FoxNovel

Let’s Read The Word

Open APP
Beautiful X

Beautiful X

Author:vvmana

Finished

Werewolf

Introduction
The sweet revenge is all she have. Arian or should I say—X. She did everything back then, binuo niya ang sarili dahil sa pagaakalang kapag nangyari 'yon, makukuha niya ang ninanais niya simula palang sa umpisa. Ngunit hindi naging madali ang pagkuha niya ng hustisya dahil sa isang misyon. A last mission she need to do is kill The CEO, The BOSS, The Bachelor, The Millionaire, The owner of Empire Enterprise Company— Zadkiel Kaltain. But what will happen if she knew everything about him? She'll kill him or she need to protect him?
SHOW ALL▼
Chapter

•••

"I told you earlier C, don't disturb me." Madiin kong sabi sa kaniya sa kabilang linya.

Kakakuha ko lang ng pera sa ginawa kong trabaho. Kagaya ng pinag-uutos nila, ginawa ko 'yon ng maayos.

Kill and then they give me a tons of money.

Inayos ko ang suot kong itim na cap at itim na mask matapos kong makuha ang pera. Agad akong naglakad papunta sa kotse na nakaparada sa hindi kalayuan.

Hawak-hawak ko pa rin ang telepono sa kaliwang kamay ko at ang maliit na bag sa kanang kamay ko kung saan nandoon ang pera na nakuha ko.

"Pero uuwi ka na ba?" Napapikit ako ng marinig ang tanong niya sa kabilang linya.

"Ano naman kung uuwi ako o hindi? Kailangan ko pa bang sabihin sayo 'yon?" Binuksan ko ang pinto sa driver seat at agad na pumasok doon.

Pagpasok ko ay isinara ko agad ang pinto sa gilid ko at nagseatbelt. Binuksan ko ang malaking bag na tahimik na nakalagay sa passenger seat. Ipinasok ko ang bag na hawak ko doon at saka ko narinig ang sinabi ng taong kausap ko sa kabilang linya.

"Of course! Anong gusto mo? Trabaho lang ng trabaho? Ayaw mo bang uminom muna matapos mong gumawa ng mapanganib na stunt?" What? Mapanganib na stunt?

Binuhay ko ang makina ng sasakyan at agad na nagpaalam dito.

"I'm going to hung up."

"Wait!--"

Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya ng tuluyan ko ng ibaba ang tawag niya.

"Crazy." Minaneobra ko na ang sasakyan at agad na umalis doon.

Babalik na ako. Tapos na ang kailangan kong gawin dito, at saka sinabi sa akin ni C na may bago daw akong tatrabahuhin agad pagbalik ko doon.

Hindi ba pwedeng magpahinga muna? Kakatapos ko lang tapos meron ulit? Hindi nga nila kami binibigyan ng kahit isang day off man lang sa loob ng isang taon. Kapag magpapaalam naman kami, kailangan ng matinding kundisyon galing sa kanila.

Day off nga, kulang naman isang araw para sa pahinga.

"They're so fuck up." I mumbled habang nakatitig sa dinaraanan ko.

At bakit nasabi sa akin 'yon ni C? Pinayagan silang mag-day off? Wow... ilang klaseng kundisyon kaya ang ipinagawa sa kanila? Iniisip ko, gusto ko ring uminom, pero wala naman akong time para uminom.

Bigla na lang akong napapikit at napahawak ng mahigpit sa manibela ng maalala ko ang lalaking target ko sa bansang 'to. Kung hindi ko agad siya napatay sa isang iglap, ako ang mapapatay niya.

Gusto ko minsan magreklamo sa pinapautos nila pero wala naman akong magagawa. They give us tons of money if we can do our mission perfectly and quietly. Hindi ko lang maintindihan ay kung bakit kailangan pa nila kaming ibato sa ibang bansa para lang dito.

Akala ko hindi na kami lalabas dahil 'yon ang isa sa pag-kakaalam ko, pero... this is the 5th time? No? I guess, 10th time na pinadala nila ako sa malayong bansa para lang sa isang misyon.

Kung magsasalita ako... isa lang ang sasabihin niya.

"Here, if you don't want to do your job... make me happy and kill yourself infront of me."

Ridiculous.

I know that they give us shelter and everything but to kill ourselves because we don't want to do our job? That's fucked up.

Kung pwede lang umalis doon matagal ko ng ginawa. Pero hindi... may mga nagmamanman sa akin at sa mga galaw ko, alam nilang lahat ang ginagawa namin.

Napatingin ako bigla sa teleponong nagriring sa harap ko.

Speaking of a devil bitch.

Sinagot ko na lang 'to agad.

"Hello, X. How's your job? Happy?"

That voice.

"Yeah. I do my job perfectly. I buried him six feet under." Sagot ko.

Prumeno ako dahil sa traffic.

"That's good to hear, X. I know you do your job, beautifully... like you."

Oh fuck you.

"Yes. Thank you, Master."

Is that a compliment? I don't think so.

They want us Agents to call the higher ups "Master". Hindi ko rin alam kung anong trip nila.

"By the way, you're going back here right?"

"Yes, Master."

"That's good. Because I have a good news for you."

Ito na ba 'yung sinasabi ni C kanina na bagong misyon? Kaya ba sinasabi niyang maginuman muna kami bago ko malaman ang bagong misyon na ipapagawa niya sa akin?

At bakit sa akin pa aber? Ang daming magagaling na Agents tapos ako pa? Ayaw mo ba talaga akong pagpahingahin?

"Oh? I don't like the reaction of your face, X."

Sh*t.

"I'm sorry, Master. I just feel something on my nose." Liar!

Narinig ko naman siyang tumawa sa kabilang linya. Nakalimutan ko, kahit pala tumatawag siya sa akin nakikita at nakikita niya ang mukha ko at ang mga nasa paligid ko.

Humigpit ang hawak ng kaliwang kamay ko sa manibela, dahil alam kong hindi sakop ng camera ng phone na hawak ko ang kaliwang kamay ko.

Gusto kong ibaba ang tawag niya. Pero pinipigilan ko lang.

"You're funny."

You think I'm funny?

"Thank you, Master. Because I make you happy." After i said that mas lalong lumakas ang tawa niya.

Tsk. Mabilaukan ka sana.

Tapos bigla na lang siyang inubo. Karma nga naman.

"I'm sorry for that."

"It's okay, Master."

"I don't want to say the good news here, so go back quickly and meet me at my office. Take care and goodluck, X."

After that, they hung up the phone.

Napabuga ako ng hangin at napatingin sa labas ng sasakyan kung saan nakita ko na ang airport ng bansang 'to.

Going back for the new mission? Good news? That's not fucking good news for me. That's another, hell for me.

"Haa... going back home again? Damn." Pagkakuha ko ng bag sa passenger seat lumabas na ako sa sasakyan at agad na dumeretso sa loob.

Another headache again.

Nang makuha ko ang luggage ko ay agad na akong lumabas ng airport. Pagod na pagod ako at ang gusto ko lang gawin ay ang matulog agad-agad.

Pero mukhang hindi na 'yon mangyayari kung ang naghihintay sa akin ay ang isa sa kanang kamay niya.

Kanang kamay my ass. Parehas lang naman silang dalawa.

"Oh, you're here..." Malamig na sambit ni Q sabay tanggal sa dalawang earphone na nakasalpak sa tenga niya.

May dalawang men in black na nakatayo sa likod niya habang siya naman ay prenteng nakaupo. Hindi ba niya alam na masyado na silang pinagtitinginan ng mga tao sa paligid?

At para pa siyang walang pakialam.

Okay. I need to shut up.

"Get her luggages." 'Yon palang ang sinasabi niya ay mabilis akong umatras ng dalawang beses ng biglang lumapit sa akin ang dalawang lalaki sa likod niya.

"What are you doing? This is my personal property---"

"Personal Property? All of your things, clothes, money, and even the food that being eaten by that fucking mouth of yours are from the Organization. So that's still your so called... Personal Property?" The fuck?

Wala man lang akong makitang emosyon sa mukha niya pagtapos niyang sabihin 'yon. Kung gaano siya kalamig makitungo samin, nakakapaso naman ang mga lumalabas sa bibig niya.

Bago pa man ako muling makapagsalita ay isa sa men in black niya ang humila sa akin papasok sa isang limousine. Wala akong nagawa kundi ang lunukin ang inis na gusto kong ibato sa kaniya.

Well, it's fucking welcome back, X.

Bago umandar ang sasakyan na lulan ko ay nakipagtitigan pa ako sa kaniya kung saan siya nanatiling nakatayo.

---

Huminto ang sasakyan sa isang Hotel. Pinagbuksan ako ng isa sa mga kasama ko. Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kung anong ginagawa nila, dahil ito naman ang utos sa kanila.

Dalawang lalaki ang nasa unahan ko kung saan hawak nila ang gamit ko at sa likod naman ay dalawa na para bang pinoprotektahan nila ako.

Hindi ba nila alam na agaw pansin sila? Hindi naman ako celebrity para protektahan.

Matapos makuha ang room na naka-reserved daw para sa akin ay sumama pa ang apat paakyat kung saan ang room na naka-assign sa akin. At habang nasa elevator ay naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone sa bulsa ko.

Pagkuha ko doon ay siya ang natawag. Kaya agad ko na lang iyong sinagot.

"Welcome back, X."

I don't need your warm welcome. It's like another fucking hell.

"Thank you for the warm welcome, Master."

"So... you meet, Q?"

Oh? Your right fucking right hand?

"Yes, Master."

"That's good. Enjoy the room that I reserved for you."

"Thank you, Master."

Ayoko talagang tumatawag siya. Nakakairita. Sobra.

Nang makalabas kami sa elevator ay sumunod lang ako kung saan pupunta ang dalawang lalaking nasa harap ko. Saka kami huminto sa sa isang pinto, pagbukas 'nun ay mabilis na pumasok ang apat na chinek ito.

Kung hindi lang ako sanay na may ganito pa, siguro kanina pa ako tumakbo palayo. Sabay-sabay naman silang lumabas galing sa loob.

"It's all clear."

Pumasok naman na agad ako at pagsara ng pinto ay narinig ko na lang na may nagbukas ng sliding door sa balcony. At ang nakangising si C ang nakita ko.

"The fuck are you doing here?!" Sigaw ko at biglang nilock ang pinto.

Paanong---

"Bakit pa tayo naging Agents kung hindi naman natin kayang magtago ng sobrang tahimik sa mga mata at tenga nila?" What the hell?

Nasa harap pa rin ako ng pinto at ganun na lang ang gulat ko ng pumalakpak siya ng dalawang beses. At galing din sa balcony.

Lumabas ang dalawa pang kasama niya.

Nanlalaki ang mga mata kong nakatingin sa kanila.

"Welcome back, X." They said in unison.

•••