FoxNovel

Let’s Read The Word

Open APP
Ang Maldita Kong Katulong

Ang Maldita Kong Katulong

Author:Itsme_kwenny

Finished

YA&Teenfiction;

Introduction
Maldita Series #1 Naging mahirap sa buhay si Trishianna Jelly May Gonzaga. Naging ulila siya sa pagkawala ng kanyang pamilya at para makaahon sa buhay, naghanap siya ng trabaho. Dito niya nakilala ang lalaking dadagdag sa buhay na si Hyderson Demonvil Montecarlo. Hindi niya akalaing susubok siya sa trabahong hindi niya inaasahan, ang maging katulong. Ubod ng sungit at strikto ang kaniyang amo ngunit hindi siya magpapatalo sa kanyang ugaling ubod naman ng kamalditahan. Dumaan ang dalawang buwan bilang katulong, sa boung buhay niya ay natupad ang matagal na niyang hinihiling na makapag-aral ulit, sa tulong ng kanyang amo. Laking gulat niya na lang na may kapatid pala ang kanyang amo na noknokan ng gwapo, sina Iverson Montecarlo at Clarkson Montecarlo. Dito niya din nakilala ang bagong tao sa buhay niya na sina Jess at Melanie. Sa hindi niya din inaasahan ay naging argabyado naman ang buhay niya pag-aaral dahil sa mga palaging bumully sakanya, sina Lucky at Sydney. Ngunit hindi siya ganun na lang susuko, naging mas palaban ito, mataray at maldita. Hindi porket ulila na siya ay magpapatalo sya at hahayaan niya na lang maapi, ayaw niya ng ganun. Nakilala niya si Clarity Concepción na naging dahilan upang mabuksan ang malaking sekretong tinatago ng kanyang mga magulang na hindi niya naman alam. Matatanggap niya kaya ang mga ito? Ngunit may malaking problema naman ang dumating sa buhay ni Trishianna. Pagsubok ng pag-ibig kung saan hindi masusuklian ng tunay na pagmamahal dahil ito ay isang laro lamang. Alamin natin kung paano niya ito nalagpasan.
SHOW ALL▼
Chapter

"Trishianna, pakikuha mo nga ako ng kape?" Utos sakin ni Master habang nakatuon pa rin ang atensyon niya sa papel na binabasa niya. Huminto ako sa kakalinis ng bintana at inis siyang lingonin.

"Bakit hindi ikaw ang kumuha?! Tutal, may kamay ka naman, 'di ba?! Kita mo naman na may ginagawa 'yung tao dito, eh!" Malditang reklamo ko at pinatuloy na lang ang ginagawa. Batid kong gulat at konot-noo siyang lumingon sakin.

"Trisha, katulong kita dito!" Medyo galit niyang sabi. Huminto ako at lumingon sakanya.

"Hoy! Hindi porket amo kita, susundin ko na lahat ng utos mo! Ikaw ang kumuha! Busy ako!" Singhal ko. Napasinghap siya sa hangin dahil sa inaasta ko. Bumalik ulit ako sa ginagawa ko.

"Napaka-maldita mo talagang katulong ka!" Sigaw niya sakin na ikinataas ng kilay ko. "Baka nakakalimotan mo na kaya kitang sisantihin!" Dagdag pa niya.

Huminto ako at lumingon sakanya.

"Madali lang naman akong kausap, Master! Para hindi ka na tatamarin, matuto kang mag-linis ng bahay, mag-hugas ng pinggan, linisin ang bintana, mag-laba! Sobrang pagod na rin ako dito, 'no!" Mahabang sabi ko. Na ikinagulat niya.

Kung tutuusin, ako lang kaisa-isa niyang katulong dito sa bahay niya. Nakakainis lang kasi dahil sa dinami-daming babae sa mundo nahihirapan pa talaga siyang mag-hired! Ewan ko ba sa taong 'to.

Actually, hindi ko lang talaga lubusang maisip kung bakit nagkaroon ako ng amo na kasing sama ng ugali niya. Simula nang pagpasok ko dito bilang katulong, wala akong natatanggap kundi sigaw at mga utos niya na pwede niya namang gawin.

Mygodness! Utos doon, utos dito. Sigaw doon, sigaw dito. 'Yan ang papel naming dalawa dito sa bahay niya. Sana talaga kinilala ko muna siya bago pumayag na maging katulong niya. Ewan ko. Siguro dahil kinakailangan ko talaga ng pera noon kaya ako pumayag agad.

Na-estress na ang beauty ko! Oo, naka-dagdag ng rinkles ang mga utos niya. Oo, papel ko naman talaga na sundi ang pinapagawa niya, pero sana naman matutu din siyang kumilos mag-isa dahil nag-iisa lang akong katulong dito, sunod-sunod pa ang utus niya.

"HOY! SUSUNDIN MO BA ANG UTOS KO O HINDI?!" Biglang tumaas ang boses niya.

"HINDII!"

Bigla niyang kinuha ang baril niya at pinihit.

"GUSTO MONG PAPUTUKIN KITA?!" Galit niyang sigaw sakin. Biglang lumaki ang mata ko at namula ang pisngi.

"P-Po? Sha kama ba, Mashter?"

@Itsme_kwenny