa bar, iisipin mo bang nagpe-prayer time?

Hindi.

Dumating ako sa Dorm ng ligtas. Wala ng tao sa hallway dahil tulog na rin ang mga tao.

Pag-akyat ko sa second floor ay naabutan ko malapit sa CR si Astrid na may kahalikang lalaki. Hapit na hapit ng lalaki ang katawan ni Astrid na parang kulang pa ang pagiging malapit nila, na kahit halos magdikit na ang kaluluwa nila ay kulang pa.

Hindi ko na tinitigan pa ng masinsinan kung sino ang lalaking iyon dahil sigurado naman akong hindi ko iyon kilala at ibang lalaki na naman ang kasama niya.

Binuksan ko ang aming kwarto gamit ang sarili kong susi. Nakabukas ang dim light na nasa gilid at tanaw ko mula sa pintuan si Fara na natutulog sa double deck. Hinaplos ko ang aking batok dahil nakaramdam ako ng pagod at antok. Binaba ko ang aking bag sa sofa at hindi na naisipan pang magbihis. Nilock ko ang

pinto at dumiretso sa itaas ng double deck para matulog.

Kinabukasan ay sabay kaming pumunta ng eskwelahan ni Fara. Alam niya ay papasok ako pero balak kong pumunta ng Syudad para dalawin ang Mama ko. Nagsinungaling ako kay Fara nang sabihin ko na nakatira ang Mama ko sa probinsya. Lahat ng alam niya ay purong kasinungalingan lang.

Hindi ako gano'n kabanal tulad ng inaakala niya. Hindi ako ganun kakonserbatibo. Hindi ako 'yung

mahinhin na alam niya. Ang tanging totoo lang at pinanghahawakan ko ngayon ay ang pananalig ko sa Panginoon.

Isa man akong puta sa gabi, nananalig pa rin ako sa kanya na iaalis niya ako sa sitwasyong 'to at patawarin sa lahat ng mga kalapastanganang ginawa ko.

Araw-araw ko rin hinihiling na sana patawarin din niya ako sa mga kasinungang nagawa ko para sa mga taong nakapaligid sa akin. Lalo na kay Fara. She only wanted a good path for me. She doesn't want me to took the life she picked. Pero hindi niya alam na gano'n din pala ang tinahak ko.

Oo, mali ang ginagawa ko pero ito ang gusto ng tadhana. Puro sakit, kamalian at kapahamakan ang dala.

Alam ko na walang maidudulot na maganda dahil ako mismo ay nasaksihan ko kung paano nito sinaktan si Fara noon.

Kaya niya kailangang iwan ang lahat ng meron siya sa Syudad dahil sa maling daang tinahak niya. Mundo na pag hindi niya iniwan ay baka ikabaliw niya.

Malaki ang pinagkaiba namin ni Fara. Totoo siya sa lahat, ako naman ay hindi. Inilalabas niya kung ano ba ang talagang siya, ako nama'y nakatago sa maskara. Makasalanang tao.

Tumingala ako sa napakalawak na gate. Napakatayog at napakaeleganteng mansyon ang nasa likod nito.

Memories crossed my mind. I grew up here, I lived here but I feel like a stranger. It is like, I am not

belong here.

This is where everything started. The happiness, joy, the pain, the surrow, I could still remember every feeling I felt before.

Pumasok ako sa gate at dumako agad ang mata ko sa swing na nasa gilid. Kumurap ako dahil may nagbabadyang luha na maaaring pumatak ano mang oras. Umiling ako at kinagat ang labi.

Nagpatuloy ako sa paglalakad papalapit sa malaking pinto ng main door.Hindi iyon naka-lock kaya madali akong nakapasok. Sinalubong ako ng katahimikan sa buong mansyon.

Ang dating puno ng siglang litrato ay inaalikabok na. Dark and lonely. This mansion used to be full of light, surrounded with laughter and love. Pumatak ang luha ko. This is not what I wanted to be.

Lumibot pa ang mga mata ko sa mga bagay na puno ng masasayang alaala. Kumapit ako ng mahigpit sa strap ng aking bag. Naramdaman ko ang isang prisensya na nasa itaas ko kaya nag-angat ako ng tingin sa

engrandeng hagdanan.

"What are you doing here?" May halong inis at gigil niyang tanong. She's not smiling. She's looking at me like I'm some kind of pest. The beauty of her face is gone. Namayat siya at parang hindi na napapangalagaan ang muka na dati nama'y pinagkakaabalahan niya.

Kasalanan ko iyon.

Ngumiti ako kahit alam kong hindi siya nasisiyahan na makita ako rito. Bumaba siya sa hagdan at mabilis na nakarating sa harap ko.

Magmamano sana ako pero tinapik lamang niya iyon at nandidiring tinignan

ako.

"Tinatanong kita!" She shouted.

"Sabi po ni Tita pumunta ako rito. Matatapos na rin kasi ang kontrata ko sa 'king trabaho. Mama, na-miss kita." Pinilit kong maging maayos ang lahat. Pinipilit kong 'wag siyang mainis sa kahit na anong sasabihin ko.

Nagtaas siya ng kilay. "Oo ilang buwan nalang. Ano ngayon?"

"Mama, m-mapatawad mo na sana ako."

She's the one who pushed me in that dirty job. She said, she'll forgive me if I work there. She said she'll

forgive me if she saw me being miserable.

Ginawa ko ang lahat ng gusto niya. Nagdilim ang kan'yang muka.

"That's not enough! Alam mo ba kung anong sakit ang dinala mo sa buhay ko?! Peste kang puta ka!

Salot!" Sigaw niya ng may pangigigil. Isang sampal ang natanggap ko mula sa kanya. At nadagdagan pa, at nadagdagan pa, hanggang sa mamanhid na ang pisngi ko dahil sa paulit-ulit na sampal.

"M-ma. Ginawa ko na po lahat. Ano pa bang dapat kong gawin? Naging miserable na ang buhay ko tulad ng gusto mo. Kahit po hindi ko kaya ang pinapagawa niyo ay ginagawa ko pa rin! K-kung nandito lang

sana si Papa."

Suminghap siya at nanlaki ang mata. Dinuro niya ako. Sobra-sobra ang poot na nakikita ko sa mga mata

niya.

"You! You are the one why my husband died! Wala kang utang na loob! Kinupkop ka namin at tinuring na pamilya pero ito ang ginanti mo sa amin? Hindi pa sapat ang mga ginawa mo!" Nanginginig sa tagisan ang kanyang panga. Kating-kating saktan ako. Ulit, naiintindihan ko iyon. Kaya nga ako pumayag sa mga gusto niya dahil aminado akong kasalanan ko. Dapat maging miserable ang buhay ko.

Pumatak ang luha ko. Yumuko ako dahil wala akong karapatan.

Tinalikuran niya ako at may kinuha sa isang aparador. Isa iyong envelope. Naglabas siya ng ballpen at isang copon bond. She lend it to me.

"Sign it."

Binundol ako ng kaba habang nakatingin sa papel na hawak ko. Nanginig ang kamay ko.

Ganito ang senaryo noong una. Pagpinirmahan ko ito ay siguradong pagsisisihan ko na naman. May magmamay-ari na naman sa'kin.

"M-ma.. Ayoko na po," pagmamakaawa ko. Hinaplos niya ang ulo ko kahit patuloy ang pagmamakaawa ko.

"Hahayaan mo bang mahirapan ang mama? Makukulong ako anak. Malaki ang perang utang ko sa pamilya ng mga Rockwell. Ubos na ang ari-arian natin at ikaw nalang ng kaya kong i-alok." Kung kanina ay para itong lion na mabagsik, ngayon ay para siyang Nanay ko noon na nakikiusap at puno ng pagmamahal.

Lumambot ang puso ko dahil doon. Nalusaw ang galit na namumuo sa'kin kanina.

"Wala na po bang ibang paraan? Baka meron pa-"

"Tinatanggihan mo ba ang mama mo? Tinanggihan mo 'ko?!" Bigla siyang naghisterikal at unti-unting bumabalik ang galit sa mga mata niya.

"A-ayaw ko lang po na may mag may-ari na naman sa akin. Dodoblehin ko po ang trabaho ko pagnakaalis na ako sa bar ni Tita. Makikiusap ako sa mga Auxtero na bigyan pa tayo ng oras para makapagbayad. 'Wag lang po ganito, mama."

Umiyak ako at umiling sa kanya. Tao rin naman ako. Bakit ganito ang trato ng mundo sa akin? Bakit parang wala akong karapatang mamili ng buhay na gusto ko?

"Bobo ka ba?! 30 million kaya mong bayaran sa pagdoble lang ng trabaho? Kahit triplehin mo pa 'yan! Mamamatay ka na hindi pa tayo bayad! Pagpinirmahan mo ang kontratang 'yan, we are automatically paid! You just need to work for them at hintayin kung kelan ka nila balak pakawalan. Baka gawin ka nilang katulong, ewan." Humikbi ako. Pamilya ng mga Rockwell.

Mayaman ang Pamilyang iyon. Mabait at mapagbigay raw sa mga nangangailangan.

Minsan silang bumisita rito sa mansyon dahil sa isang selebrasyon para sa company partnerships. Sila lagi ang laman ng dyaryo noon at ang anak nila. Ang nag-iisang anak nila ay si Reign Rockwell-- wala na akong balita sa kaniya.

"Pagpinirmahan mo 'yan, bayad na tayo sa utang natin. Ang anak nila ang magiging amo mo. Sundin mo lahat ng ipag-uutos niya. Maswerte ka pa dahil malapit naman kayo noon diba? But it would be nicer if you make him fall in love with you, you'll get his money too. That boy is filthy rich."

Binebenta nga niya ako. Binubugaw pa, pero kelan man ay hindi ko gagawin iyon. Hindi ako manggagamit.

Huminga ako ng malalim at hinawakan ng mahigpit ang ballpen. Gagawin ko ito para sa mama ko. Ang bobo ko kung sasabihin ko na kaya kong pag-ipunan ang 30 million. Hindi ko nga alam kung anong kinabukasan ang meron ako.

"Anong tinatanga-tanga mo riyan? Pirmahan mo na!" Sigaw ni Mama. Tumulo na naman ang luha ko habang yumuyuko sa mesa at pinipirmahan ang papel na kakain na naman ng buhay ko.

"Good girl. Ipapadala ko ngayon itong kontrata sa anak nila. Tutal ay siya naman ang katransaksyon ko rito. From now on, you are his. Umalis ka na rito." Pinal na sabi niya bago tinapik ang pisngi ko at tumalikod sa'kin para umakyat sa hagdan.

"M-ma!" Tawag ko. Nanginginig ang lahat kong laman dahil sa luhang pilit kong pinipigil. Kinagat ko ang ibabang labi at ngumiti sa kan'ya.

"Yes?" Sagot nito at nilingon ako.

"Will you forgive me?" Tanong ko.

Ngumiti siya ng sarkastiko. "Pagdating ng panahon," simple niyang sabi bago tuluyan akong iniwan.

Pinahid ko ang luha sa aking pisngi. She'll accept and forgive me soon. I just need to give her time. Sabi nga nila oras lang ang kailangan ng mga taong nasasaktan.

"I love you Mama," bulong ko sa aking sarili.

Hapon na nang makarating ako ng probinsya. Dumiretso ako sa Dorm. Pagod na pagod ang katawan ko.

Gusto kong magpahinga muna kaya balak ko sanang matulog agad pagdating sa kwarto. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang may makitang lalaki na nakasandal sa pader malapit sa pintuan ng kwarto namin.

Nanlamig ang buong katawan ko nang magtama ang tingin namin. He changed a lot. Mas nag-mature ang muka niya. He even looked more masculine and colder that the last time.

Hindi nga lang nagbago

ang misteryo sa mga mata niya. Mga matang parang sobrang daming itinatago.

It's been years since I communicate with him at ayoko ng maiugnay pa sa kan'ya. Ayoko nang pumasok sa buhay niya pero heto ako, nakatayo sa tapat niya. Ang taong nagmamay-ari na sa'kin dahil sa kontratang kapipirma ko lang.

Reigh Rockwell. My former tutor.