FoxNovel

Let’s Read The Word

Open APP
Back To Me

Back To Me

Author:Areezz Sy

Finished

Billionaire

Introduction
HEARTS CLUB SERIES 1 Maibabalik pa ba ang dating samahan at pag-iibigan kung pareho ninyo nang tinapos ang ugnayan n'yo dahil may mga pangyayaring sobrang nakasakit ng iyong damdamin? Paano kung may mga bagay na sa halip na bigyang paliwanag ay piniling isantabi muna dahil may mas dapat na unahin kaysa pag-iibigan n'yong dalawa? Atin pong subaybayan ang kwento nina Aldrin Lee Lopez at Chloe Shei Angeles. Muli kaya silang bumalik sa piling ng isa't isa upang dugtungan ang pag-ibig na naudlot dahil sa kagagawan ng iba?
SHOW ALL▼
Chapter

  CHAPTER 1

  "Iiihhhh! Bez, gisinggg!" isang malakas na tili ang gumising sa akin gawa ng napakabait kong Bff na si Sabrina Kaye Alvarez. Jusko! Nabasag na yata ang eardrums ko sa lakas ng boses niya! Walang patawad sa taong masarap ang tulog!

  Ngunit hindi ko naman siya masisisi dahil ever since na ipinanganak yata kami sa mundo, eh, halos kulang na lang ay magdikit ang aming mga bituka just to say how much we're close to each other.

  Since grade school pa lamang kami hanggang maka-graduate ng college ay mas lalo pang tumibay ang pagkakaibigan naming dalawa. Iisa ang hilig, paborito at panlasa. Halos sa ugali man ay hindi rin nagkakaiba.

  Maliban na lang kung usaping puso ang pag-uusapan, d'yan kami walang pakialamanan!

  Pagbali-baliktarin man ang aming mundo, magkaiba pa rin ang tibok ng aming puso. Kailanman ay hindi magiging problema ang lovelife because we will never assume to get involved in any love triangle. We respect our private matters, and never namin naisip na darating kami sa point na pag-aawayan namin ang tungkol dito.

  We deemed ourselves like a real, twin sisters. We love each other, damn much! At sa sobrang close, at home na kami sa bahay ng isa't isa. Like today, nambubulabog siya sa kasarapan ng aking pagtulog! Nauna pa siyang manggising sa alarm clock kong naka-set upang tumunog!

  "Bangon na r'yan, Bez, daliii! Male-late tayo, ano ka ba?" sabay hila sa kumot kong maganda ang pagkakabalot sa aking katawan.

  "Bez, ano ba? Napakaaga pa! Nauna ka pa nga sa alarm clock ko, susme! Wala na bang chance na tanghaliin ang manok sa unang pagputak niya?" reklamo ko kay Sab habang naghihikab pa.

  "Bez, bawal ma-late! First day of work tapos gan'yan ka? Bawal ang babagal-bagal ang kilos baka hindi na natin abutan ang ip*t ng manok na sinasabi mo. Early bird's catch the worm, so gora na! Go, go, go! Bangon na at maligo ka na!" sabay hila sa akin pabangon sa kama at hinatak pa ako papunta sa banyo.

  "Aww, dahan-dahan. Kaya ko naman na, eh! Gusto mo paliguan mo na rin ako para sulit panggigising mo? Wacha think, Bez, hmmn?" biro ko sa kaniya na tataas-taas pa ang kilay.

  "Ahahaha! Bwisit na 'to, gusto mo pa akong abusuhin, Bez, huh? Nyek-nyek mo! Ano ako, caregiver mo? Papa-alila sa'yo? Nah, magtiis ka na lang na bumaho! Ba'la ka d'yan!" sagot naman niyang kunwari ay napipikon.

  "Hahaha, masyado! Laglagan na pala, huh! W-wait, Bez--- dahan-dahan! Excited much ka, eh! Maaga pa naman kasi talaga!" reklamo ko habang itinutulak ako papasok sa loob ng banyo.

  "Shuuu! Bilis na dami pa sinasabi, eh," pagtataboy niya, at wala na akong nagawa kundi sundin at magsimula na upang maligo.

  Samantala, ilang minuto pa lang ang lumilipas nang marinig ko ang boses niya mula sa labas, "Bez, sa ibaba na lang kita hihintayin, huh? Bilisan mo at baka mainip ako, iwan pa kita r'yan," paalam nito.

  "Huuu, Oo na, sige! As if naman na kaya mo, hahaha!" sagot ko naman at tinawanan siya.

  "Tse! Bilisan mo na, dami pa sinasabi, eh," aniya at narinig ko ang pagbukas ng pinto tanda na lumabas na nga ito.

  Nang matapos sa paliligo, lumabas na ako sa banyo, at agad na lumapit sa wardrobe upang pumili ng maisusuot.

  Dahil sa natural ang pagiging maganda, hindi ko na kailangan pa ng maraming make-up or kolorete sa mukha. Simpleng guhit lang ng eyebrow pencil sa kilay, pahid ng liquid foundation sa buong mukha, chick tint sa pisngi, at manipis na lipstick lang sa labi ay sapat na.

  Nang makitang ayos na ang aking itsura, agad na akong tumayo upang sipatin naman ang damit kong suot sa isang full length mirror na nakasabit sa wall.

  At hindi naman sa pagbubuhat ng sariling bangko, hindi ako mahirap bihisan. Sadyang nabiyayaan lang ako ng magandang hubog ng katawan, biniyayaan ng malaking future, makinis, maputi, at tila ba'y kulay gatas ang kutis kaya naman hindi maikakailang mala-Diyosa ang angking ganda! Tse! Huwag na kayong kumontra! Sadyang magaan lang talaga ang bangko na hawak ko at keri'ng keri ko itong buhatin, at isa pa, kwento ko 'to, kaya h'wag kayong ano! Hayaan na ninyo ang bidang lola n'yo, Hahaha, peace yow!

  Matapos makitang maayos na ang aking sarili sa harapan ng salamin, nagmadali na akong lumabas ng aking silid at baka mainip na si Bez, magalit pa sa akin!

  Pagbaba ko sa hagdan, nakapagtatakang wala akong inabutang Sabrina sa living area.

  Hanggang sa may marinig akong tawanan mula sa kusina. Agad akong pumasok doon, at napapailing na lang nang makitang kumakain na siya ng breakfast habang nakikipag-kwentuhan kay Mommy.

  "Oh, nand'yan ka na pala, Shei! Halika na't sabayan mo na sa pagkain 'tong si Sab, maupo ka na sa tabi niya," utos ni Mommy nang makita niya akong palapit sa kitchen counter.

  "Ayos ka rin, Bez, dumayo ka pa talaga mag-breakfast dito, huh? Wala bang nagluto sa inyo!" pang-iinis ko sa kaniya ngunit hindi ito agad sumagot. Sa halip ay kumuha pa ito ng itlog at hotdog saka inilagay sa kaniyang plato. At hindi pa nasiyahan, kumuha rin siya ng sandwich sabay subo. Nang malunok, saka siya tumawa nang malakas. Tsss, late reaction lang? Gano'n?

  "Hahaha! Ano ka ba, Bez, 'di ka pa nasanay! Mas masarap kayang kumain 'pag may kasabay! Halika na, eat your breakfast bago tayo gumorabels sa opisina. Mahirap magtrabaho kapag walang laman ang tiyan, 'di ba, Tita?" sabi niya at idinamay pa ang aking ina.

  "Oo na! Pumapalusot epek ka pa r'yan. Wala naman bago sa sagot mo! Sige pa, kain pa't baka kulangin pa 'yan," nangingiwi at napapailing namang sagot ko.

  Natatawa na lang si Mommy sa paminsan-minsang bangayan naming magkaibigan. Pero alam naming hanggang gan'on lang 'yon dahil sanay na kami sa pikunang walang pikon.

  At dahil pareho kaming only child ng mga parents namin, dagdag pa na magkaibigang matalik din ang aming mga magulang, sa isang malaking telecommunication company kami magsisimulang magtrabaho. Ang mga Ama namin ang siyang magkasosyo at founder ng kabuhayang namulatan namin. But my Daddy is the only CEO of the Global company.

  Kahit na pareho kaming anak ng company owner, hindi kami pinalaking spoiled at brat in both parties. Because they shaped us how to work, appreciate and learn how to be act as respected people not only to the business world, but to grow as a matured citizen around the globe. At para sa ikauunlad ng future ng aming kumpanya, kailangan naming matutunan ang lahat ng mga pasikot-sikot sa pagpapatakbo nito.

  At ngayong first day naming dalawa, handa na pareho ang bago naming opisina. Sigurado na ang pagiging busy namin ngayong maghapon.

  Well, goodluck na lang sa aming dalawa!