FoxNovel

Let’s Read The Word

Open APP
The Return Of Dark Witch Princess

The Return Of Dark Witch Princess

Author:Acefaith17

Finished

Fantasy

Introduction
                                          Prologue "They kill my parents." "They kill my friend." "They kill my love ones" "They also kill my life" "Now that I am ALIVE." "REVENGE is my DREAM" "And KILLING AND FIGHTING is my THING."
SHOW ALL▼
Chapter

In this cruel world, I am living just to survive. I need to survive everyday without anyone... but only me.

In those cold moments I am not hoping for miracle nor someone to save me.

''Kwak kwak!''

Tumingin ako sa bintana ng palasyo ko at tiningnan ang uwak na patungo sa direksyon ko. I just boredly look at it.

Lumapag ito sa bintana ko at iwinagaswas ang pakpak niya.

''Anong balita?'' I asked to her.

''Naayos ko na ang pinapagawa mo. Bukas ang pagbubukas ng Light Academy. Sigurado ka bang papasok ka sa eskweluhan na yun?'' Tanong niya ng may bakas ng pagaalala.

Umiwas ako ng tingin at nagkunwaring hindi narinig ang sinabi niya. ''This is the only way, Crow.''

''Alam ko pero-''

''Wag mo nang subukang pigilan ako. Dahil hindi na magbabago pa ang desisyon ko.'' Pagalit na pigil ko sa sasabihin niya.

I heard her deeply gasp. ''Hay! Naisaayos ko na ang mga gamit mo. Mamayang gabi tayo tutungo paparoon.'' Huminto siya sa pagsasalita kaya't tumingin ako dito. ''Heto na ang kwintas na kailangan mo.''

Tumayo ako sa aking kama at lumapit dito sabay kuha sa puting kwintas na nasa likod ng kanyang pakpak.

''Kapag suot mo yan, wala ni isang light ang makakadama sa iyo. Panatilihin mo lamang na suot ito.'' Dagdag na saad pa niya.

Bumalik ako sa pagkakaupo sa kama at sinuri ng mabuti ang kwintas. Hugis bilog ang desinyo ng kwintas na ito na mayroong puting kumikislap sa loob.

I smirked as I looked at this. Light Kingdom, napapalapit na ang inyong katapusan. Buhay ang kapalit ng buhay. Uunahin ko ang lugar na pinakamamahal niyo sunod ang buong kaharian niyo.

..............

''Oras na.'' Rinig kung wika ni Crow habang nag aayos ako ng aking bag.

''Handa na ba ang lahat?'' Seryosong tanong ko sa kanya.

Tumango siya sa akin. ''Ganoon pa rin ang pangalan mo, ngunit tanging apelyido mo lang ang iniba ko. Ikaw na ngayon si Faith Winterson.''

Inabot niya sa aking ang isang brown envelope. Binuklat ko iyun at binasa.

Name: Faith Winterson

Age: 18 Years Old

Mother: Deceased

Father: Deceased

Siblings: None

Guardian: None

Relationship with guardian: None

Adopted: Yes

''Bakit puro none, ang nakalagay dito?'' I asked to her.

''Galing ka sa isang nasunog na ampunan, kung kaya't wala kang kahit na anong record. Nilagay ko riyan na nawalan ka ng ala ala sa nakaraan mo noon, kaya hindi mo alam kung sinong nag alaga sa'yo.'' Mahabang paliwanag niya.

I nodded. ''Kung ganon isa pala akong ampon.'' Mapait akong ngumiti. ''Malapit lapit na rin sa tunay kung katauhan, tsk.''

''Wag ka nang magreklamo, pasalamat ka na lang at nakapasok ka pa rin.'' Pagsusungit niya sa akin.

I rolled my eyes. Ang daming alam. Crazy Crow.

I removed my gazed on her and looked at the full moon. Everytime it's out, I feel like I'm getting stronger and stronger.

A strong wind blew as I closed my eyes. I really loved the breeze of air lalo na kapag gabi.

''Humayo na tayo.''

Inalis ko na ang tingin dito at sumunod kay Crow na papalabas na ng pinto. Tahimik akong sumunod sa kanya.

Isang taong nagiging uwak si Crow. Nakilala ko siya noon habang nakakulong sa isang hawla. Ang akala ko isa siyang simpleng uwak, pero nang pakawalan ko siya bigla siyang naging tao.

Ninais niyang maging servant o tagapagsilbi ko. Dahil niligtas ko daw ang kanyang buhay.

Matagal tagal na rin ang nakakalipas ng mailigtas ko siya. Mas matanda lang siya sa akin ng isang taon. That's why I just talked to her, like nothing.

Nakalabas na kami ng aking palasyo. Saglit kung sinulyapan ang luma kung palasyo bago magpatuloy sa paglalakad.

Hindi ko talaga na gugustuhan tingnan ang palasyong binuo ng aking pamilya, ngunit sinira lang ng mga Light.

I clench my fist. Sa twing naalala ko ang bagay na iyun, parang gusto kung magwala at ilabas lahat ng galit ko.

''Hindi ba pwedeng magteleport na lang tayo?'' Biglang tanong ni Crow. Nasa form siya bilang tao. Bitbit ang mga gamit ko kaya hindi siya makakalipad.

''Pwede.'' Simpleng sagot ko.

She rolled her eyes. ''Pwede bang magteleport na lang tayo? Pls!''

Sambit niya sa akin sabay ngiti ng pilit. Blanko ko lang siyang tiningnan bago magpauna ng lakad, sabay hinto.

''Que buezs tes del ela teleportales.'' Ani ko sabay pitik ng kamay ko.

Sa pagpitik ng kamay ko ang siyang pagteleport namin sa isang mataas na pader.

''Narito na tayo.'' Ani ni Crow mula sa likuran ko.

Inangat ko ang tingin sa matayog na pader na nasa aking harapan. Gaano naman kaya katibay ang pader na ito?

''Que kudos san po'ues heites.'' Muli kong sambit.

''Woah!'' I heard Crow said.

Hindi pa rin talaga siya sanay na umaangat kami. Ilang beses na naming ginawa ang bagay na ito ngunit hindi pa rin siya nasasanay. Parang gusto ko tuloy siyang ihulog.

Mabagal ang pag angat namin sa lupa. Nais ko kasing makita ang nasa likod ng mataas na pader na ito.

Makalipas lamang ang isang minuto natanaw ko na rin ang buong Light Academy.

''Hindi ko alam na ganito pala talaga kaganda ang Light Academy, lalo na paggabi!'' Manghang sambit ng katabi ko.

Isang malaking palasyo ang Light Academy. Halos lahat ng istraktura ay kulay puti. Simula sa disenyo, pintura pati na rin sa kasilaw silaw na ilaw nito.

Pinikit ko ang mata ko sabay bukas nito ulit. Isa itong kapangyarihang taglay ko. Kaya kong makita ang nasa pinakaloob nito kahit pa may makapal na barrier ang nakaharang. Nagiging kulay pula ang mata ko sa tuwing ginagawa ko ito.

Isang malawak na ngisi ang nabuo sa aking labi habang sinisilip ang buong loob ng Academy.

''Kabisado na kita ngayon.'' Ngising saad ko.

I am coming, Light Academy. Be ready for my...... REVENGE.