FoxNovel

Let’s Read The Word

Open APP
Fall In Love With A Gangster Prince

Fall In Love With A Gangster Prince

Author:Aizingxx

Updating

Mafia

Introduction
A love story about an orphan girl and an infamous prince. Chloe is just an ordinary girl living a simple life. Until one day, she met a jerk named Kian Jimenez, the leader of a notorious gang called X10. That changed her life into hell. Chloe became prone to danger, which brought her closer to that group, especially to Kian, whom she hates the most. She lives and works for Kian’s family for her own safety. Later on, she witnessed the soft side and sincerity of Kian that made her fall in love with him. Why is it that the person you hate the most will be the one who is destined for you? Is it fate, or was it simply lent to you but will not remain by your side?
SHOW ALL▼
Chapter

Chloe's POV

"Brua, dalian mo, kunti pa naman ang dumadaang tricycle pag gantong umaga!" tawag sakin ni Sophie sa labas ng bahay.

Mamamalengke kasi kami ng gulay para bukas. Patakbo akong lumabas ng kwarto ko at halos madapa pa ako dahil sa mga nakaumbok na butil ng bato sa likod ng floor mats ng munting bahay na inuupaan ko.

Napanganga pa ako pagkakita ko sakanya.

"Pasuyo, ikaw muna ang magdala ng basket ko, baka ako'y magkamuscle" sabi niya habang inaabot sakin ang basket na dala niya. Kahit kailan talaga wala na tong ginawa kundi ang maglagay ng kolorete sa mukha niya.

Isinukbit niya ang kamay niya sakin sabay hila, ito naman ako lagi nalang nagpapatangay sa baklang to.

"Manong para" malanding pagtawag niya sa tricycle diver na dumaan sa harapan namin pero dinaanan lang kami kaya natawa ako.

"Bat ka tumatawa?" inis na tanong niya sabay layo sakin ng sarili niya.

"Hindi ka nagmumukhang pinagnanasahan, mukha kang tikbalang hahaha" biro ko sakanya pero inirapan niya lang ako at naglakad papunta sa waiting shed.

"Biro lang beks!" sabi ko sakanya habang hinahabol siya. Sumakay siya sa loob ng tricycle kaya sumakay na rin ako.

Naawa lang ata tong driver na to kaya niya pinasakay hahaha joke.

"Ang ganda mo kasi" nakangising aniya niya habang tinatarayan ako.

"Pareho lang tayo ano ka ba" lambing ko sakanya kaya natawa siya.

"Sabi na nga eh, kaya lang naman ako hindi isinasakay kasi kasama kita hahaha" sabi niya pero ngumiti nalang ako, para sakyan ang kalokohan niya.

Alam niyo yong ngiting natatae tas nanggigigil, yong kulang nalang masabunutan ko ang tikbalang na to.

Biro lang, lab na lab ko kaya yan kahit magkaiba ang lahi este kasarian namin hahaha.

Bumaba kami sa may public market na halo-halo ang mga itinitinda, mga isda, manok, karne, gulay at iba pa. Dumiretso kami sa bilihan ng gulay. Inilabas ko rin yong listahang ginawa ko para sa mga kailangan sa bahay.

"Teh, isang kilo ng carrots" sabi ni Sophie, ako naman kumuha ng petsay at kamatis.

Saktong pangkain ko lang ang binibili ko, minsan pag marami ang niluluto ko binibig-yan ko rin si Sophie, ganon rin kasi ang pamilya niya sakin.

"Beks paabot nga ng bawang at luya" sabi ko sakanya, kumuha naman ito at ibinigay sakin.

"Sa kabila nalang tayo bumili nong mga wala pa" sabi niya kaya tumango ako.

"Sixty pesos, neh" sabi ni ale kaya inabot ko ang limampu at dalawang lima. Inilagay ko yong binili ko sa hawak niyang basket, ganon rin siya.

"Beks, titingin lang ako ng bangus" paalam ko sakanya.

"Isang pirasong bangus kuya, pakilinis narin" sabi ko sa tindero at naglabas ng forty pesos.

Ang maganda kasi dito ay makakamura ka kesa naman sa mga mall. May sapat lang akong pera pasa sa mga bilihin ko.

"Salamat" sabi ni kuya pagkaabot ko ng bayad, tsaka to naman kinuha ang bangus sakanya.

"Tapos na 'ko, may bibilhin ka pa ba?" tanong niya sakin nang saktong magkasalubong kami, umiling naman ako at tinulunagn siya sa pagbuhat ng basket.

"Kumain ka mamayang gabi sa bahay, marami ang lulutuin ni ermat"sabi niya sakin habang pababa kami ng tatlong baitang sa hagdan.

"Sige, tsaka paki sabi narin sa mama mo bukas ko nalang bayaran yong upa"sabi ko sakanya, tumango-tango naman siya.

Bahay kasi nila ang inuupahan ko, ngayon kasi ang araw ng pagbabayad pero bukas ko pa makukuha ang sweldo ko bilang janitress sa isang restau.

"Brua, mauna ka na muna, nakalimutan ko yong sukli, isang daan at higit pa naman yon" sabi niya habang kakamot-kamot at hinahalungkat ang bulsa niya, kaya wala na akong nagawa kundi buhatin ang basket.

Dahil sa bigat ng basket ay patagilid akong naglalakad kaya tumigil muna ako. Yumuko ako at inipon sa isang kamay ko ang buhok ko tsaka ko pinunglot.

May malakas na dumamba sa kanang bahagi ng katawan ko at biglang nag slow motion ang paligid at ganun narin ang pagkabagsak ko. Napahawak ako sa siko ko at inis na tumayo tsaka ko itinulak yong lalaking nakabangga sakin.

"F*ck! What’s wrong with you?!"galit na sigaw niya sakin.

"F*uck your face! You should ask yourself mister.... what is wrong with you!" sigaw ko rin sakanya, sinilip ko pa ang siko ko at sinamaan siya ng tingin.

Palibhasa'y mayaman kaya walang modo at malala pa dahil mukhang adik! Nakakabwisit ang pagmumukha niya, nanggigigil talaga ako. Alisin niyo ang adik na to kundi hindi ako magdadalawang isip na pulutin ang nakalabas na binili kong bangus para isampal sa pagmumuha niya!

"You're brave huh? I’m Ki~~" I cut his own words.

"I don't ca~~" hindi ko rin natapos ang sasabihin ko nang may tumakip sa bibig ko at inilayo ako ng unti sa adik na to. Halos mag wala na ako dahil sa pagkukumawala.

"Sorry…. umuwi na tayo" sabi ni Sophie na naging pabulong nalang ang huling salita.

"Pakisabi sa kasama mo na matuto siyang lumugar" matigas na sabi ng adik at tinapunan pa ako ng tingin bago tumalikod. Bakla.

Bwesit na adik na to, nakaka tagalog pala pinag english pa ako nang wala sa paaralan, well sa school lang naman talaga ako nag-eenglish~dati.

Inis akong bumitaw sakanya at tiningnan siya ng masama. Gulat akong napatingin sa paligid, halos nakatingin ang karamihan sakin, yong iba nagbubulungan pa pero hindi ko na marinig dahil malayo rin naman sila sakin, samin.

"Tara na" halos mapaos pa siya. Tinulungan ko nalang siyang magbuhat at sumakay sa dumaan na tricycle.

Sophie's POV

"Ma, bukas nalang magbabayad ng upa si Chloe" I said while preparing our foods.

Anyway, I'm Sophie but my real name is Sonny.Mas gusto kong tinatawag akong Sophie kesa Sonny sa kadahilanang masyado itong panlalake na hindi nababagay sa kagandahan kong isang binabae.

Alam niyo naman ang karamihan ng bakla ay gustong-gusto naming tinatawag kami sa pangalang pambabae.

"Oh sya sige, tawagin mo na siya at nang makakain na tayo" sabi ni mama kaya naman lumabas na ako para tawagin siya.

"Brua! Chibugan na!" tawag ko sakanya habang kumakatok ako, saktong bumukas rin ang pintuan niya kaya sabay na kaming pumasok sa bahay.

"Good evening po, ante" bati niya sa ermat ko, naupo naman na kami, si papa naliligo pa baka susunod narin yon.

"Alam mo ba ma, ang lakas ng loob niyang sumbatan si Mister Kian Jimenez sa harap ng maraming tao" balita ko sa ermat ko habang naglalagay ako ng kanin sa plato ko.

"Nako hija, mag-ingat ka sa labas mas lalo na sa taong yon at sa katapat nating bahay" alalang sabi ni mama sakanya.

"Bakit po, ante? “tanong niya.

"Kinakatakutan siya dito sa Santa Ignacia. Marami naring pinatay at sinaktan ang grupo nila. Alam mo yong lalaking nasa tapat? Kagrupo niya yon" habang isinasalaysay ni mama yon ay naninindig ang aking mga balahibo.

"Nako ante, hindi ako takot don kahit mukhang adik pa yon? Psh. Kung nagpapadaig kasi tayo sa takot, talong-talo tayo" mayabang na sabi niya pero di nalang kami umimik.

Bagong salta ka lang kasi dito kaya hindi ko pa nararanasan ang mga nakaka panindig na balahibong gawain ng grupo niya.

Dalawang buwan palang siya dito pero karamihan nasa trabaho siya, sa restau.

"Totoo ang sinabi ng ante mo neh, walang awa ang grupong iyon" singit ni erpat pagkaupo niya sa tabi ni ermat.

"Ayos lang uncle, kaya kong ipaglaban ang sarili ko" sabi niya habang sumusuntok pa sa ere, wala ring maski takot ang makikita sakanya.

"Ante, bukas na po ako magbabayad, bukas ko palang kasi makukuha ang sahod ko" pag-iiba niya ng usapan.

"Sige hija, wala bang abeylabil

available

na pwedeng pasukan ni Sonny?” tanong ni ermat.

"Naghahanap po sila ng tagahugas, pwede po siya ron dalawang daan ang sahod isang araw" sagot niya.

"Nako wag na, wala kang kasama rito sa bahay tsaka isa pa maarte iyang anak mo" sabi naman ni erpat kaya natawa si mama at si Chloe.

"Oh siya, ako na ang bahala dito” sabi ni mama pagkatapos naming kumain.

"Ante, uncle beks salamat sa pakain, mauuna na po ako" paalam niya, hinatid ko naman siya sa pintuan na tinitirhan niya.

Chloe's POV

"Good night beks, salamat ulit” sabi ko sakanya bago ko isara ang pinto.

Dumiretso ako sa lababo para maghilamos at makapagsipilyo narin. Napailing pa ako habang nagsisipilyo dahil sa mga sinabi ng mama ni Sophie.

Sa totoo lang takot talaga ako kanina nang sabihin ng papa ni Sophie na marami ng pinatay ang adik na yon~~ang grupo niya. Oo, parang adik nakakabwesit nang pagmumukha niya.

Pagkatapos ko pumasok na ako sa kwarto ko. Nakapagpalit narin ako ng pantulog bago ako pumunta kina Sophie para kumain. Buti nalang at hindi nagasgasan ang siko ko kanina, kundi isasampal ko talaga ang bangus na binili ko sa adik na yon. Nakakainis talaga ang pagmumukha ng adik na yon.

Nakaramdam naman na ako ng antok kaya humilata na ako sa hindi kalambutang kama pero nakakatulog naman ako ng maayos. Mas malambot pa nga ito kesa sa hinihigaan kong papag dati. Ipinikit ko ang mga mata ko hanggang sa tuluyan na akong nakatulog.

Itutuloy…