This story will be based on true events, but at the same time it is based entirely on my imagination.
Expect wrong grammars, typos, errors, and wrong placing of punctuation marks.
"WHEN YOU MAKE A MISTAKE, THERE ARE ONLY THREE THINGS YOU SHOULD EVER DO ABOUT IT: ADMIT IT, LEARN FROM IT, AND DON'T REPEAT IT."
- Paul Bear Bryant
* Fate over Destiny
ShortStories #1
- completed
* Take a Chance
ShortStories #2
- ongoing
Enjoy! Sit back, relax, and read.
•~•~•~•~•~•
All rights reserved. No part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, without the prior permission of the author. Plagiarism is a crime.
This story is not affiliated with any of the mentioned schools, events, and places in the Philippines and Indonesia. It is entirely coincidental and made by me.
READ AT YOUR OWN RISK!
*****
"Have you ever tried using a dating app?" Bungad agad ng kaibigan ko na si April. Kalalabas ko pa lang ng building namin at naroon na agad siya, naghihintay.
Hindi man lang kinumusta kung ayos lang ba ang klase ko, o kung maganda ba ang araw ko.
"No," I lied.
Sabay kaming naglakad palabas ng UST para kumain. Sawa na kasi ako sa mga fast food na narito sa loob. Tapos na rin ang klase namin.
"What? What a shame." Medyo malungkot na sabi nito. Natawa ako roon. Tinigil ko na, matagal na. Nakalimutan ko na nga paano gumamit, e.
"Ano naman magagawa ng dating app sa buhay ko?" Napailing na lang ako.
"Girl? I'm not saying na may magagawa pero kasi parang medyo naboboringan ako sa get up mo, e." Then she smirked at me. Napanganga ako.
"Tangina, ano nanaman? Inaano ka?" I said in disbelief.
"Feeling ko lang ang lonely mo. Have fun naman kahit onti lang. Fling ganoon. Wala namang seryosohan." April shrugged her shoulders as we enter a wings restaurant.
"Besides," I looked at her as we sat down. "'Di mo sigurado kung may mag-swipe right sa 'yo." Pang-aasar niya pa. If only you knew, April.
"I'm too good for them anyway." Hindi ako kumagat sa asar niya.
"Truly! That? I won't disagree on." She used the fork to point at my direction.
"Ilang buwan na lang ga-graduate na tayo, bes. Mas masaya kapag naranasan mo ang mga bagay na 'yan habang nag-aaral ka pa lang." I don't know why April's making me do all this.
Ang consistent niya. Wala talaga akong balak dahil distraction lang 'yang pag-ibig na 'yan sa pag-aaral ko. Pati na rin sa career, syempre.
Diyan naman nagsisimula ang lahat. Akala mo biru-biruan lang. Usap dahil bored, hindi mo namamalayan unti-unti na pala kayo nahuhulog sa isa't isa.
Ayaw ko ng ganoon. I need to focus or else my Dad might send me away to study abroad. Ayoko mawalay sa mga kaibigan ko.
Hindi ko napansin na ang napatagal ako sa pagmuni-muni dahil dumating na ang pagkain namin.
"My treat." Ngiting sabi ni April sa akin. Oh, okay. Wow.
"Thanks."
When I got back to my condo I immediately checked my social media accounts.
Nakatanggap ako ng message galing kay Avani sa Instagram.
avanisoriano: 10 PM. Tomas Morato? G ka ba?
Umayos ako ng dapa sa kama at napatingin sa orasan ko. Maaga pa naman. Hindi pa nga ako nakakapagpalit ng uniform ko.
Pinagmasdan ko ang logo sa uniform bago tiningnan ang I.D.
AMV - College of Accountancy.
st.raphaellec: Okay. Message ko na lang si Van.
avanisoriano: Great! May driver naman ako.
Natawa ako sa sinabi niya. Ginawang driver si George. Sabi ko kasi sa kaniya tanggapin na niya 'yong kotse na binibigay ng Dad niya. Ayaw niya dahil hindi naman daw niya kailangan at sayang pa sa gas. Mahal daw.
Mas mahal nga ginagastos niya sa grab every night kapag lumalabas kami.
Suntukin ko 'yon, e.
Naalala ko na may itatanong pala ako kay Avani kaya minessage ko na lang ito.
To: bby mo lang naman
May tanong pala ako. 'Di ba gumagamit ka ng dating apps?
'Wag na kayo magtakha kung bakit ganyan pangalan niya sa contacts ko. Siya nagpalit. Huwag ko raw magawang palitan dahil malalaman niya raw.
From: bby mo lang naman
Oo dati. Ako pa ba. Bakit?
Hindi ko rin alam ano ang pumasok sa isip ko at naisipan ko na sumubok ulit sa mga dating apps na iyon simula nang banggitin ni April kanina.
From: bby mo lang naman
Parang ang sarap magbalik loob ano?
Nang-asar pa nga. Bakit dito ba ako nagtanong?
Napakamot ako sa ulo ko pero nag-reply rin naman.
To: bby mo lang naman
Tanong lang bobo assuming ka
Inis kong binaba ang telepono dahil maliligo na ako para mamaya.
From: bby mo lang naman
gago mo hindi naman ikaw ibig kong sabihin. ako. ikaw ang assumera.
Anak ng. Hindi na ako nag-reply dahil malamang sa malamang hindi na ako titigilan ni Avani.
Pagkatapos ko maligo nag-ayos na ako ng sarili. Maaga pa pero balak ko mag-photoshoot dito sa loob ng kwarto para pang palit sa picture ko na nasa dating app.
Nag-download ako ulit at buti bumalik 'yong account na gamit ko rati. In-update ko lang lahat ng informations ko roon.
I only wrote on my bio,
Saint, 22
UST - AMV
Napakamot ako sa tenga dahil hindi ko na alam ano susunod na gagawin. Nakalimutan ko na.
It's been a while since the last time I used a dating app. Nakakapanibago.
What if I mistakenly swipe right sa person na I don't like? And worse! What if mag-match kami? The horror!
I tried searching sa internet kung paano ba iyon. Ah! Pwede naman pala i-unmatch.
Okay. Pinakaba mo naman ako.
I changed my one and only photo. Iyong kakakuha ko lang kanina.
Nakangiti habang labas ang mga ngipin at ang dimple.
In my opinion, it's more attractive than showing your cleavage. Though, I don't have anything against it.
This should do it. I actually had a hard time choosing what to replace. My colar bones are also showing from my spaghetti strapped mini dress. I also wore a laced up heels and diamond cross necklace.
Ang dami ko nang na-swipe right! Grabe. Puros engineering students.
Nakakainis. Hindi ko mapigilan ang thirst ko for engineering students. Lalo na kapag graduated at pasado na sa boards.
I'm so sorry. Don't judge.
Marami ring nag-match sa sandaling oras ko na namalagi sa app. May mga nakausap ako habang inaantay na dumating ang alas nuwebe.
Hindi ko pala trip 'yong iba. Papangit ka-bonding. In-unmatch ko na sila. Lalo na 'yong mga sex agad ang bungad na tanong sa akin.
I like dicks but, I hate men na dugyot sa pananalita at sa galawan.
I don't know why I even swiped them right. Nagsisi ako agad.
Ang dami rin pa lang mukhang sipon dito sa app na 'to.
Napatingin ulit ako sa telepono nang mag-notif ang dating app. May match daw ako.
Tiningnan ko naman kung sino iyon.
Apollo, 23
Mapúa Institute of Technology
Hiraya. Future Engineer.
Nagulat ako sa message niya.
Apollo: Hi everything.
I immediately understood his reference. Natawa ako nang bongga dahil napanuod ko iyon sa Facebook noong nakaraan.
Saint: Dangerousity alert.
Apollo: Jenyorosity lang. Hindi dangerous.
Napangiti ako dahil sa corny niyang mga remarks.
Lumipat kami sa Telegram para makapag-usap. Nakita ko tuloy iyong messages namin ng mga nakalandian ko noon.
We talked.
Ang cute niya.
He owns a car, and he also has a pet turtle. Sorry, puros ipis lang meron dito sa condo ko.
Just kidding. Walang insects dito. Lilipat ako ng wala sa oras kung meron man.
Apollo Davis: So graduating ka na?
Saint Constance: Hopefully ga-graduate! Ikaw ba?
Apollo Davis: Kaya mo 'yan. Matalino ka naman yata.
Natawa ako sa sinabi niya. Bwisit talaga.
Apollo Davis: Graduate na. Nag-aaral na lang para sa boards.
Napanganga ako. Paturo sa math. Accounting pa naman ako.
I was about to message him back when Van called me.
[Kanina pa on the way sina George 'jan sa condo mo! Sana naka-ready ka na ano?]
Nataranta ako sa sinabi niya at gulat na nilingon ang orasan. Shit! Malapit na mag-nine.
Saint Constance: Wow, study well! Wait lang, ha? Nagyaya mga friends ko sa labas.
Napakamot ako sa ulo dahil baka isipin nito hindi ko na siya babalikan.
Ew, no. I'm not a ghoster kahit taga-UST ako.
Apollo Davis: Yeah, sure. Take care and enjoy.