FoxNovel

Let’s Read The Word

Open APP
The Light's Flaw

The Light's Flaw

Author:MayariSinaya

Finished

Billionaire

Introduction
Catelinne Valdoria is a former journalist who wants a proper job to earn more money for her grandmother and live a simple life with riches. Pinapangarap niyang makapunta ng Maynila para makahanap ng mas magandang trabaho doon, pero alam niyang hindi sapat ang pera niya. Iyon ang naging dahilan kung bakit niya tinanggap ang alok ni Amanda Artiaga. Ang mga Artiaga na malaki ang yaman at nakapaligid ang mga arian sa buong Donya Remedios Trinidad hanggang Maynila. She wants Catelinne to watch for Elash Artiaga and update her for every trouble he'll make. Amanda wants him to be sensible and serious in view of the fact that he's gonna be the inheritor of all the properties of the Artiaga in Metro Manila, as the eldest among his cousins. Sa pagsunod ni Catelinne sa gusto nito ay akala niya ay magiging maayos at madali lang ang lahat, dahil nagtagumpay siya sa unang subok. Because of a simple mistake, she did not know that everything would be ruined.
SHOW ALL▼
Chapter

Disclaimer: This is a work of fiction. Names, Characters, Businesses, Places, Events, Locales, and Incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

All rights reserved. No part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any electronic or mechanical means including information storage and retrieval systems, without the prior permission of the author.

Unedited and may occur errata

Typographical and grammatical errors

Please bear with me.

"'La, halika na po. Mag-aalmusal na," tawa ko nang nakita ko siyang nagzu-zumba habang nakaharap sa Smart TV na kakabili ko lang kahapon.

Masaya ako dahil kahit papaano ay natuwa siya sa binili ko. Kada-uwi ko sa bahay ay nakikita ko siyang naglilinis lang ng buong bahay, nagdidilig ng mga halaman at halata naman na naghahanap pa siya ng ibang mga gagawin dahil wala talaga masyadong magagawa dito sa loob ng bahay namin.

Mabuti nga at last time nabilhan ko si Lola ng cellphone kaya naman nakakatawag siya sa akin pag may problema. Naisip ko rin na bilhan siya ng Smart TV, regalo ko na rin nung dumaan na pasko. Hindi ko siya pinapagtrabaho dahil ayokong mapagod siya lalo na at tumatanda na siya.

"Ang ganda nito ano? Ganito na pala ka-high tech ang mga telebisyon ngayon? Eh nung panahon pa namin ay hindi naman ganto iyon. Maliit lang na mukhang kahon."

Natawa ako at napailing dahil sa komento niya. "Ganiyan na po talaga ngayon lola, nasa 20's na po tayo. Siguradong mas high tech pa ang mangyayari sa susunod na mga taon."

Napangiti na lang ako nang pumasok siya sa kusina nang naka-zumba na attire at may kulay asul na headband pa na garter sa kaniyang ulo.

"Huwag niyo po masyado pagurin ang sarili nyo sa pag-zuzumba, dapat minsan lang po ginagamit 'yan." sambit ko habang inaayos ang plato niya at ang plato ko.

"Huwag ka mag-alala 'nak, mas madalas pa rin ang pagdidilig ko ng halaman. Si Elisha ang madalas gagamit diyaan sa, ano nga pala tawag?"

"Smart TV po."

"Siya ang madalas gagamit diyan sa Smart TV, malamang ay manonood ng mga bidyo pang-bata."

Ngumiti ako at tumango. Mabuti na lang at iniiwan rito madalas ni Ate Caterina ang anak niyang si Elisha dahil palagi din siya busy sa trabaho pati na rin ang asawa niya. Mabait naman ang boss ko kaya madalas maaga rin akong nakakauwi ng bahay.

Sa totoo lang ay hindi pabigat si Elisha sa amin dahil mabait na bata at madalas siya ang nag-aalaga kay Lola pag wala ako. Lahat ng kapitbahay namin ay kaibigan namin dito dahil madalas imbitahan at kausapin ni Lola kaya naging mabait sila sa amin. Panatag ako na pag may masamang taong pumasok sa bahay ay tutulungan agad sila ng mga kapitbahay kung sakaling wala ako.

Mahirap kapag walang lalake sa bahay. Madalas ay ikaw gagawa ng mga gawaing dapat lalaki ang gumagawa pero ayos lang naman sa akin. Napapangiti naman ako kapag nandiyan si Lola at si Elisha, natutuwa na rin ang puso ko.

Nung nakahanap ako ng magandang trabaho, ang unang ipon ko ay pinangbili ko ng maliit na bahay na sakto lang sa amin ni Lola. Mas nakakatuwa dahil mas malaki ang sweldo ko sa kumpanyang pinagtatrabahuhan ko ngayon kaysa sa kumpanya na nasaan ako dati.

Kaya nga ay nakabili ako ng smart tv, phone, at internet. Mas maganda rin itong trabaho ko ngayon tapos mabait pa ang boss ko kaya naman madalas rin ang bonus ko. Nakakatuwa nga dahil ang bait din sa akin ng nanay niya, akala ko ay katulad nila yung mga mayayaman na matapobre. Yung mga allergic sa mga mahihirap.

Napaangat ang tingin ko nang biglang tumunog ang doorbell at may kumatok.

"Baka sila Caterina na 'yan." sambit ni lola kaya tumakbo ako papuntang pintuan para pagbuksan sila Elisha.

Natawa ako nang bumungad sa akin ang isang mahigpit na yakap ni Elisha sa hita ko pagkabukas ko ng pintuan. Yumuko ako para halikan ang ulo niya at inangat ang tingin kay Ate Caterina na nakangiti sa amin.

"Nakapag-almusal ka na ba ate? Gusto mo bang kumain muna?"

Umiling siya sa akin at ngumiti. "Hindi na, nakapagalmusal na ako at hindi rin naman ako magtatagal. Mala-late na rin kasi ako sa trabaho."

Ngumiti ako pabalik sa kaniya at tumango. Dahan-dahan kong sinara ang pintuan nang nagpaalam na si Ate Caterina at umalis habang kasama ko pumasok si Elisha sa loob.

"Kumain ka na?" nakangiti kong tanong kay Elisha habang papuntang kusina,

Ngumiti rin siya at tumango sa akin. "Opo, kasama ko si mommy."

Napatigil siya sa paglalakad kaya napatigil rin ako. Napaawang ang labi niya at nanlaki ang mga mata dahil nahagip nito ang smart tv. "Mama, ang laki ng tv." mangha niyang sabi at pinuntahan ang tv kaya natawa ako at sumama sa kaniya.

Tama nga si lola at natuwa rin siya sa tv. Hindi pa siya nakakakita ng ganito kaya ganon na lang ang pagkamangha niya. Simple lang rin naman kasi ang buhay nila Ate Caterina kagaya namin kaya hindi pa nakakakita ng ganito si Elisha.

Kinuha ko ang remote sa lamesa at binuksan ang tv para sa kaniya. Ang youtube kids ang pinindot ko dahil nandon na talaga 'yon para sa kaniya. Kahapon ko pa inayos ang settings nito para walang lumabas na adult or teen contents at puro pang-bata lang dahil alam ko naman na manonood na siya ngayon.

Napangiti na lang ako at iniwan na muna siya doon para makapanood na din at kakain na lang muna ako. Maaga pa naman ang nasa orasan kaya siguradong hindi naman ako mala-late ngayon sa trabaho ko.

"Sila Elisha ba?" tanong ni lola pagkapasok ko sa kusina.

Tumango ako at umupo na para matapos na sa pag-kain. Hindi rin ako nagtagal at naligo na rin ako at nagbihis para makaalis na ako, inayusan ko ang sarili ko sa salamin at nag-lagay ng kaunting make-up sa mukha. Kinuha ko ang white heels ko at sinulyapan ang buong suot sa may salamin.

Nakasuot lang ako ng Surplice Wrap Long-Sleeve Crop with White PU Leather Fashion Women Skirt. Kinuha ko ang gold kong relo at sinuot ito sa kaliwang pulso. Kapag talaga isa kang secretary ng CEO ay dapat elegante ang ayos mo, yung tipong mukha ka ring mayaman.

Kinuha ko na ang mga gamit na kailangan ko at nilagay 'yon lahat sa Medium Saffiano Leather Double Prada Bag na niregalo ng boss ko sa akin. Hindi naman kaya ng pera ko ang mga ganitong brand ng bag kaya halatang hindi galing 'to sakin.

Sa totoo lang ay kakapasok ko lang sa trabaho last month kaya hindi pa ako matagal sa kumpanyang pinagtatrabahuhan ko ngayon. Yung mga ipon ko dati ay ang mga sahod ko sa dating kumpanya kung saan galing ako. 'Yon ang pinangbili ko ng maliit na bahay namin.

"Lola, aalis na po ako." sigaw ko para marinig ni lola sa kusina habang naglalakad na papuntang pintuan para makaalis na.

"Mag-ingat ka!"

Napangiti ako at tumugon kaya kay Elisha naman ako nagpaalam na tutok na tutok ang mga mata sa may telebisyon. "Elisha, aalis na ako." paalam ko kay Elisha pero hindi siya sumagot kaya napangiti na lang ulit.

Akmang lalakad na ako palabas ng bahay pero mukhang narinig ni Elisha ang kalabit ng doorknob kaya napalingon siya sa side. Napatawa ako nang ngumuso siya at naiiyak ang mga matang tumingin sa akin.

"Mama, walang goodbye kiss." nakangusong sambit niya kaya lumapit ako sa kaniya at binigyan ng isang patak ng halik ang pisngi niya at tumawa.

"Bye, baby. Pakabait ah." pagpapaalam ko kaya ngumiti siya sa akin at tumango.

Lumakad na ako papunta sa pintuan at tuluyan na ngang nakalabas ng bahay. Pumara na ako ng tricycle para makapunta sa hintayan ng bus. Madalas ganito ang routine ko tuwing umaga, kailangan ko pa magtricycle papuntang bus dahil masyadong malayo pag naglakad ako.

Binigay ko na ang bayad kay manong at bumaba na ng tricycle para maghintay sa dadating na bus. Hindi rin nagtagal ay may dumating na agad na bus kaya nagulat ako dahil madalas ay matagal pa dumadating yung bus pero buti na lang ay hindi ako nala-late dahil maaga ang gising ko at malapit lang ang bahay sa trabaho.

Siksikan sa loob kaya kailangan ko pang tumayo. Hindi naman palagi siksikan sa bus, madalas ay nakakaupo ako at minsan lang tumayo. Kapag siksikan naman ay may mga nagpapaupo rin sa akin pero tumatanggi ako kaya hinahayaan na lang nila ako.

Mahirap kapag wala kang sasakiyan at puro commute lang kaya naman kapag nakaipon na ako ng malaking pera, ipapagawa ko ng bahay namin tapos kapag may garahe na ay mag-iipon ulit ako para sa sasakiyan na bibilhin ko. Hindi naman yung mamahalin na sasakiyan, yung maliit lang na kasya ay anim na tao kasama na ang driver's at passenger's seat.

Bumaba na ako ng bus pagkatapos ng ilang minuto lang na byahe, napangiti ako nang tignan ko ang nasa relo ko dahil hindi pa naman ako late. Komportable ang lakad ko papasok sa kumpanya habang nakasabit ang bag sa may braso.

Naalala ko ang nag-turo sa akin nung baguhan pa ako sa pagiging secretary, ang dating secretary ng CEO sa dating kumpanya kung saan ako dati. Sinasabi niya sa akin na dapat ang dating ko kapag naglalakad ay mukhang sopistikada at masungit. Pero kapag nakikihalubilo sa mga tao ay dapat maamo at malambing ang pakikipagusap.

Tinuro niya sa akin na porke't isa kang sekretarya ng CEO ay dapat magiging mapagmataas ka na, dapat palakaibigan pa rin at marunong makisama kahit kanino. Kaya siya ang naging ka-close ko non pero kailangan niya na nga rin umalis dahil nga ako na ang pumalit sa kaniya, tinuruan niya lang ako ng ilang araw.

Tinginan ang mga empleyado pagkatapak ko ng floor tiles ng building. Dahil na rin sa malakas na tunog ng heels ko at masungit na mukha kaya napatingin sila. Nang bumabati sila sa akin ay ngumingiti ako at bumabati rin sa kanila pabalik dahil ayokong isipin nila na masungit talaga ako.

Ini-scan ko muna ang ID ko bago dumiretso ng lakad papasok sa elevator at may sumalubong sa akin na dalawang empleyado sa finance na bumati sa akin kaya binati ko rin sila pabalik.

"Narinig ko nga ay papasok na bukas yung anak nila, hindi ko alam na ganon kabilis ibibigay ni sir yung shares."

"Siyempre ay mayaman ang pamilya nila, magaling kaya magpatakbo ng business yung pinakaunang apo nila."

Kumunot ang noo ko sa bulungan na narinig galing sa kanila pero kalaunan ay hindi ko na lang pinansin dahil baka wala namang kinalaman sa kumpanya 'yon. Madalas kasi ang dalawang 'to sa elevator na nagchichismisan tungkol sa kumpanya at lagi pa nababanggit si Sir Drayce, ang boss ko at ang CEO ng kumpanya.

Minsan lang naman nababanggit ang pangalan niya at hindi naman masasama ang sinasabi sa kaniya ng mga empleyado kaya kalmado lang ako palagi dahil puro tungkol lang naman sa kaharutan nila.

Dumiretso na ako palakad sa opisina ni Sir Drayce pero nagulat ako nang may humarang sa harap ko at nginitian ako kaya nginitian ko rin siya.

"Goodmorning, Ms. Valdoria." Nakangiting bati sa akin ni Jace na part rin ng Financial Department.

"Yes, Mr. Mesina?"

Nilabas niya ang isang puting envelope galing sa kaniyang bulsa at inabot 'yon sa akin. Kumunot ang noo ko at kinuha 'yon sa kaniya. "May nagpapaabot po nito kay Mr. Villanueva, sinabing importante 'yan at dapat mapadala agad sa kaniya."

Sandaling nagtagal ang titig ko sa may sobre pero nag-angat rin ako ng tingin sa kaniya at ngumiti. "Makakarating."

Tumango siya sa akin kaya tinuloy ko ang lakad ko papuntang opisina ni Sir Drayce. Medyo malayo pa ito dahil malapit sa dulo ng hall at nasa 14th floor kaya ako nag-elevator na lang. Malas na lang pag dumating yung araw na sira ang elevator at kailangan ko pang gumamit ng hagdanan, mabuti na lang at hindi ko pa 'yon nararanasan.

Binuksan ko ang pintuan ng opisina at nandoon ang desk ko. Bale ay dalawang kuwarto rito, pag binuksan ang pintuan ay 'yon ang opisina ko tapos mayroon pang pintuan sa loob at 'yon ang opisina ni Sir Drayce. Sa totoo lang ay pinagawa 'to ni Sir Drayce kaya naman natuwa ako non dahil mas madali sa akin makapunta sa kaniya kapag may kailangan.

Inayos ko ang mga gamit ko sa desk at nilagay roon ang bag kong black. Napatingin ako sa sahig nang nahulog ang puting envelope na binigay sa akin ni Jace kanina. Kinuha ko 'yon at kumatok sa office ni Sir Drayce. Nang marinig ko ang kaniyang permiso ay tuluyan akong pumasok.

Ngumiti ako sa kaniya nang napaangat ang tingin niya sa akin. "Goodmorning, sir."

Ngumit rin siya. "Goodmorning, Catelinne. How may I help you?"

Lumapit ako sa kaniya at maayos na inabot sa kaniya ang puting envelope. "May nagpapabigay daw po. Mukhang importante sir, kaya hindi ko na binuksan."

Kunot noo niyang inabot ang envelope at agad itong binuksan . May nakalagay roon na papel na mukhang may sulat kaya binasa niya muna 'yon. Nagulat na lang ako nang bigla siyang mapatakip sa mukha gamit ang isang kamay habang hawak ng isa ang sulat.

Hindi ko alam kung tatanungin ko ba siya kung bakit naging ganoon ang reaksyon niya pero naisipan ko na lang na umalis muna ng opisina para bigyan siya ng space.

Buong araw tuloy ay ang reaksyon niya ang nasa isip ko, hindi na rin naman iba sa akin si Sir Drayce dahil naging mabait siya sa akin tapos malaki pa ang naging tulong nila kaya nag-aalala rin ako para sa kaniya. Kapag may problema ako ay dinadamayan niya ako kaya naman gusto ko rin sana tanungin sa kaniya kung ano ang problema.

Nung pumunta ako sa opisina niya para magpapirma ng forms para sa mga applicants ay matamlay ang kaniyang itsura at mukhang nalugi kaya naman mas lalo lang akong nag-alala sa kaniya. Hindi ko pa nakikita ang mukha niya ng ganito katamlay.

Kaya naman nang pumunta kami sa isang meeting niya at nag-aya siyang kumain, habang naghihintay sa pagkain ay agad ko siyang tinanong.

"May problema ka po ba sir?"

Saglit siyang napatigil sa tanong ko at hindi sumagot ng ilang segundo. Akala ko ay hindi niya na sasagutin ang tanong ko pero nagulat ako nang bigla siyang magsalita.

"Catelinne, if tomorrow, something will change. Please be comfortable with it, I can't return everything to us now. I trust him."

Matinding kunot ng noo ang ginawad ko sa kaniya. "Ano po ang ibig mong sabihin sir?"

He just smiled and got stunned again. Napaisip ako dahil sa sinabi niya, anong change ang mangyayari? Bukas? Bakit, ano ba ang mangyayari bukas? Hindi ako nakaramdam ng kaba o kung ano, basta ang naramdaman ko ay pag-aalala at kalituhan.

Nag-aalala ako dahil baka kung ano ang mangyayari sa kaniya bukas o kaya naman sa kumpanya. Alam ko kung gaano kalaki ang halaga ng kumpanya sa kaniya at sa pamilya niya kaya hindi niya ito hahayaang mawala. Nag-aalala pati rin ako dahil baka may problema siyang hindi niya na kinakaya tapos ayaw niya ng mabuhay?

Pero nalilito rin ako dahil ano ang ibig sabihin niyang magkakaroon ng pagbabago bukas? Anong mangyayari bukas? Baka naman ay bukas sisante na ako. Baka mamaya ay nairita si Sir Drayce sa pagtanong ko kaya naisipan niyang sisantehin na lang ako. Pero hindi naman ganon kasama si sir kaya hindi niya 'yon gagawin.